♥Still searching for the ingredients of love♥
TOSHIRO'S POV
Ang likot nitong katabi ko! Diyos ko! Iisa na nga lang ang kama e..
" Hoy! Di ako makatulog sa ginagawa mo e.! Wag ka nga galaw ng galaw! Nauuga ang kama e. " reklamo ko.
" Sorry Shiro. Di ako makatulog e. " sabi nya na nagkakamot ng ulo...
Teka. May nabanggit si Aling Tasing noon ah...
" Tapos di yan makakatulog hanggang ngayon pag di hinahaplos ang buhok nya... "
Ahh.. kaya pala...
" Lika nga...! " umusog sya palapit sakin... hinaplos-haplos ko yung buhok nya.. napansin ko napapapikit na sya.
Aba effective! Ang bait nya tingnan pag patulog na...
" Yaya. Lika. " inakap nya ko!
" Gago ka! Bitawan mo ko...! " pagpupumiglas ko. Siraulo to. Manyakis!
" Ya naman e. Haplos mo buhok ko... " paantok na nyang sabi. Tae ka! Sige na nga! Siguro pag patulog na to bibitawan na nya ko..
Hinaplos-haplos ko ang buhok nya. Tulog na nga. Di pa rin nya ko binibitawan...
Eish! Makatulog na lang!
KRISTOFFER'S POV
Breakfast time na... may call time kami. Napansin ko nauna na ata lumabas si Shiro. Nawala sa tabi ko e.!
Baka mineet si Phao... nahihiya ako kagabi. Nagpahaplos ako ng buhok ke Shiro.. pampaantok ko kasi yun e. Pag di hinahaplos ang buhok ko di ako makalatulog...
Nagbihis na ko.. pagbaba ko sa dining area aba! Si Mr.Weird Accent nakalingkis sa Shiro ko! Este buddy ko!
Ang ganda ng tawanan nilang dalawa. Mukhang tuwang-tuwa sila sa pinag-uusapan nila...
Bat ganun? Sila nung Harvey masaya sila magkausap? Ako, minsan di pa ko nagsasalita naiirita na yan!
Di ko napigilan sarili ko. Nilapitan ko ang mesa nila.
" Oh Kristoffer, gising ka na pala. Si Harvey pala oh... " pakilala ni Shiro ke Amerikanong hilaw...
" Bat mo ko iniwan? Diba partner partner? Ako partner mo e. " dire-diretso kong sabi. Nanlaki naman ang mata ni Shiro.
" Dude. Are you jealous? " biglang tanong ni Harvey...
Nablangko utak ko... nagseselos nga ba ako?
" No. He's my partner... " sabi ko.
" Yeah. For this trip only.. we're just having a chat here.. ano masama? " depensa ni Harvey.
Tama naman sya... shit! Nanahimik nalang ako.. iniwanan ko sila at nagpunta sa ibang mesa.
Nag-almusal na kami. Ako mag-isa ko lang sa mesa ko. Si Shiro kasama si Harvey. Nakijoin naman si Phao sa kanilang dalawa.
Partner-partner system pala ah. Di naman nasusunod! Pwe!
Pagkatapos ko kumain dumiretso na ko sa kwarto para maghanda sa tour namin.
Maya-maya nagbukas ang kwarto. Pumasok si Shiro. Aba. Ang laki ng ngiti!
" Kristoffer. Sorry nasabit lang ako kanina... "
" Ah okay. " tipid na sagot ko habang nag-aayos ng buhok.
" Alam mo ba mahilig din pala si Harvey sa anime.... "
Di ko na siya pinakinggan. Bahala ka sa buhay mo.
" Oy Kris. Nakikinig ka ba? "
Napaharap ako sa kanya... di ko na napigilan ang sarili ko.
" Harvey! Harvey, Harvey, Harvey! Yan naririnig ko Shiro! Ako partner mo diba? Ako? Tayo magpartner.! Tingnan mo pati best friend mo nao-OP na minsan pag kayo magkasama ng Harvey na yan! Ano gusto mo palit nalang tayo? Yan naman ata gusto mo? Tsk!" napansin ko nanlaki ang mga mata nya .... sa sobrang inis ko nilayasan ko sya...
Spoiled brat man ang labas ko bahala na.. nakakainis lang kasi e....
Maya-maya tinawag na kami. Magtutour daw kami sa Strawberry Fields ng La Trinidad. Nauna na ko sa bus. Iniwan ko si Shiro doon. Alam ko gusto nya sumabay sa Harvey na yun. Edi pagbigyan...
" Kris. " si Shiro... tumabi na sya sakin.
" Yup? Toshiro? " oo tinawag ko na sya sa full name nya. Napansin naman nya yun.
" Uh... Kristoffer. Galit ka ba? "
" Hindi. " tipid na sagot ko...
" Ah.... "
Para kaming bata. Napansin ko lang.. napaisip tuloy ako sa sinabi ni Harvey. Tae nagseselos nga ba ako?
" Sorry Kris. Ikaw nga partner ko, pero sa iba ako pumupunta.... dapat di kita iniiwan. Buddy-buddy diba.. pasensya na. " paghingi ni Shiro ng sorry.
" Okay na yun. Pasaway ka e.. basta wag ka na hihiwalay Shiro... " sabi ko habang nakatingin sa bintana..
" Oo. Hehe sorry uli ah "
" Oo peace! " sabi ko na nakaharap sa kanya. Napansin ko nakatingin naman si Harvey sa amin... nung nahuli ko yung tingin niya agad sya umiwas.
TOSHIRO'S POV
Ayun eh! Andito na kami... anlawak ng taniman. Mixed ang mga tanim dito sa Strawberry Farm sa La Trinidad.
Kasama namin ang guide namin sa mga field. Iniexplain na nya kung ano meron doon at onting trivias. Syempre nagtetake-notes din ako...
" Okay! Class! You may now roam the farm! Basta be back after 30 minutes! " sabi ni sir.
Magkakasama na kaming apat; ako, si Phao, si Harvey at si Kris. Inikot namin yun, may strawberry picking din na pwede. Gusto ko naman mamitas ng strawberry.
" Sir! 100 po! " inabutan ako ng lalake ng maliit na basket.
Yay! Edi namitas ako ng mga strawberry at nilagay sa basket na maliit. Sila Phao at Harvey naman tumitingin ng mga tanim na gulay. Si Kris nakabuntot naman sakin.
Habang namimitas.. may napansin akong weird na strawberry!
Nilapitan ko yung mama na nagbigay sakin ng basket.
" Mama. Bat ganto itsura nito? " pinatingin ko sa kanya yung strawberry.
" Kambal na strawberry yan! Swerte yan ading! "
*ading- an ilocano expression. Common term nila for somebody younger
Inexamine ko yung strawberry. Para syang pinagdugtong na strawberry. Hinugasan ko yun.
" Kuya pwede bang kainin? " tanong ko. Tumango naman sya.
Kakagatin ko sana ng....
" Akin nalang yung kahati. Kambal naman e.! " sabay snatch ng strawberry sakin ni Kris! Nahati yung prutas. Kinain nya agad yung nakuha nya.
" Buset talaga to oh! Nahati tuloy! " wala na kong nagawa kinain ko nalang... mmm! Manamis-namis na medyo maasim!
" Ading! Asan na yung kambal na strawberry? " tanong nung mama.
" Kinain po namin.... " sabi ko. Hala! Napangiti ang mama...
" Alam mo ba ading ang pumitas at kumain ng kambal na strawberry, makakahanap ng true love! "
Napatingin ako ke Kris! Shet! Wag naman sana!!
Napatingin naman sya! Umiwas ako ng tingin...
Sana di yan totoo.... kung totoo edi wow!
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]
RomanceAno ba ang perfect recipe for love? Enter these 2 polar opposite people. Meet Toshiro. Self-proclaimed otaku, aspiring chef. Consistent sa kanyang ginagawa para makamit ang pangarap. Mabait na kuya pero mahiyain sa iba... ayan si Toshi. ...