♥Spark to light a fire♥
KRISTOFFER'S POV
Last day na namin. Free day na namin ngayon sa Baguio. Malaya kami gumala kung saan-saan.
Magkasama sila Phao at Shiro habang naiwan kami ni Harvey sa isang ukay-ukay malapit sa hotel.
" Hey Kristoffer. "
Tumingin ako ke Harvey. Mukhang me itatanong.
" Do you like Toshiro? " straightfaced nyang tanong
Ano ba isasagot ko? Oo. Yaya ko yan e..
" Yeah. "
" As what? " tae dami tanong!
" A friend, yaya... " dire-diretso kong sabi.
" Kung turing mo sa kanya eh kaibigan bat selos na selos ka pag nagkakasama kami? Nahahalata ko Kristoffer. "
Nagseselos nga ba...
" Di ako nagseselos. Ano dapat ko ikaselos? "
" Meron. Alam mo kung ano yun? " pang-asar na tanong nya.
" Gusto ko si Toshiro. Ilalayo ko sya sayo kasi abusado ka. " dire-diretso nyang sabi. Nag-init ang mukha ko. Nagclench ang mga kamay ko. Tarantado e!
Akmang sasapakin ko na sya ng dumating ang dalawa...
" Hey! Ano pinag-uusapan nyo? " inosenteng tanong ni Shiro.
" Oo nga! Mukhang boys talk yan ah! Pulang-pula si Kristoffer e. " sagot ni Phao.
" Not much guys hehe. We're just talking about SOMEBODY, me and Kristoffer likes... " sabay tingin sakin ni Harvey na malademonyo!
" Ahh.... okay. " sagot nalang ni Shiro.
" Tara na! " aya ko.
Bumalik muna kami sa hotel para mababa yung pinamili ng dalawa tsaka para makapagbihis na rin...
Puro kagaguhan yan si Harvey... kung gusto nya si Shiro, di sya magtatagumpay! Harhar.. yaya ko to! Di ko yan papamigay...
Bwahahahaha!!
" Oh. Kristoffer. Nababaliw ka na ba? Bat ka nageevil-laugh dyan? "
Nyeta! Di ko namalayan yun ah! Kristoffer. Bawas-bawasan na kasi panonood ng kung ano-ano. Nagmumukha ka ng kontrabida e...
" Tara na... " aya ni Shiro... inakbayan ko sya. Nagulat naman sya.
" Oh bakit? "
" Ano nalamon mo? Bait mo ngayon ah? "
Ngumiti nalang ako.... nakarating na kami sa lobby... aba magkakulay ng damit si Harvey at Shiro!
" Wow! Ano to? Valentines day? " puna agad ni Phao. Nakasmirk naman si Harvey! Pambuwisit talaga tong hayop na to...
" Nagugutom na ko.... " sabi ni Shiro.
" Tara kain tayo. " aya naman ni Harvey.
Payback time...
" Wow.. talaga Harvey? Ililibre mo kaming tatlo? Nako! Ambait bait mo pala... Salamat! "
Lumapit ako at tinap sya... ngumiti naman sya kahit nasesense ko na naiinis na sya.
" WELCOME Kristoffer.... may alam akong kainan dito na alam kong magugustuhan mo... "
Nakatingin nalang samin sila Phao at Shiro. Mukhang nasesense na me girian kami nitong pangit na to.
" Shiro! Lika nga dito. Baka sumabog kayong dalawa dyan pag nagtabi kayo.! " hinila ko si Shiro at inakbayan. Nakita ko naman yung kakaibang tingin ni Harvey... haha. Mamatay ka sa inggit ulol!!
" Kristoffer. Ano nalamon mo? " tanong ni Shiro
" Wala pa nga e. Di ba papakainin palang tayo ni Harvey? "
" Oo nga! Sabi ko nga.... "
natatawang sabi ni Shiro...TOSHIRO'S POV
Andito na kami sa isang Korean Restaurant sa Baguio. Ramyun daw ang specialty dito. Di naman kami familiar sa Korean Foods e.
Inorder ko kimbap at bibimbap. Parehas naman kami ni Phao. Habang yung dalawa Ramyun talaga ang inorder...
Tabi kami ngayon ni Kristoffer. Ewan ko ba dyan. Paalaga ang loko! Ayaw malayo sakin.... para syang bata na takot mawala..
" Guys! After nito pasyal tayo ha! " aya naman ni Phao.
" Oo nga! Last day na natin ngayon! Sulitin na natin. " sang-ayon ko naman...
" Tara! KUMAIN muna tayo! Haha! THANK you uli Harvey ah! " natatawang sabi ni Kristoffer.
" WELCOME Kristoffer. "
At yun na! Dumating na ang orders namin... at dahil nagugutom na ko kumain na ko...
" Oh ano yan? Noodles? " tanong ni Phao kila Harvey.
" Yap! Tikman mo Kris! Sarap nyan! Ubusin mo ha! " si Harvey.
" Oo naman. Shiro. Madami ba yang toyo mo? "
Tumango ako.
" Para san? " tanong ko.
" Pag kulang manghingi tayo ke Harvey. Andami nya atang toyo. " napatingin naman si Harvey.. hala.
" Kain! " sabi ni Harvey. Nagsimula ng sumubo ng pagkain sila Kristoffer at Phao. Si Harvey naman nakangiti lang...
" Uhhm! Chalap! Teka...... " si Kristoffer.. napatingin naman ako ke Kristoffer.
" ANGHANG!!!!! Whooooo! " namumula na sya! Pinapaypayan na nya yung bibig nya. Siguro nga napakaanghang ng Ramyun na yun!
" Eto! " inabot ko yung mineral water ko ke Kristoffer. Nilagok nya naman agad yun...
" Uhm! Masarap ba Kristoffer? Ramyun e spicy noodles ng mga Koreano... sarap diba? Pampainit! " nang-aasar na sabi ni Harvey. Nakabawi to sa joke ni Kristoffer kanina ah!
Nakangiti naman si Phao samin ni Kris.
" Uuuyyy.... ininom ni Kris yung ininumang tubig ni Toshi! Indirect Kiss!! Whooo!! " asar ni Phao.!
Napatingin ako sa katabi ko. Namumula sya lalo!
" Leche. Maanghang kaya tong pinakain sakin malamang iinumin ko agad to. " depensa naman ni Kristoffer.
" Sabi ko nga po! " sabi naman ni Phao.
Nanahimik bigla si Harvey..
KRISTOFFER'S POV
Aba... naisahan ako ng ungas na yun sa ramyun ah... Di papayag to syempre.
May kasabihan nga: " Lintik lang walang ganti... "
" Oh Kristoffer. Ano na naman binabalak mo... " si Phao. Aba nababasa ata nito na may evil plan ako ah...
" Yung alaga mo Shiro, may binabalak na di maganda. " warning ni Phao ke Shiro na walang muwang.
" Wala kaya.... hehe. "
Matapos namin kumain sa restaurant nag-aya sila gumala na.... naisipan namin magbike sa Burnham park...
Naglakad na kami papunta doon. Malamig talaga dito sa Baguio nuh. Kahit maglakad ka di ka masyado pagpapawisan....
Nakarating na kami sa biking area...
" Guys. Kayo nalang... hintayin ko nalang kayo dito... " si Shiro..
" Bakit? " tanong namin...
" Di ako marunong magbike e.... " mahinang sagot ni Shiro.
Bago pa ko unahan ng ungas na Harvey na yan, ako na.
" Ya.! Lika tuturuan kita... "
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]
RomanceAno ba ang perfect recipe for love? Enter these 2 polar opposite people. Meet Toshiro. Self-proclaimed otaku, aspiring chef. Consistent sa kanyang ginagawa para makamit ang pangarap. Mabait na kuya pero mahiyain sa iba... ayan si Toshi. ...