Matapos kumain ay bumalik na rin kami agad sa bahay niya para umpisahan na ang pag-iimpake.
"Yung mga appliances na ikaw ang bumili, iwanan mo na lang dito tapos singilin mo sa kanila. Meron naman na ako dun sa condo," suhestiyon ko kay Billy habang nag-aayos ng gamit.
"Alam mo ba, sabi ni Patrick, hindi naman daw sila nagmamadali na makalipat dito kaya okay lang daw if dito muna ako habang naghahanap ng malilipatan. As if naman gusto ko pang tumagal dito habang yung ex ko ay nangangati nang palayasin ako dito," pagkukwento ni Billy. Kahit na medyo nabawasan ang lungkot sa boses niya habang nagkukwento ay alam kong ikinukubli lang nito sa kanyang sarili ang lahat ng nararamdaman niya.
Alam kong sobra siyang nasaktan. Kung ako ngang hindi gaano tumatagal ang isang relasyon ay grabe pa rin masaktan kapag nakikipaghiwalay, mas lalo naman ang kay Billy na halos sampung taon na nagsama ni Patrick.
"Kaya nga tapusin na natin to para makalipat ka na sa amin mamayang gabi," tugon ko naman sa kanya.
Mga bandang alas-tres nang magdecide ako bumalik ng condo para ayusin ang mga papeles ni Billy. Buti na lang at boy scout si mokong. May nakahandang NBI clearance, birth certificate at pictures. Dapat ay ihahatid pa niya ako pero sabi ko ay magtataxi na lang para matapos niya agad ang pag-iimpake
Alas sais na ng makabalik ako sa kanila. Dinala ko na rin ang sasakyan ko tutal hindi na ako coding para rin madala na namin lahat ng gamit niya. Mabuti na lang at weekend ngayon, at least makakapag ayos pa kami sa condo pagdating.
"Salamat ah," wika nito habang nagpapahinga saglit. Nailagay na namin ang mga gamit sa mga sasakyan namin.
"Para tong ewan. Best friend mo ko. Natural ako ang unang taong tutulong sa'yo," tugon ko.
Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay umalis na kami. Ang balak ni Billy, pagdating namin sa condo ay tatawagan niya si Patrick para sabihin na nakaalis na siya sa bahay nila.
Habang nagmamaneho ay muling bumalik sa aking isip ang nararamdaman ko para kay Billy. Alam kong hindi naman imposible na bumalik ang nararamdaman ko para sa kanya dahil ang dahilan lang naman talaga kung bakit pinilit ko iyong mawala ay dahil naging sila na ni Patrick. Halos hindi nagtagal lahat ng mga naging karelasyon ko dahil narin siguro sa kaibuturan ng aking puso ay may pagmamahal pa rin ako para kay Billy. Ang naging relasyon ko na lang yata kay Francis ang maituturing ko na seryoso.
Mahal ko pa nga yata hanggang ngayon ang best friend ko. Pero alam kong hindi makatutulong na sabihin ko iyon sa kanya. Baka mas makagulo lang ako sa isip niya. Kailangan niya munang magmove on.
Pagdating namin sa condo ay isa-isa naming inakyat ang mga gamit niya. Nandun na kami ng marealize namin ang isang problema. Isang parking space lang ang allotted per unit sa amin kaya hindi pwedeng pareho kaming may sasakyan ni Billy.
"Iuuwi ko na lang muna tong sasakyan ko sa amin bukas," sagot ni Billy.
"Paano ka papasok? Alam kong ayaw na ayaw mong nagcocommute," tugon ko rito. Simula nang magtrabaho kami ni Billy ay inis na inis ito kapag coding siya dahil ibig sabihin nun, kailangan niya magcommute pagpasok. Hindi naman siya makapagtaxi dahil may angking kakuriputan nga ito. Kapag sumasakay kasi siya ng MRT ay hindi pwedeng hindi magugusot ang suot niya. Ayaw na ayaw pa naman nito na magulo ang suot.
"Edi magtataxi. Wala naman akong choice," tugon nito.
Matapos makapagpahinga ng ilang minuto ay inumpisahan na naming ayusin ang mga gamit niya. Dalawa ang kwarto sa condo kaya dun siya sa bakante. Tulad ng dati ay panay ang kulitan namin habang nag-aayos ng gamit niya. Ang hiling ko lang ay sana kahit papaano, mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya.
YOU ARE READING
Not Over You
Romansa"You know I'm just kidding. Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan tuwing nagkukwento ka ng mga nangyayari sa yo. Because I know you don't deserve any of that. At hindi ako titigil kakaumpog ng ulo mo sa pader until you realize that yourself," sago...