Uno -NewSchool-

6.3K 129 2
                                    

Chapter 1:

Blair's POV:

Hey. I'm Blair Candice Garcia. 17 years of existence. Nagaaral sa Greenland Academy, at ngayon ay lilipat na sa East High Gangster Academy with my friends. Bully kami sa school, lahat natatakot samin. Babae man kami, pero palaban. Sa mga lalake? nakikipag-basagan din kami ng ulo sakanila. And besides, kami rin naman ang mananalo sa bandang huli. They're just wasting their time, proving that they are really strong, Psh. Strong their face. Bully kami pero, mukhang dyosa sa sobrang ganda! Walang aangal, ipapa-salvage ko kung meron man, Dejk lang. Alam ko naman na walang aangal diba? Btw, kaya kami lilipat dahil nakakasawa na ang pagmumukha ng mga teachers dun. Lalo na yung principal -_- Pano ba naman, lagi kaming na Pi-Principal dahil kasi nga bully kami, lagi kaming pasimuno sa gulo, at kung ano-ano pa! Okay, yan lang masasabi ko.

By the way, nextweek na magsisimula ang pasok namin sa bago naming school. And obiously we chose that school because it's already stated on the name of the school that it is a Gangster school.

Ang mga kaibigan ko ay sila:

Sabrina Rivera- The "Maarte" sa sobrang arte nyan ang sarap nyang ihampas sa lamesa. Laging conyo magsalita at laging may kasagutan sa grupo.

 Tresha Salvador- The Cassanova Bitch. Every week pabago-bago boyfriend nyan. Minsan pag nahuhuli sya ng boyfriend nya na may kasamang lalake hahayaan nya lang. Wala syang pake. At ang mas matinde pa dun eh hinahayaan nya pang mag-away ang mga boyfriends nya. Oo. BOYFRIENDS dami eh.

 Morene Diam (Read as Morin)- The "Happy-Go-Lucky" Clown yan ng grupo. Minsan baradong barado kami dyan. Minsan naman baradong-barado sya samin. Patawa lagi eh.

Xtah Seok (Read as Kristah)- The Bipolar. Maryosep hindi ko maintindihan yang babaeng 'yan. Maya-maya tatawa. Maya-maya nanaman ang sungit na. Sarap sapakin eh.

Kaesha Craexel Clinnton- Napa-sunget netong babaeng to. Ni hindi nga yan ngumingiti eh paminsa-minsan lang. Pag tumawa yan aba magpapa-misa ako sa quiapo.

Magkakaibigan na kami since God knows. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal sakanila eh. Well siguro nasanay nako sakanila. Ikaw ba naman kasama mo yang mga yan kahit saan? Kahit ata pagligo ko kasama ko yang mga yan eh. Laging nakabuntot sakin. Kaya tuloy pag hindi kami magkakasama namimiss ko sila. Kahit ganyan yang mga yan mahal na mahal ko sila noh. Hindi ko hahayaang saktan sila ng mga ibang tao.

Biglang may kumatok sa pintuan ko. Nasa kwarto kasi ako at bagot na bagot ako. Ayoko namang lumabas kasi nakakatamad din. Binuksan ko ang pinto at umalik agad sa kama ko ng hindi tinitignan kung sino yung kumatok.

"BLAIR!!!" Ay putakte! Makasigaw naman 'to jusko. Kilala ko 'tong boses na 'to eh. Si Sabrina. Ang pinakamaarte sa buong mundo. Nakakabanas 'to pag nagco-conyo.

"Problema mo?" Tanong ko sakanya sabay bagsak sa kama ko. Pati pagiging tamad nakakatamad na rin. Pakamatay na kaya ako? Wag na pala. Mababawasan magaganda sa mundo. Mahirap na. Ayokong may pumalit sa pwesto ko.

"Tara na! Mamili na tayo ng gamit! Like duh next week pasukan na noh" Woah for the first time hindi 'to nag-conyo. Bravo! Magpapamisa ako sa Quiapo bukas. And speaking of pasukan. Next week na pala. Akala ko sa susunod na buwan pa. Kahit tinatamad ako no choice eh. Kukulitin lang ako neto at baka masapak ko. Umiyak pa 'to.

Tumayo na ako at maliligo. Bahala syang maghintay. Mabaliw sya dyan. Pumasok nako sa banyo at nagsimula na. After nun nag-lagay ako ng light make up. Nag-suot ng Stylenanda dress na color black at nilugay ko nalang ang buhok ko. Sinuot ko rin yung wrist watch ko. Kinuha ang phone at wallet ko. AYokong magdala ng bag kasi pampabigat lang yun sa katawan.

Paglabas ko nadatnan ko si Sab na nakabusangot ang mukha. Natagalan to panigurado. Bahala nga sya dyan. Lumabas nalang ako ng kwarto ko. Susunod din yun.

"Ang tagal mo naman girl! Grabe ha!" Sabi na eh. Pero diko nalang sya pinansin at dire-diretso lang sa labas. Nandun narin pala yung iba. Nasa kotse na at kami nalang ang kulang. Sumakay agad ako sa kotse. Ganun din si Sab. Magpapahatid nalang kami sa driver namin. Habang nasa byahe natulog muna ako. Malayo-layo din naman yung mall eh so pwede pa matulog. Yung iba naman naguusap-usap lang.

Matutulog na sana ako ng biglang..

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

EDITED 

East High Gangster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon