Chapter 17:
Blair's POV:
Sino ba 'tong nagtetext sakin?!! Atsaka saan nya galing number ko? Eh mga kaibigan ko lang may alam ng number ko! Dammit! Lakas ng loob mag-Iloveyou akala mo close kami eh. Ang dami na talagang makakapal ang mukha ngayon. But anyways, nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kakatapos ko lang maligo. Ang sakit ng buong katawan ko. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay matulog. Papikit na sana ang mga mata ko ng may magbukas sa pintuan ko at nagmamadaling pumasok. Problema ng mga 'to? Psh.
"Blair!!! Where have you been?!! Hinahanap ka namin since kahapon!" Conyong sabi ng Maarteng si Sabrina. Akala mo baluktot yung dila eh no? Sarap hilain ng dila para umayos pagsasalita nya. Nagtakip ako ng unan sa mukha at hinayaan lang sila. May nagtanggal naman ng unan sa mukha ko at yinugyog-yugyog ako. Ugh! Hindi ba pwedeng matulog muna at masakit ang katawan ko?! Putek. Kulit ng mga 'to. Pasalamat sila masakit katawan ko kung hindi sinipa ko na sila palabas ng kwarto ko. Umupo ako ng maayos at tinignan sila ng masama.
"Pwede ba? Masakit ang katawan ko. Gusto kong matulog. Hinahanap nyo ko? Dinala lang naman ako ng walang hiyang lalakeng Ethan na yan sa lugar na hindi ko alam kung saan. Gubat na ewan. May hide out pala dun ang mga ungas. Doon ako dinala. Muntik ko pang masunog yung hide out nila dahil pinilit akong paglutuin ng demonyong 'yon! Okay na? Pwede na 'kong matulog?" Pagkatapos ng mahabang sagot ko sakanila napanga-nga naman sila. Mukhang timang lang? Psh.
"Uhh. Can you make bagal-bagal? Hindi ko nagtes ehh" At nag-pout pa! Arte talaga ng babaeng 'to. Pasalamat sya kaibigan ko sya kung hindi ang tagal ko na 'tong nasampal at binigyan ng upper cut. I sighed. Humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot. Itutulog ko nalang 'to. 'Let her sleep first. Pagod siguro. Hayaan muna natin.' Narinig kong sabi ni Xtah sakanila. And from that I heard a soft click from the door. Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog ng mahimbing.
--
Napagising ako dahil nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko ang orasan sa wall clock ko at 1:00 am na? Seriously? Sa ganitong oras may gising pa at magtetext sakin? Psh. Nawala tuloy antok ko. Tinignan ko nalang yung message and galing nanaman sya sa unknown number na nanggo-goodtime saakin.
To: +63912*******
Labas ka sa bahay nyo.
The heck? Ayoko nga. Baka mamaya kidnappin pa 'ko or may bumaril sakin sa labas. Hindi ko pa naman kilala 'to. Maya-maya naman may tumatawag saakin. Ng tignan ko yung caller ID, yung unknown number na nagtetext sakin! Hala! Pero dahil matapang ako at maganda ako sinagot ko.
"Hello? Sino ka?" Pagtatanong ko agad pagkasagot ko ng tawag. Napatawa naman sya ng malakas. Kilala ko 'tong tawa na 'to. Argh!! Bwisit ka talaga Ethan!!!!
"Ikaw na unggoy ka!! Akala ko sino na 'tong text ng text saakin! Bwisit ka talaga! Peste ka! Mamatay ka ng bakla ka! You deserve a trip to hell!" OA na kung OA pero nakakainis talaga! Mukha akong tanga. Nagtataka kung sino 'tong nagtetext sakin tapos sya lang pala 'yon?!
"AHAHAHHA! Chill, Blair. Lumabas kana kaya at kanina pa ako pinapapak ng mga lamok dito?" Patawa-tawa nyang sagot saakin. I don't why but napatakbo nalang ako palabas kahit naka-oversized shirt lang ako at nakashorts. Well, ganyan ako matulog, bakit ba? Binuksan ko yung pinto at nadatnan ko sya dun habang nakasandal sa kotse nya. Naka-pants sya, naka-white shirt at may suot na leather jacket na black. Ng makita nya 'ko, hinagis nya sa tabi nya yung sigarilyong nasa bibig nya at tinapakan. Nakatingin lang sya sakin habang ako naman ay nacu-curious kung may dumi ba ako sa mukha o kung may mai ba sakin. Magulo ba buhok ko? Madungis ba ako? Tsk! Kaasar naman 'to! Kung bakit kasi pupunta punta pa dito saka enemy kami no! Like duh!
"Oh? Anong tinitingin-tingin mo dyan? Saka 1:00 am ng madaling araw nandito ka? Saka magkaaway tayo ah? Bat andito ka? May appointment kaba sakin? Ni hindi ka man lang nagsabi!" Napangisi lang sya. Bumuntong hininga at nagsalita, "Pwede ba isa isa lang ang tanong? Mahina ang kalaban" Saka sya tumawa ng mahina. "Tara may pupuntahan tayo" wth? Matapos nya 'kong dalhin sa liblib na lugar na 'yon dadalhin nya nanaman ako kung saan?
"Hoy faggot! Hindi ako kaldakarin no. Ano ko body guard mo? Sa ganda kong 'to? Ang kapal ata ng kalyo nyang mukha mo!" Nag-face palm nalang sya at lumapit sakin. Hinawakan ang kanang braso ko at hinila ako papasok sa kotse nya. Hindi ba nakakaintindi 'tong lalakeng 'to? Bobo lang? Fudge!
"Alam mo ang ingay mo. Pwede namang sumakay ka nalang sa kotse. Gusto mo pang kakaladkarin pa kita papasok. Tsk" Wow! So ako pa ngayon? Dictionary ba 'tong mukha nya? Ang kapal eh! Pinaandar na nya ang sasakyan nya at nagmaneho ng tahimik. Hindi ko nga alam kung bakit napapasama ako sa lalakeng 'to eh. Hindi ko man lang sya upakan o bigyan ng upper cut. Bakit? Ugh! Blair! Umayos ka nga! Huminto ang kotse. "Nasaan tayo?" Tanong ko kay Ethan. Bumaba sya ng kotse at umikot para pagbuksan ako. Teka, ano 'to? Gentledog naba sya? Ang taray ha!
Umiwas naman sya ng tingin. "Bumaba kana dyan, wag feeling prinsesa" Okay na sana eh! Maniniwala na sana ako eh! Paasa! Chos. Bumaba nako at baka ipitin nya pa ako dito. Pagkalabas ko, madilim padin. 1:30 am palang no! Inaantok pa 'ko. Malamig dito. For whoever's sake! Naka-shorts lang ako at natatakpan pa 'to ng oversized shirt ko! Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Nasa sea side pala kami. Parang Manila Bay lang pero mas maganda dito. Napaka-peaceful ng lugar. Wala pa kasing tao eh. Umupo ako sa isa sa mga bench dito yakap-yakap parin ang sarili ko. Maya maya naman may naramdaman ako sa balikat ko. Yung leather jacket pala ni Ethan. Nakawhite shirt nalang sya at naka-pants ngayon. To be honest, ang gwapo nya parin tignan kahit simple lang soot nya. Kaso yung ugali lang talaga eh. Well, his attitude is kinda cool but minsan kasi sumosobra na pagiging mayabang at mahangin nya and it really irritates me.
"Bakit tayo nandito? Ba't moko dinala dito? Ba't ako ang sinama mo?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya habang nakapikit ako at dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Tinignan ko naman sya at hinihintay ang sagot nya. Tinignan lang nya ako at tumingin sa dagat na ngayon ay dahan-dahan ng lumiliwanag pero konti palang. "Wala lang" sagot nya. Bahala nga sya. Inaantok pa 'ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Wala naman sigurong intensyon 'tong lalakeng 'to sakin eh no? So okay lang. Malapit nakong makatulog. Inilagay nya ang ulo ko sa balikat nya. Wala nakong pake dahil antok na antok pa talaga ako.
"Goodnight, Blair" Pagkatapos kong marinig ang mga katagang yan, natulog nako.
--
Hehez. Sorry ngayon lang nag-update :) By the way, bago na yung Prologue at yung Chapter 1 inedit ko lang. At yung mga ibang chapter ie-edit ko nalang kapag tapos ko na 'to. :)
Sorry sa mga typo errors hehe intindihin nalang at ieedit ko nalang :)
BINABASA MO ANG
East High Gangster Academy
FanfictionGANGSTER means FAMILY. And FAMILY means nobody is left behind or forgotten.