♥What happens when 2 polar opposites attract?♥
TOSHI'S POV
" Starting today.... You'll be my Yaya, my alalay and my tutor.... "
Ano daw? Ano siya sinuswerte? Ako YAYA? ALALAY? Oh men.
N-E-V-E-R! NEVER!
Makalayas na nga. Tumayo na ko at aalis na...
" Aray... ang arm ko.. niligtas ko kasi yung iba dyan e.. kahit alam ko na ayaw ako nyan niligtas ko parin... kawawa naman yan pag nabagok e... magkakalat ang brains nya huhu. "
Aba nagdrama ang tarantado?
" Hoy Kristoffer.! Salamat sa pagliligtas ha. Pero di ako papayag..! " pagmamatigas ko.
Tumayo ako at tinalikuran sya..
Aba! Tinuloy ni gago ang drama nya!
" Ganyan naman e... pano ako magsusulat ng notes ko sa lecture? Pano ako magluluto nito ng dishes sa laboratory at practicals?
At pano ako magbabati......? "
Napaharap ako sa kanya! Hentai!!!
" ng itlog! For baking subject.... " tuloy nya.. oh men. Napafacepalm ako. Ako ata tong pervert ang utak...
Umupo ako sa tabi nya. Fudge! Oo na. Nakonsensya na ko Mr.Sebastian!
" Okay payag na ko! Buset ka! " iritang sabi ko. Ngumiti sya na parang batang napagbigyan.
" Yay! Sabi na nga ba di ako matitiis nito e.! " sabi nya.
" Okay fine! May conditions ako. " seryosong sagot ko sa kanya. Nacurious naman ang itsura nya
" Wag mo ko gagambalain pag class hours, wag mo na ko bubwisitin.... pag di ka sumunod iiwan kita. " banta ko. Napaisip sya sa mga conditions ko.
" Okay deal.! Pero may conditions din ako! " sabi nya.
" Hoy! Pag kagaguhan yan wag mo na sabihin ah! Nako Kristoffer! Sinasabi ko sayo... "
" Una... sabay na tayo kakain ng lunch! "
" Hoy! I object! " singit ko.
" Nope di pa ko tapos.... sabay tayo magrereview for exams,
At panghuli..... "
" Hoy! Unfair yung first! " reklamo ko.
Teka ano yung last pala?
" Ano yung panghuli? " biglang sambit ko
" BAWAL MAINLOVE! " sabi nya. Tae ano daw?!
" Hoy! Anong sabi mo? " sabi ko sa kanya
" Sabi ko bawal mainlove sa isa't-isa. " seryosong sabi nya.
" Ulol. Di tayo talo.! Wag kang feeling dyan! " ilusyonado ata ito e.!
" Eh bat ka defensive? Naniniguro lang... kasi baka mahulog ka sa kagwapuhan ko! " sabi nya sabay pogi sign... kung di lang to pilay nasapak ko na sya I swear!
" Ewan ko sayo! Makaalis na nga! " akmang aalis na sana ako nang magflicker yung ilaw!
Nagpatay sindi yung ilaw hanggang namatay sya ng tuluyan! Diyos ko!! May multo!!! Napatakbo ako sa kama ni Kristoffer.
" Mama! Multo!!! "
Nag-on uli ang ilaw... lecheng ilaw yan! Uso magpalit ng bumbilya po...
" Hoy! Ambigat mo! Umalis ka nga dyan! "
Shit-take mushrooms! Nakaakap na pala ako kay Kristoffer!
" Sorry! Yung ilaw kasi e.! " umalis ako sa kama nya. Tae nakakahiya. Feeling ko ang init-init ng pagmumukha ko.
" Whooo! Nagbublush si Yaya oh! " asar ni Kristoffer. Oo ata! Huhu!
Dali-dali kong binuksan ang pinto at nilayasan ko sya...
KRISTOFFER'S POV
" Oh kuya? Anong nangyari sa braso mo? " tanong ni Kristoff. Kapatid ko.
Nasundo na ko ni Manang Tasing, sya yung nag-alaga saming magkapatid ever since bata pa kami...
" Nadulas kuya mo anak. Niligtas nya yung kaklase nya. " sabat ni Manang Tasing.
" Sinong kaklase? Yung nakukwento mong inaasar mo lage? " tanong ni Kristoff.
" Yeah sya nga. " sagot ko. Kumuha naman ng marker pen si Kristoff.
" Yan kase! Nakarma ka tuloy! Binibeastmode mo kasi e... " sabi nya. Tinanggal nya yung takip ng marker pen.
" Oy! Anong gagawin mo sa marker? " tanong ko... ngumiti sya na me masamang binabalak. Umiiling nalang si Manang Tasing.
" Edi magsusulat! " nahuli nya yung nakabenda kong braso at nagsulat. Di ko nalang sya pinigilan.
" BE CAREFUL WITH MY HEART <3 <3 " basa ko.. ano to?! Corny! Sinimangutan ko si Kristoff.
" Haha! Ayaw mo ba nyan kuya? Pag nabasa nya yan edi aamo yun sayo.. " sabi nya.
" As if! Anlaki ng galit nun sakin e. " sagot ko.
" Pano nga kasi lagi mong binibeastmode. Oh sya kuya! Tulog na ko.. first day ko na bukas sa new school ko.. good night! " paalam nya. Umakyat na sya sa kwarto nya.
First day na kasi nun sa new school nya bukas... excited na nga e.. Hay! Makatulog na din.
Umakyat ako at nagpahinga na rin...
The next day.....
Naghanda na ko pumasok. Ang hirap maligo. Dapat di sya mabasa.. tsaka kailangan di masyado malikot.... Nakaraos naman ako. Nakapasok din ako nang maaga.
Pagpasok ko nanduon na si Toshiro at ang kaibigan niyang Thai na nagtatagalog.
" Morning Kris! " bati nung Thai.
" Morning din. " sagot ko. Naupo na ko sa upuan ko. Humarap sakin si Toshiro, asa harapan ko kasi sya e.
" Hey. Sorry tumakas ako kahapon. Lakas mo kasi mambwisit e. Kamusta na braso mo? " seryoso nyang tanong. Nanibago ako. Dati kulang nalang sabihin nya na lahat ng existing na bad words pag kausap nya ko .. ngayon seryoso sya!
" Eto okay lang. Medyo mahirap lang maligo... " sagot ko. Napansin nya na me nakasulat sa braso ko.
" Haha! May sulat oh? " sumilip din si Thai. .
" BE CAREFUL WITH MY HEART <3 <3 " basa nung Thai. Medyo nahiya tuloy ako! Si Kristoff kase e.
" Dapat kami din!! " sabi ni Toshiro. Naglabas sila ng marker. Hinayaan ko sila magsulat.
" Yan tapos na! " sabi ni Toshiro.
*KRIIIIING!!*
Tumunog na ang first bell. Hudyat ng pagsisimula ng first class namin. Humarap na si Toshi sa harap.
Binasa ko yung sinulat nya.
" Get well soon! Tnx tiyanak :-P "
Ewan ko kung bakit biglang nangiti ako....
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]
Roman d'amourAno ba ang perfect recipe for love? Enter these 2 polar opposite people. Meet Toshiro. Self-proclaimed otaku, aspiring chef. Consistent sa kanyang ginagawa para makamit ang pangarap. Mabait na kuya pero mahiyain sa iba... ayan si Toshi. ...