Chapter 3: #ConcernedToshi

1.4K 65 4
                                    

♥Pag wala hinahanap, pag andyan gustong di makita. Ane be?♥

TOSHIRO'S POV

" Oh best friend. Kamusta yung duty mo bilang caregiver? Aba kinareer mo na dong! " sabi ni Phao.

" Lul.. gusto mong bumalik ng Thailand? " biro ko sa kanya.

" Ayoko nga... Pure-blooded Thai nga ako pero iniwan naman ako ng parents ko dito... " napatingin ako sa kanya. Tinap ko ang balikat nya.

Parehas kami. Si Phao, anak ng mga resort tycoons sa Thailand, masyado silang busy sa work kaya ayun pagkapanganak pinaalaga sya sa mga nanny nila dito sa Pilipinas. Pinapadalhan nalang sya very week.

Kami naman eto, asa Pilipinas. Si Papa asa Japan inaasikaso ang Kojima Group. Si mama inaasikaso ang resto kasama si Kenzo, yung bunso namin. Ayun pinapadalhan din nila kami weekly...

" Okay lang yan bespren... "

" Salamat. Haha! Hoy Toshi sabay tayo matuto ng Thai ha! Haha! " natatawang sabi ni Phao na seatmate ko din. Thai yan e.! Kaso di marunong magThai! Anak ng tekla nga naman oh!

Naputol ang chismisan namin nang tumunog na ang 2nd bell... tumalikod ako wala parin si Kristoffer! Ano nangyari dun?

" Oh? Wala yung pasyente mo noh? Ano nangyari dun? " sabi ni Phao.

" Oo nga e... " kawawa naman yun. Pilantod na nga absent pa. Pano yun matututo?

Gusto ko siya puntahan. Kaso di ko alam ang address nun e.

Hala! Teka? Bat ko aalamin address nya? Susmaryosep Toshi...

" Mr.Kojima.. what is the only rock that can be eaten? "

Tinawag ako ng teacher... patay.

" Salt sir! " biglang sagot ko.

" Okay sit! Next time pay attention okay? " sabi ni ser..

" Lutang kase  " bulong ni Phao. .

Ano ba kasi tong iniisip ko?! Ano ba yan...

KRISTOFFER'S POV

Tamaan ka ba naman ng lagnat oh.! Ano ba yan. Di ako makahiga ng maayos... kailangan kasi di sya maipit.

Para akong tinuli uli! Haha! Pero pramis mga chong masama pakiramdam ko...

Biglang pumasok si Kristoff sa kwarto ko may mga dala syang papel.

" Kuya... may nagpapabigay oh. " bumangon ako at kinuha ko yung mga papel. Mga notes pala..

" Sino nagpapabigay? "

" Kaklase mo daw. Pinaabot ni Manang Tasing yan kanina e. " sabi ni Kristoff. Umalis na sya sa kwarto ko.

Sino kaya nagpapabigay?

Hmmm... mukhang alam ko na ata? Hehe.

Nakilala ko yung sulat... matext ko nga si Migo, yung tropa at bespren ko...

TOSHIRO'S POV

Kinabukasan....

As always maaga na naman ako papasok sa school. Pagpasok ko sa classroom aba me nakaupo na sa chair ko!

" Hey Yaya... "

Oh men. He's back...

" Hoy Tiyanak. Kamusta kana? " tumabi ako sa kanya. Sasagot sana si Kris nang dumating si Phao.

" Morning Toshi! Morning Kristoffer... "

" Oh! Andyan kana pala Phao. Upo ka na. " umalis si Kris sa upuan ko. Umupo na si Phao sa upuan namin.

" Okay na ko Yaya... hehe. Kaso yung braso ko di pa rin! 3 weeks pa to. " sabi ni Kris.

" Alam mo ba Kris? " singit ni Phao. Umusog naman ng onti si Kris para nakinig sa sasabihin ni Phao.

" May kakilala ako dyan... nung absent ka tulala.! Nako.... bukambibig ka... panay sabi ' kamusta na kaya si..... uhmmmmmft!!! " naputol ang sasabihin ni Phao kasi tinakpan ko ang bibig nya! Etong Thai na to!

Pa-Thai-yin ko to e.! Napakadaldal e.!

Ngumiti si Kristoffer...

To kasi e.! Napakadaldal nitong Thai na nagtatagalog na to!

" Ikaw ha.... " nakangiting sabi ni Kristoffer. Binitawan ko na yung bibig ni Phao.

" Ambantot ng kamay mo Toshi! " reklamo ni Phao.

" Lul! Laway mo yan e.! "

" Yaya.. nag-aalala ka pala sakin ha.? Okay na po ako ya... pinadalhan mo pa ko ng notes... salamat ha. " sabi ni Kristoffer.

Napatingin si Phao sakin.. yung tingin nya parang gusto akong iinterrogate mamaya..

" Wala yun.! Kawawa ka naman e... "

Nangiti si Kristoffer at bumalik sa chair nya...




Ang Childhood Friend Ko 3: A Recipe for Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon