*Eto naman ang POV nila Kristoffer at Toshi sa Chapter 28.2 at 29 ng ACFK 1
♥Sinong paasa?♥
KRISTOFFER'S POV
Hay nako! Ang O.A nitong Yaya Shiro ko. Hinimatay ba naman? Eh di hamak na mas pogi ako ke Luke eh! Yan ba pinagmamalaki niya?
" Hala! Hinimatay yung kuya mo! " sabi ni Luke ke Kenken. Si Kenken naman napakamot ng ulo...
" Ako bahala... " sabi ko. Kumuha ako ng sandok tapos pinukpok sa ulo nya.
" Aray! Gago naman! " sabi ni Shiro. Palakpakan naman dyan? Nagising nga ang gago!
" Nice to meet you Toshi! Luke pala. Tapos si Matteo. " pakilala ni Luke sa kasama nya. Napatayo naman na si Shiro. Tae! Nagtitwinkle-twinkle pa yung mga mata!!
" H-h-hi!! Big fan nyo kami ni Kenken... " nauutal pa.! Inakbayan ko sya...
" Nako! Salamat Toshi! " kinamayan ni Luke at Matteo si Toshi na halatang starstrucked.. tae! Talo nya pa yung fangirl na nakita si Justin Bieber sa personal!
Maya-maya umalis na din sila.
Hmm! Tutal Christmas Eve na pala bukas maaya nga sila na magNoche Buena samin...nagtinginan kami ni Kristoff. Mukhang pareho ang iniisip namin.
TOSHIRO'S POV
" Shiro, Kenken! Dun nalang kayo magpasko sa bahay bukas... " aya ni Kris
Tumingin ako kay Kenken.
" Ikaw? Gusto mo ba? " tanong ko... um-oo naman sya...
" Oh sige! Bukas... hehe. Pasko na pala? Ang gara..! " di ko namalayan na ambilis pala ng oras... busy kasi kami sa contests namin e.!
" Oh sige. Punta kayo ha! " sabi naman ni Kristoff... nagdamit na si Kristoffer.
Di pa pala ako nagpapasalamat sa paglilinis ni Kristoffer sa bahay...
" Hoy tiyanak! "
" Ano? "
" Salamat pala.... " ngumiti naman sya...
" Wala yun! Diba sabi ko tutulungan kita? Tumupad ako. Sige na! Alis na kami nitong kumag na to! " inakbayan nya yung kapatid nya. Ang pogi nila pareho...
" Oh sige! Ingat kayo pareho! " umalis na sila...
Kami naman ni Kenken nagpunta na sa mga kwarto namin...
Napatitig ako sa kisame... naalala ko na naman ang yakap at halik ni Kristoffer... ano na ba meron samin? Tsaka ano ba ireregalo ko sa kanya?
Sa totoo lang... onti palang ang alam ko ke Kristoffer. Maliban sa pagiging makulit nya, tapos yung pampatulog nya eh paghaplos sa buhok nya... ano pa ba?
Maya-maya tumawag nga ang gago!
" Hoy Tiyanak. Gabi na. "
" Hmm! Ayaw mo na naman ako kausapin! Sige! Ibababa ko na to! " nagtatampo-tampuhan na naman to!!
" Wag! Wag! Di nga ako makatulog e... " tumingin ako sa kisame may butiking nag-iisa doon...
" Bakit? Kasi iniisip mo na naman ako nuh?! "
Kadiri talaga to! Feeling! Feeling! Pero sabagay medyo totoo naman?
" Ang yabang mo talaga! Feeling ka! " depensa ko. Tawa naman sya ng tawa.
BINABASA MO ANG
Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]
Storie d'amoreAno ba ang perfect recipe for love? Enter these 2 polar opposite people. Meet Toshiro. Self-proclaimed otaku, aspiring chef. Consistent sa kanyang ginagawa para makamit ang pangarap. Mabait na kuya pero mahiyain sa iba... ayan si Toshi. ...