Wala na yatang mas sasarap pa sa pakiramdam na tanggapin ng iyong mga kasama ang iyong minamahal.At higit pa ang aking ligaya sapagkat ang aking minamahal ay mula sa kampo ng aming mga kalaban.
Ngayon ang lahat ng plano ay natutupad, Ang ihip ng hangin ay umaayon sa amin, At ang Diyos ay aming kakampi.
Bilang dagdag sa aming kalamangan sa kalaban ay bumihag kami ng isang sundalong hapon na aming ginagamit upang turuan kaming gumamit ng kanilang sandata sa tulong na din ni Misato upang makipag komunikasyon sa kanya.
Tinawag nya pang "Uragirimono" ang aking sinta na ang ibig sabihin ayon kay Misato ay traydor.
Kakatwa na nakaka-awa ang kalagayan ng sundalong hapon sapagkat may hawak nga siyang baril na itinuturo nya sa amin ang paggamit subalit may dalawang punyal naman ang nakaturok sa kanyang leeg sakaling siyay gumawa ng hindi maganda.
Lumipas ang dalawang buwan ng tahimik naming pag eensayo ay natuto din kaming humawak ng armas.
Si Misato ay malayang nang nakakadalaw sa aming kampo.
Nakuha namin ang kaniyang tiwala gayun din ang aming pagtitiwala sa kanya subalit ang laging paalala sa akin ni Ka Lucio ay laging unahin ang pagmamahal sa aming bansa at baryo na lagi ko naman itinatatak sa aking isipan.
....
Isang palubog na araw sa aming kampo.
"Masaya ka bang muli aking mahal sa pakikisama ng aking mga kabaryo?"Tanong ko kay Misato
"Higit pa sa kaisyahan di ko maipaliwanag para bang ako'y matagal na ninyong kasama, wari bang tayo'y magkababata at nuon pa magkakilala dahil di ko naramdaman na ako ay iba sa inyo"
"Natutuwa ako sa iyong sinabi" Sabi ko kay Misato kasunod ay ang paghawi nya ng aking buhok na tumakip sa aking mata
Ngiti lamang ang sunod nyang tinugon.
"Gaano mo ako kamahal Misato?" Seryoso kong katanungan
Tumitigtig sya akin kasunod ay pagtingin sa araw na halos pawala na din.
"Kagaya ng isang araw at hangin Samuel" Sagot nya
"Dahil walang hanggan ang araw at hangin?"
Umiling sya
"Anong kasagutan?"
"Dahil alam kong ako'y kailangan mo"
Napangiti ako subalit may pag-iling
"Ang aking tanong ay kung gaano mo ako kamahal"
"Sya ding aking sagot mahal ko,Mahal kita hanggang ako'y kailangan mo" muling sagot ni Misato
"Ano ka ba naman?habang buhay kitang mamahalin. Ikaw ang nanaisin kong makasama hanggang sa aking pagtanda.. Ikaw lamang" Sabi ko ng may ngiti habang hinahaplos ang kanyang braso
"Kung gayon ay mahal kita habang buhay Samuel"
Saglit kaming tumahimik ng sya'y dumantay sa aking balikat at nanuod sa paglubog ng araw hanggang sa ito'y mawala na sa aming paningin
"Ako Samuel.. Gaano mo ako iniibig?" Tanong ni Misato habang di sa akin nakatingin
Huminga muna ako mg malalim bago sumagot
"Gaya ng isang kadiliman ng langit tuwing gabi aking mahal"Sagot ko
Marahan syang tumawa
"Bakit naman?madilim ba ang iyong kinabukasan sa akin Samuel?" Tanong ni Misato na mukang nagigiliw sa aking sagot
Inalayo ko sya sa aking balikat at hinarap
"Mali, Sapagkat kasing dami ng bituin ang pag-ibig ko sa iyo kasing ganda ng hugis ng buwan ang hubog ng pagmamahal kong iaalay lamang sayo"
"Napakatamis na sagot mahal ko"
..
Humalik sya sa aking labi
"Higit isang taon na tayong magkakilala Samuel" Sabi ni Misato
"At sa maikling panahon na iyon ay lubos na kitang kilala" Aking sagot
"Sa isang linggo na ang ating unang Anibersaryo bilang magkasintahan.. Natatandaan mo pa ba?" Tanong ni Misato
Akoy nahiya sa pagkalimot.
"Patawad Misato! Sa haba ng panahon at dahil tayo'y nasa gitna ng giyera ay nawala na sa isip ko ang bawat petsa"
"Wag kang mangamba mahal ko. Wala kang dapat ipagpaumanhin.. Maging ako ay muntik ng mawala sa aking isipan . Tayo'y magdiwang mahal ko sa isang linggo , iwaksi muna na tin sa ating isip ang giyera at ating mga sarili muna ang ating intindihin" magiliw na sabi ni Misato
"Akoy nahihiya sayo mahal, Ako dapat ang nagpaplano nito subalit ikaw pa ang nag abala at naka alala"
"Hindi mahalaga kung sino ang maka alala ang mahalaga ay magkasama tayo sa araw na iyon"
"Nasasabik ako aking mahal"
"Ako man Samuel ,Hindi na ako makapaghintay"
....
Natapos ang gabing iyon sa paghatid ko sa kanya sa ilog.
Duon ay nagpalitan kami halik sa ilalim ng walang katapusang giyera.
At sa ibabaw ng mundong walang katahimikan.
BINABASA MO ANG
HULING TAGPUAN (SPG)
RomanceKailan totoo ang isang pag ibig? Kung mas minamahal mo na ang iyong pinaglalaban kaysa sa taong nagpa-ibig sa iyong puso.