Chapter 13: #HardLesson

1.3K 49 2
                                    

♥Don't be afraid to try♥

TOSHIRO'S POV

Andito na kami sa biking area.... ang problema di ako marunong magbisikleta...

Mukhang excited pa naman na sila...

" Guys. Kayo nalang... hintayin ko nalang kayo dito... "

" Bakit? " tanong nila.





" Di ako marunong magbike e.... " napayuko ako... nakakahiya e... tanda ko na di pa rin ako marunong magbike..

Magsasalita sana si Harvey ng....




" Ya.! Lika tuturuan kita... " alok ni Kristoffer.

" Uy. Nakakahiya. Wag nalang... "


" Paturo ka na bespren! Ala naman mawawala... " si Phao. Nanahimik naman si Harvey..

" Oo nga. Malay mo kailanganin mo din to. Pumayag ka na Shiro.. Minsan lang ako mag-alok baka mamaya magbago isip ko. " paniguro naman ni Kristoffer.

" Nakakatakot kase e... andami nagbabike baka mabangga tayo. Di pa naman ako marunong... "

" Hayaan mo. Kaya nga kita tuturuan diba para alam mo. Lika na! " nagrent na sila ng mga bike. Nauna na sila Phao at Harvey.

May single bike din na nirent si Kristoffer.

" Ganto.... Single bike to. Pang-isang tao lang. Alam mo kung bakit? "

" Ewan. Bakit ba? Para mas madali? Kasi ginawa syang ganyan? "

" Hindi.... para walang SABIT. para sayo lang. Para pag natumba ka ikaw lang masasaktan, walang ibang madadamay... " hugot? Ano kaya meron sa Ramyun na yan?

Tinuro nya yung handlebars. Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko.

" Kris..! "

Pinatong nya yun sa parang pinipindot sa kanan na handlebar ng bike...

" Eto yung handlebar, para yang manibela. Pangsteer sa bike, para alam mo kung san direksyon ka pupunta. "

Tinuro naman nya yung pinipindot.

" At eto naman yung preno... para pangstop pag kailangan mo na huminto. Kasi minsan kailangan magpreno muna para di ka dumire-diretso at masaktan. Ganyan naman kasi eh. Pag reckless ka masasaktan ka.... kaya kailangan preno muna... isip-isip muna bago magtuloy-tuloy... "

Grabe. Nahawaan ata ni Phao to... humuhugot e... pati si Kuya nanonood na sa tutorial ni Kristoffer.

" Next. Sumampa ka na... make sure balanse ka. Gamitin mo yung legs mo sa pagpedal.. subukan mo. "

Tinry ko. Ang hirap palang magbalanse...

" Ang hirap.... di ko kaya... magsidecar nalang ako.... " sabi ko.

" Hindi. Bat ka kaagad susuko? Di mo pa nga natatry e... kaya mo yan.. tutulungan kita. " paniguro nya..

Hinawakan nya lang ang likod ko...

" Yan... dali aalalayan kita. Magpedal ka na... dito lang ako. "

Medyo nag-iistumble pa naman ako.... pero inaalalayan nya ko. Hirap magbike!

" Sige! Pedal lang Shiro.... "

Nagpedal lang ako..... hanggang..

" Oy! Galing ah! Kaya na niya! " si Phao! Nasalubong ko sya...

Ibig sabihin.... wala na si Kristoffer na umaalalay sakin??

" Kyaaaaaaaaah!! "

*CRASH!*

KRISTOFFER'S POV

Tae! Akala ko okay na! Nakapag-isa na sya nung bumitaw ako.... natumba yung bike ni Shiro... dali-dali naman akong tumakbo papunta sa kanya ..

" Aray.... akala ko ba di mo ko bibitawan? " napatingin ako sa kanya.... naiiyak sya...

" Sorry Shiro... "

" Sabi mo aalalayan mo ko... bumitaw ka naman Kris... " nagpunas sya ng namumuong luha...

" Shiro. "

Dali-daling pumunta samin sila Phao at Harvey.

" Ano nangyari? " si Harvey. Inalis naman nya yung bike.

" Okay ka lang Toshi? " si Phao.

Tumayo sya at nagpagpag ng damit. Nagkasugat yung braso nya...

" Kaw kasi e.! Galing mo magturo...! " iritang sabi ni Harvey...

" Okay lang ako Harvey... " si Shiro..

Nag-aya na silang bumalik sa hotel.... naguguilty ako sana pala di ako nagmayabang... Nung nakita ko yung naiiyak na itsura ni Shiro parang nadadala ako..


" Sabi mo aalalayan mo ko... bumitaw ka naman Kris... "

Nakabalik na kami sa Hotel. Agad akong nagrequest ng first aid kit...

" Uy... adik! Di na kailangan... onti lang naman to. Ang O.A mo... " sabi ni Shiro.

" Ah basta.! Ako gagamot sayo... wag ka na kumontra... " sagot ko. Nanahimik naman sya...

Maya-maya dumating na yung first-aid kit...

Nilabas ko na yung alcohol at bulak....

" Mahapdi yan Kris... wag na... "

Nilagyan ko na ng alcohol yung bulak...

" hay nako... para di na magkaimpeksyon yan.. wag ka na magpasaway... " kinuha ko yung braso nya...

Pero bago ko makuha yun..... nahawakan ko ang kamay nya....





Napalunok ako. Kumabog dibdib ko...
Ang lambot ng kamay nya....

" Kris... "

Dahan-dahan kong kinuha ang braso nya...

" Eto.. oh Shiro. Hinga ng malalim. Medyo mahapdi to. Tiisin mo muna.. "

Pinatong ko yung bulak sa sugat nya. Napapikit naman sya...

" Aray Kris.... mahapdi. "

" Sorry Shiro ha.... "

Inulit-ulit ko yun hanggang nalinis na yung sugat. Nilagyan ko naman ng band-aid yun...

" Kris. Salamat ha.... "

" Okay lang! Pambawi lang.... dahil sakin nadisgrasya ka...  sorry  ha. "

Nangiti sya. Yung mga mata nya halos magdisappear sa kasingkitan nya.

" Oo na... hehe... "

Habang nililigpit ko yung first-aid kit nangingiti ako...


Tae!!! Nalilito na ko mga tsong... di kaya....

Biglang may tumugtog na music sa labas...

" Catch me I'm falling for you....


And I don't know what to do....



How can something so wrong, feels alright all along?

Catch me I'm falling for you... "

Tingnan mo nga naman nananadya ata tong mga nagpapatugtog sa labas eh! Maupakan nga!


Teka. Bat affected ako?

Hindi kaya totoo nga...?

Nahuhulog na ba ko ke Shiro?

Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon