Chapter 50: #Face2Face

738 42 3
                                    

♥Ano kaya ang mangyayari pag nagkaharapan na? Giyera na ba ito?♥

TOSHIRO'S POV

Nandito ako sa ospital. Kasama si Selina... umalis si Tita. Kaya ako lang kasama nya.

" Toshi... alam ko may problema ka... pag ganyan ka alam ko me dinadamdam ka.. " sabi ni Selina sabay haplos sa braso ko.. napatingin ako sa kanya.

" Sese.. pwede bang humingi ng akap? Please? " inakap ako ni Selina... at doon ko na di napigilan na umiyak...

" Sabi na nga ba eh. Kilala kita... Iiyak mo lang yan.. nag-away kayo ni Kristoffer ano? " di ko nasagot ang mga tanong nya. Blanko pa ang isip ko..

Saka ko naisip. Bat ko iniiyakan yun? Alam ko masakit pero... di ako mahina. Ang mga bagay na ganun hindi iniiyakan..!

Pero leche. Di ko mapigilan e... bwisit na mga luha to... bat ayaw nyo paawat ha?

" Tahan na huy! Naririnig ka ni Baby.. baka sabihin iyakin ang magiging daddy niya.. " sabi nya sabay tawa nang mahina.. napangiti naman ako.

Kumuha ng tissue si Selina. Kinulong nya yung mukha ko sa mga palad nya.

" Tong gwapong mukhang to dapat walang luha... " pinunasn nya yung mga pisngi ko... nakatingin lang ako sa kanya..

" Sese. Salamat ha... " ngumiti naman sya.

" Wala yun. Kaibigan kita Toshi. Pambawi ko lang to sa mga kabaliwang ginawa ko sa inyo ni Kris dati... teka. Ano ba talaga ang nangyari? " tanong nya.

Sinalaysay ko ang nakita ko... lahat-lahat.

" Toshiro... dapat bago mo sya nilayasan kinausap mo muna.... Tingnan mo iniiyakan mo pero di pa clear... " payo nya.

Naliwanagan ako. I guess kinain ako ng tampo at inis sa nakita ko... kailangan ko din magsorry.

" Oh. Siguro naliwanagan ka na... kausapin mo.. "

Maya-maya nagvibrate ang phone ko...

" Oh! Baka sya na yan! Kausapin mo na huy! " kulit nya sakin. Nilabas ko ang phone ko.

" Selina. Unknown number. Sasagutin ko ba? " tanong ko. Sumenyas naman sya na ako daw bahala.. sinagot ko yung tawag...

" Uh hello? "

May humahalakhak na babae sa kabilang linya!

" Bonjour Toshiro..! Si Dawn pala to. Come let's meet! Let's clear up this mess. " sabi nya sabay halakhak.

Tahimik naman si Selina na nakikinig sa usapan namin.

" Saan tayo magkikita? " seryosong tanong ko

" Noodle Nosh. The usual. Alam ko doon kayo nagpupunta ni Kristoffer. " seriously. Mejo kinikilabutan na ko sa babaeng to. Stalker ata to e!

" Sige. Pupunta na ko ngayon din... " sagot ko. Binaba naman nya yung cellphone.

" Selina... mauna na muna ako. May aayusin lang ako. " paalam ko kay Sese. Kailangan ko harapin tong babaeng kalahi ni Galema.

" Mag-ingat ka Toshi... "

Oo mag-iingat talaga ako. Kailangan ko ng panangga sa lason nitong ahas na to.

KRISTOFFER'S POV

Shiro! Asan ka na ba??

Halos mabaliw ako sa kahahanap sa kanya... Di ko sya nasundan pagkatapos nyang makita kami ni Dawn.

Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon