Chapter 6: #YayaShiro

1.4K 63 4
                                    

♥Paalaga naman ng puso ko oh?♥

TOSHIRO'S POV

" Hoy kuya. Kanina mo pa ba tititigan yang cake? " reklamo ni Kenken...

Aba... sarap kasi titigan nitong red velvet na cake na to. Ayoko syang kainin... gusto ko sya titigan kahit di sya ganun kaperfect..

" Nako kuya... Bigay yan nung classmate mong nambibeastmode sayo noh? " tanong niya sabay labas ng bread knife.

" ha? Oo.. " tinititigan ko parin ang cake...

" Hay nako kuya. Kainin na kasi natin yan!! Nagugutom na ko eee. " reklamo na naman ng baby bro ko.

" Sige na nga! " nagslice ako ng parts para samin ni Kenken.

Tinikman ko.... ang sarap! Pwera biro masarap nga sya... halatang kinarir nya yun. Habang ako lasang hilaw na kakao ata ang cupcakes ko sa dami ng chocolate na naitaktak ko.

" Kuya ang sarap ha! Partida may pilay pa yan... " sabi ni Kenken habang masayang kumakain..

Napangiti nalang ako.... maya-maya may nagvibrate na phone...

Aba..  ke Kenken pala. Napansin ko biglang ngumiti si loko.. aww ang baby bro ko nagbibinata na...

" Oh kuya ako na rito... pahinga ka na.. " prisinta ni Kenken. Sana laging GV to para lagi akong libre sa hugasin haha!

Dahil tinatamad pa ko pumunta sa kwarto ko dumiretso ako sa kwarto ni Kenken...

Ang imis talaga ng taong to... ang linis ng kwarto. Ako wag nyo na tanungin haha!

" Oy kuya... ano ginagawa mo dito? " aba andyan na si Kenken!

" Tulog ako dito baby bro... " lambing ko ke Kenken.

" Yoko nga... alis na kuya... " aba binubugaw na ko nito palayo ha! Ganyan naman pag lumalaki na ee.

Tumayo na ko at dahan-dahang umalis.

" Sige na nga kuya. Dito ka na hehe. "

" Sabi na e..! Di ako matitiis ng baby bro ko... " inakap ko si Kenken..

" Kuya naman e... di na ko baby! " reklamo nya..

Sorry Kenken ha! Good vibes si Kuya e.! Hehe...

KRISTOFFER'S POV

" Mr.Sebastian.... good news! Your arm is recovering well... pwede ng alisin yung cast mo as early as this weekend! Congrats. " bati ng doktor.

" Salamat doc! " umalis na ko sa clinic. Naghihintay naman si Shiro sa labas..

" Oh? Kamusta check-up mo? "

" Okay naman. Shiro samahan mo ko ngayong sabado ha... aalisin na tong cast ko. " tumango nalang sya.

Binuhat na nya ang backpack ko... gawain nya yan pag magkasama kami e. Kahit ayaw ko ginagawa nya parin para daw di mabigatan yung katawan ko sabi niya...

Naglakad na kami paalis sa clinic. Asa tabi ko sya na naglalakad.

" Shiro. "

" Uhmm yup? "

" Salamat. "

Napatingin sya sakin na nagtatanong.

" Para san? "

" Sa pagtitiis mo. Hehe. Yaan mo pag magaling na ko di na kita pahihirapan... "

" Wala yun... thanks ko na to sa pagliligtas mo sakin... " nakayuko nyang sabi...


" GUYSS!! " nagulat kami pareho ng may biglang sumulpot si Phao!

" Oy! Andito pala kayo! Sama akooo.! " pangungulit ni Phao.

" Lika. Hehe... " ako

" Hoy Toper. Baka pinahihirapan mo na naman best friend ko ha! Nako... ako nga di ko mapabuhat ng bag ko yan ikaw nako! Ano pinakain mo dyan? " nangiti ako. Nakita ko nanlaki mata ni Shiro! Namula sya bigla!

" Gago ka talaga Phao.... " rinig kong sabi ni Shiro. Natawa nalang ako.

Maya-maya may nadaanan kaming noodle shop. Noodle Nosh yung pangalan ng kainan.

" Kain tayo! " aya ni Phao.

" Libre mo? " tanong ni Shiro.

" Ako libre ko..." nakangiti kong sabi..

At ayun nga pumasok na kami sa loob. Magkatabi ang magbestfriend asa harap naman nila ako.

Nag-order narin kami ng pagkain habang naghihintay napansin ko nakayuko parin si Shiro. Iba yung inorder ko para ke Shiro haha... maghanda sya...

Si Phao naman may gusto ata sabihin.

" Toper... alam mo ba... " napatingin naman si Shiro kay Phao.

" Ano yun? "

" Idaan nalang natin sa blind item. " sabi ni Phao.

Mukhang me pasabog talaga to ah..hehe.

TOSHIRO'S POV

" Idaan nalang natin sa blind item. " sabi ni Phao.

Ano na naman kaya sasabihin nitong madaldal na Thai na to...

" Sino daw itong kakilala ko? Nabigyan ng cake... nako ha. Nung binigyan sya ng cake nitong uh.... tago natin sa name na Frozen, nako nakasmile buong araw! "

Ngumiti bigla si Kristoffer. Di ako nagreact. Sino kaya yun?

" Sino ba yun Phao? Clue! "

" Eto oh? " sabay nguso sakin!

" Hoy hindi ah! Wag ka maniwala kay Phao, Kristoffer. To talaga!! "

" Uyy defensive! "

Nakangiti lang si Kristoffer.! Shet!

Baka iba iniisip nya na sakin! Si Phao kasi eh! Nagkaroon kasi ako ng madaldal na best friend..

Dumating na yung orders namin... nakangiti parin si Kristoffer!

Nilapag na ng waiter yung order namin...

" Kain! Dapat ubos ha! Ang di makaubos may punishment!! " babala ni Kristoffer.

" Sige game! " si Phao

" Itadakimasu! " sumubo na ko...


POCHA!!! ANG ANGHANG!!!!!!



" Tubig! Tubig!!! " inabutan ako ni Phao ng tubig... nilagok ko yun na parang walang bukas. Tae ang anghang kaya nun!

" Peace! " sabi ni Kristoffer na nakapeace sign... imbis na mabwisit ako lalo...


Nyeta. Napangiti ako.


Cute e.

Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon