"This might not be the most painful story, but I guess, It was one of them..."
- Ang Masokista
Ang unang quote na nabasa ko galing sa front page ng librong nakakuha ng atensyon ko, mula sa estante ng mga nakapatas na libro, sa bookstore kung saan ako namimili ng decoration materials.
Ako 'yung klase ng tao na hindi mahilig magbasa ng libro, ng dyaryo, o kahit anong bagay na babasahin, kaya laking pagtataka ko kung bakit ako may hawak na isang libro ngayon at interasado sa kwento nito.
Katamtaman ang sukat ng librong ito; hindi malaki at hindi maliit; hindi rin siya makapal at hindi rin gano'n kanipis. Itim ang pabalat nito, walang book cover design, at tanging ang title ng libro at pangalan ng may-akda ang nakaimprenta sa harapan nito gamit ang puting tinta.
Ibinaligtad ko ito para basahin ang synopsis at laking dismaya ko nung makitang walang nakasulat kahit ano dito, maliban sa katagang "kwento ng isang masokistang susubuking bigyan ng kwento ang buhay niya"
Boring.
Ibinalik ko na ang libro sa estante at pumila na sa may cashier upang magbayad ng mga decorations na binili ko.
Ngayong araw na ito ay ang first monthsary namin ng boyfriend ko kaya I want it to be special and romantic. Dahil dito ay naisipan ko siyang surpresahin at pasiyahin mamaya sa dinner date namin.
"Good day po." Bati sa akin nung cashier, kasabay nang pag-abot niya sa mga pinamili ko. I smiled at her, and for a couple of seconds, I ran across the bookshelves at kinuha ang librong kaninang tinitingnan ko lang. Iniabot ko ito sa cashier at hingal na hingal na pinunasan ang pawis ko mula sa pagtakbo.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, at kung bakit ko binili ang librong sa tingin ko naman ay hindi ko babasahin. Naramdaman ko lang na magagamit ko rin ang bagay na iyon balang araw.
Pagkasakay ko ng jeep ay pahapyaw kong binuklat ang libro, hindi tinitingnan kung ano ang laman nito, ni kung tungkol saan ang kwento nito, habang iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit ko ito binili.
At magtatapos ang kwento kung saan naglalakad ang masokista sa railings ng rooftop habang binabalanse ang katawan upang hindi mahulog...
Napatigil ako sa pagbuklat nang mabasa ko ang katagang ito sa unang pahina ng unang kabanata ng libro. Ilang beses ko pang inulit basahin ang nakasulat ngunit hindi ito nagbabago.
Bakit simula pa lang ng libro ay katapusan na agad ng kwento ng masokista? Hindi ba dapat ang simula ng simula ay simula? Bakit naging katapusan agad ang simula ng simula ng kwentong ito? Ano bang mayroon sa utak ng author ng librong ito, at bakit niya naisipang isulat ang akdang ito kung sa simula pa lang ay katapusan na agad ang mababasa?
Babasahin ko na sana ang sunod na linya nang makita ko sa aking cellphone na nagtext na ang aking boyfriend at binati ako ng magandang tanghali, walang tungkol sa aming monthsary.
Nakalimutan kaya niya? Umiling-iling ako sa aking isipan. Maybe he'll surprise me as well, kagaya ng gagawin ko, kaya hindi niya ako binati. I should think positive things, hindi negative.
"Manong sa tabi lang po!" sigaw ko doon sa jeepney driver pagkatapos kong maaninaw ang gate ng aming school.
Isiningit ko ang librong hawak ko sa paper bag na bitbit ko at bumaba na ng jeep. Kumaway ako sa guard ng aming school, binigyan niya ako ng ngiti at thumbs up gamit ang dalawang kamay. Hindi niya ako sinita dahil alam na niya ang balak ko, 'yung about sa sorpresa ko sa boyfriend ko. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok, nakapagpaalam naman ako sa kanya, sa guard namin, kahapon pa at pagkatapos nang ilang pilitan ay pumayag din siya sa wakas.
YOU ARE READING
The Masochist's Most Painful Story
FantasiSa lahat ng nobelang sinulat ko, ito ang pinakamahirap simulan. Sa lahat ng nobelang sinulat ko, ang kwentong ito ang ayaw kong lagyan ng katapusan. Durog ako. Dinurog mo pa ako lalo. Akala ko hanggang tayo sa dulo. Pero mas pinili mong b...