Dyes -Sorry-

2.2K 79 12
                                    

Chapter 10:

Ethan's POV:

Dadalhin ko 'tong babaeng 'to sa lungga namin.

Papahirapan ko talaga 'tong bwisit na 'to

Tignan ko lang kung kalabanin nya pa ako.

Nasa sulok ng kagubatan ang lungga namin,

At talagang walang makaka-kita samin doon.

**

Blair's POV:

*poke*

"Tsk! Natutulog yung tao eh!"

*poke*

"Hoy Sleeping panget! Gumising kana nga! Akala ko ba ayaw mo matulog?"

Minulat ko ng konti-konti ang mga mata ko.

And all I can see are.. Trees at isang bahay lang.

"San mo ba ko dinala?! Alam mo--asdfghjklxksnanxa"

Walangyang lalakeng 'to! Di pa ko tapos magsalita eh -____-

"Ang daldal mo I.L" Habang nakatakip parin ang kamay nya sa bibig ko

Sinikmuraan ko naman sya gamit ang siko ko dahilan para bitawan nya ko. But useless. Ang tigas ng katawan nya. Parang bato. 

"Stop doing nonsense things I.L" He said those words and that makes me more angry to him. 

Is he thinking that I can't knock him down? Well his wrong. I'll make him yell in pain.

We enter the house at agad nya akong kinaladkad papunta dun sa upuan.

Inupo nya ko dun at tinali ang mga kamay ko. Sabay labas? So iiwan nya lang ako dito?!

"FAGGOT! WALANG--"

"SHUT THE FUCK UP!! BAT KABA SUMISIGAW?!!"Galit na tanong nya at may hawak syang plastik bag.

"Magluto kana" Sabi nya sabay upo sa couch at sinuksok ang earphones sa tenga. Aba abnormal ba talaga 'to?

"Hindi ako utusan, magluto ka kung gutom ka tss"Tinanggal nya naman agad yung earphones sa tenga nya at nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Susunod ka o hahalikan ki--" Aba ang tigas naman pala talaga ng tae ng lalakeng 'to eh =_= Nyeta ako hahalikan ng isang tulad nya? 

"Pano ako magluluto kung naka-gapos ako dito? Tss bili ka nga ng utak"Inis na sabi with matching pa-irap effect

"Pa-irap irap kapa jan tch."Sabi nya at tumayo na papunta sakin

"Pake mo ba? Inggit ka? Gumaya ka"Pangi-inis ko sakanya at napa-'tss' nalang sya. Habang tinatanggal ang gapos ko. Amoy na amoy ang kanyang mabangong amoy. Nasa harapan ko kasi sya tapos parang inaabot nya lang yung tali sa likod. Well, gwapo naman si Ethan eh masama nga lang ang ugali. He has this messy brown hair. Sharp nose. Dark eyes. Perfect body. Every girls dream but there is one. ONLY one problem. His bad attitude. 

"Hoy mukha kang timang jan. Tulala tss"At dahil jan bumalik ako sa katinuan. Tinignan ko lang sya ng masama habang papa-upo ulit sya sa couch. Nagsalita ulit sya.

"Bilisan mong magluto jan, ayoko ng babagal-bagal tch" Wow naman! para syang nakakuha ng katulong ah! Sungalngalin ko 'to ng kutsilyo eh tch asar!

Ang problema ko ngayon, PANO KO 'TO LULUTUIN?! Ni hindi nga ako inuutusan magluto sa bahay eh! Tch tapos sya paupo-upo lang dun?! Asan ang hustisya?!

Ano ba gagawin ko dito sa mga hilaw na baboy na 'to? At dito sa bigas na hindi luto? Pano ba magluto ng bigas? Aish! Bahala na nga.

Kumuha ako ng kaldero tapos nilagay ko dun yung bigas. Nilagyan ko ng paminta, asin at asukal. Yan ganyan nga! Galing ko talaga! Tapos nilagay na sa stove. Mga baboy naman ngayon. Hiwa lang ng hiwa. Sibuyas at bawang.After ko maghiwa nilagay ko lahat yun sa kaldero uli. At nilagay na sa kabilang stove. Naupo muna ako saglit. At diko namalayan na naka-tulog na ko.

Nagising nalang ako nung narinig kong may sumisigaw. Pag mulat ko ng mata ko puro Usok? May sunog? Wrong timing naman tss. 

"SHIT! SHIT! SHIIIT!"Sigaw ni Ethan na may dalang balde ng tubig at binuhos dun sa may kalan? OMG! nagluluto pala ako!!

"Walangya kang babae ka! Susunugin mo pa 'tong hideout namin! Abnormal ka!"

Aba! Eh baliw pala 'to eh! Hindi nga ako marunong magluo tas paglulutuin nya ko tas ngayon ako sisisihin nya?! Bangasan ko 'to eh.

"Hindi nga ako marunong magluto diba?!"Sigaw ko sakanya at yung apoy naman namatay na.

"Saang luga kaba nanggaling at pagluluto lang hindi mo alam?!"Sigaw nya sakin

"Aba! Tarantado ka pala eh! Hindi nga ako inuutusang magluto samin tas papaglutuin moko?!"Sigaw ko pabalik sakanya. Naiinis nako dito ah!

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa ginawa nya sakin. Sampal. Isang malutong na sampal. Napa-upo pa ako sa lakas ng sampal na binigay nya sakin.

Ewan ko pero parang nanghina ako dun. At napansin ko nalang na may pumapatak na dugo sa t-shirt ko. Nagdugo pala yung gilid ng labi ko. At may biglang tumulong likido na nanggaling sa aking mga mata. Ugh! Hindi dapat ako umiiyak!

"Sorry" Sambit ng lalakeng kasama ko dito at tuluyang lumabas ng bahay. At naiwan ako dun naka-upo parin at patuloy ang pagpatak ng aking luha.

East High Gangster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon