♥Huling lambing♥TOSHIRO'S POV
" Toshi.... Maselan ang pagbubuntis ko... " napaakap ako kay Selina. Naaawa ako sa kanya.
" Sinabi ng doktor na mahina ang kapit ng baby... malaki ang posibilidad na malaglag sya... Toshi... " para akong sinasaksak sa narinig ko. Halatang-halata ko ang pag-aalala sa boses ni Sese. Hinaplos-haplos nya yung braso ko.
" Toshi.... may I ask a favor? Please? "
Napatingin ako sa kanya...
" Toshi.... I want you to keep my baby. Pag nawala ako. Ampunin mo sya... ayun ang huli kong pabor na hihingin sayo.... " natahimik ako. Unti-unting tumulo ang luha ko....
" Oo Selina. Pangako! Ako ang tatayong Poppa ng baby mo... and I promise.. I'll be the perfect dad for your baby... " napangiti sya... Inakap ko si Selina nang mahigpit...
" Salamat Toshi... Salamat nang marami.. di ko malilimutan to.. "
KRISTOFFER'S POV
Andito ako ngayon sa Noodle Nosh. Nag-usap kami ni Shiro na dito kami magkikita pagkarating nya sa resto ng mama nya....
Habang naghihintay may tumawag sakin. Napalingon ako.
" Hi Kris!! " napatingin ako sa tumawag sakin. Aba si Dawn!
" Oy! Kamusta? Me hinihintay ka rin dito? " umiling naman sya at naupo sa harap ko.
" Wala. May nasalubong lang ako kanina
.... eto napadaan lang ako dito. Teka! I heard you're going to Paris right? " tanong nya" Ah oo! Napili ako ng LaVerre para sa Exchange Student Program.. " paliwanag ko.
" Ay oh? Hmmm. See you in Paris then! " nagulat ako sa sinabi nya. Pupunta din sya sa Paris?
" Pupunta ka rin Dawn??? " tumango sya at ngumiti!
" Oo hehe. Napili rin ako ng University namin. Hehe. Excited na nga ako ee. " at ayun nga andami naming napag-usapan ni Dawn. Pupunta din sya sa Paris at halos parehas ang flight at date of departure namin..
Teka! Asan na si Shiro? Mag-iisang oras na ah!
" Kris.! " tumingin ako sa labas. Andoon na sya..
" Shiro! Dawn. Saglit sunduin ko lang si Shiro ko ha.! Kilala mo naman na sya diba? " naiwan ko muna si Dawn at sinundo si Shiro sa labas.
" Kris. Sorry, natraffic lang... pasensya na talaga. " inakbayan ko si Shiro. Parang may iba rito ah. Mukha syang malungkot na ewan.
" Lab! Okay ka lang? " tumango naman sya.
" Ah oo naman! " sabi nya. Pinakilala ko naman si Dawn. Naalala naman niya si Dawn. Umalis agad si Dawn nung pinakilala ko si Shiro sa kanya.
" Hey. Bye Kris.! Bye Shiro... Kris take care! " nagulat ako nang bigla akong hinalikan ni Dawn sa pisngi!
Napatingin tuloy si Shiro sa ginawa ni Dawn. Nandilim tuloy ang itsura lalo ni Shiro.
" Oh. Uy! Itsura mo oh! " amo ko ke Shiro... nagseselos to...
" Order na tayo... " cold nyang sabi...
" Waiter.! " tawag niya ke Kuya. Umorder na si Shiro. Nag-order na sya. Di parin ako kinakausap oh!
" Oh sir. After 10 minutes po yung orders ninyo. Pakihintay nalang po. " paalala ni Kuyang Waiter. Umalis na sya. Si Shiro naman nakatingin lang sa labas.
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]
Roman d'amourAno ba ang perfect recipe for love? Enter these 2 polar opposite people. Meet Toshiro. Self-proclaimed otaku, aspiring chef. Consistent sa kanyang ginagawa para makamit ang pangarap. Mabait na kuya pero mahiyain sa iba... ayan si Toshi. ...