Unang Tagpo

1.2K 19 0
                                    


Higit isang taon na ng makilala ko si Misato, Isang napakangandang dalaga mula sa bansa ng mga hapones.

Sya ay may maamong mukha, kulay niyebeng kutis at mapulang labing kasing pula ng araw.

Ang kanyang katawan ay sining na kailanman ay hindi mangungupas sa aking paningin, Ang kanyang tinig ay musika sa tainga , Ang buong pagkatao nya ay siya ring aking katauhan.

Higit isang taon na din ng umibig sa akin kaagad ang kalahi ng aming mga kalaban.

Higit isang taon na rin na pakiramdam ko ay nagtatraydor ako sa aking sariling bansa.

At higit isang taon na rin na aking nililinlang ang isang mabuting binibining nakuha ko ang tiwala at pag-ibig para sa paghihiganti.

Sa tagong probinsya na ito dumating ang mga hapones upang pahirapan at sakupin ang aking mga kanayon kung saan marami silang pinaslang at marami din ang nagbuwis ng buhay subalit ang mga armas ng mga hapones ay higit na malalakas kaysa sa mga gulok na amin lamang sandata.

Ang ilan sa amin kasama ako ay nagsitago sa bundok hanggang sa makabuo kami ng isang grupo na mag aaklas sa mga hapones sa kumitil sa ilang myembro at nagpahirap sa aming pamilya.

Hanggang isang araw nakita ko si Misato naglalakad sa baybayin ng ilog, Nabighani ako sa kanyang kagandahan subalit mas umigting sa akin ang poot sa kanyang lahi hinabol ko sya dahil sa dala ng aking galit na syay mapaslang subalit ng syay mawala sa kanyang timbang at nagiiyak sa takot sa akin ako ay natigilan.

Napalitan ng awa ang galit na nangingibabaw sa akin.

Umiyak sya ng umiyak di ko maintindihan ang bawat sinasabi nya subalit nararamdaman ng aking puso na iyon ay panaghoy ng pag mamaka awa.

Nilapitan ko sya at pinunasan ang kanyang luha,di pa rin nawala ang takot sa kanya subalit sya'y tumahan na sa pagiyak.

Nagkagalos sya sa kanyang binti na walang pag aalinlangan kong ginamot gamit ang kung anong halaman na maaring magpatuyo agad ng kanyang sugat.

Tahimik lamang kami na naka-upo sa tabi ng ilog.

"Patawad sa nagawa ko" aking sambit

Subalit umiling sya na ang ibig sabihin ay di nya mawari ang aking sinasabi.

Ngumiti na lamang ako at sinasabing akoy hindi mo dapat katakutan

Sya din ngiti nya sa akin.

Isang napakatamis na ngiti.

Ngiting nagbibigay kulay gaya ng isang bahag hari sa gitna ng digmaan.

HULING TAGPUAN (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon