Tahimik ang mga naging pangyayari matapos ng kamayan. Hindi ko idedeny pero ang awkward namin! Wala akong maisip na pwedeng sabihin kaya pinili ko nalang manahimik din. Umubo sya ng bahagya kaya napatingin ako sakanya. Ang matang kaninang nakatingin sakin ay bigla nyang iniwas.
Maganda ang kurba ng kanyang mga kilay. Hindi masyadong makapal at hindi rin masyadong manipis. Actually medyo hawig nya si Leonardo De Caprio (younger version) pero nandun yung bad boy aura nya. Madilim ang expression nya at parang may malaking harang parin sa pagitan namin kahit na nagbati na kami. His thin lips are pinkish. Pointy nose. Sharp jawline. Damn, he looks so friggin' fine. Pinilig ko ang ulo ko sa naiisip at binaling ulit ang atensyon sa pagkain.
"You done checking me out?" Halos masamid ako ng sabihin nya yon kaya agad kong inabot ang juice ko. Tumayo sya at hinagod hagod ang likod ko. Inabutan din nya ako ng tissue. What the hell? Am I staring too much? Dammit! It's his fault for being so attractive. Nakita ko syang ngumisi at naramdaman ko naman ang pag init ng aking pisngi.
"Assumero" bulong ko.
"What is it, Blair?" I love it when he calls my name. Oh God, I need to stop this hallucinations now. Tinignan ko sya at pinagtaasan ng kilay. Hinawi nya ang buhok nya pataas. I think he needs a haircut. Medyo mahaba na rin ang buhok nga. Tinaas din nya ang kilay nya at ngumisi. Inirapan ko lang sya. Tinutusok ko sa tinidor ang mga natitirang gulay sa plato ko pero hindi ko kinakain. Hindi parin ako makapaniwalang bati na kami ng isang 'to. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
"Bakit yun ang napili nyong pasukan na school?" Seryosong tanong nya. Diretsong nakatoon ang mga mata nya sakin. Napalunok ako. Hindi ko alam pero sa simpleng tanong nya'y nangangatog na ang mga binti ko. I guess I need a check up. Hindi ako ganito, usually. Damn, Ethan what have you done?
"Why? Masama ba? We want to have new experiences. New nature. Nakakasawa na kasi sa dati naming school." paliwanag ko at nagkibit balikat. Nakatitig sya ngayon sa basong may tubig. Mukhang malalim ang iniisip. I wonder what he's thinking? I wanna know everything that's running in his mind. Tumawag sya ng waiter at nag order ng isang boteng wine. Do we still have something to discuss? Naglapag ng wine glass ang babae at sinalinan ang baso namin. Nilapag nito ang bote sa lamesa at tinulak muli ang dala dalang cart paalis. Nilagok nya iyon. Uminom ako ng konti at naramdaman ko agad ito sa sistema ko. Umiinom ako pero hindi madalas. Nagba-bar kami ng mga kaibigan ko pero minsan lang din.
"You know Blair, there are a lot of schools out there that are much convenient and can accommodate everything you need. Unlike in EHA.." May idudugtong pa sana sya pero umiling iling nalang ito. I don't understand. Masama bang mag-aral doon? Is there something in that school? I want to know everything! Nilaro ko ang pang ibabang labi ko. Mannerism ko na ito simula bata pa lang.
"That place is.." Tinignan ko sya sa mata. Diretsong tingin. Wala akong emosyon. Napa buntong hininga sya.
"It's a dangerous place. You girls should leave as soon as possible." He said in a cold tone. I don't know if I'll believe him or get caught in his trap if it is! Nakipag kaibigan ba sya sakin para mapaalis kami sa EHA? Ganoon nya ba ako kinamumuhian? Hindi ko maiwasang mag overthink! Wala rin naman syang sinabing ganon ang intensyon nya! Tinabingi nya ang ulo nya at tumingin sakin.
"What are you thinking?" Malambing ang tono ng boses nya. Damn, Ethan. You're giving a hard time. A very hard time. Parang kinikiliti naman ang tyan ko dahil sa tinig nya.
"Gusto mo ba kaming paalisin sa school?" Napansin ko ang gulat base sa expression nya. Medyo nanlaki ang mga mata nya at tumawa ng mahina.
"Yes." hindi ko alam kung magagalit ako o hindi. "..because I want you-" pinutol ko agad iyon.
"Us, Ethan. Not only me"
"Ofcourse" tumawa ulit sya ng mahina at nagpatuloy. "I want you guys to be safe. I don't want you and your friends to get hurt.." Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko kaya napatalon ako. Hindi ko ginalaw iyon."I don't want you to get hurt." Malambing ulit ang tono ng boses nya. May parang kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Naramdaman ko ulit ang bilis ng tibok ng aking puso.
"I want to go home." This feeling isn't right. It's not good for me. I don't believe in love anyway. Nagpa bill out na sya para makaalis na kami. Kukuha sana ako ng pera sa purse ko pero pinigilan nya ako.
"You're insulting me." it's not a question. It's a statement. Kinagat ko ang labi ko. This is just a friendly gesture, right?
"Oh, I didn't mean to. Hindi kasi ako sanay na bati tayo." Malamig sa sabi ko. I want to sleep all day and get Ethan out of my mind. Matapos nyang bayaran ang bill ay umalis na kami. Binilisan ko ang lakad ko para hindi na nya ako pagbuksan pa ng pintuan. Nakita ko ang pagbuntong hininga nya at dumiretso na sa driver's seat.
"I don't want you to feel uncomfortable with me, Blair." But that's what I'm feeling right now, Ethan. Malalim ang kanyang boses at parang inaantok na. Sinulyapan ko sya at iniistart na nya ang makina.
"Nabigla lang ako.." I smiled. Hindi ko alam kung totoo ba yung ngiti kong iyon o hindi. I feel so damn tired to think. Kahit na wala naman akong ginawa. I'm just with him the whole time!
"I know this is a big blow to you. Pero I'm serious with this." okay? Can he just shut up and drive me home? Ayoko munang makipag usap sakanya.
BINABASA MO ANG
East High Gangster Academy
FanfictionGANGSTER means FAMILY. And FAMILY means nobody is left behind or forgotten.