Sa isang malalim na paghinga ko muling naimulat ang aking mga mata.Kasunod ay ang sunod sunod na pag-ubo.
Nadatnan ko ang aking sarili na nasa baybayin ng ilog subalit mas malayo sa kinaroroonan ko noong nakaraang gabi.
Nawa'y parang napakabigat ng aking katawan.
Hanggang sa aking mawari ang huling pangyayari na nangyari sa akin bago ko maipikit ang aking mga mata.
Ako'y buhay pa?
Paanong ako'y buhay pa?
Di ko malilimutan ang tatlong putok ng baril na pinatama ni Misato sa aking katawan.
At ang alak na may lason na sa akin ay kanyang pinainom.
Kinapa ko kung mayroon ba akong mga sugat mula sa mga bala ng baril subalit wala.
Sa aking palagay ay pampatulog at blankong mga bala lamang ang ginamit sa akin ni Misato upang mapaniwala ang mga sundalong hapon na ako'y kanyang pinaslang.
Patuloy pa din sa aking isipan ang tanong na "bakit?"
Tumayo ako mula sa aking pagkakalugmok sa tabi ng ilog.
Akoy buong buo , Buhay na buhay at ni walang galos liban sa basa kong damit.
Dali dali akong kumilos kailangan kong malaman ang nangyari matapos ang mala impyernong patayan kagabi sa aking mga kasamahan.
Sa di kalayuan ay may ibinaon kami ni Misato na armas na maaring kailanganin namin sa oras nang pangangailangan
Hinukay ko iyon kasabay ng pag gunita sa usapan namin apat na araw bago ang nangyari kagabi kung saan ay mayroon kaming maliit na pinagtalunan.
.....
Malalim na gabi ng muli kaming magtagpo ng aking mahal.
Balisang balisa ang kanyang itsura at waring may dinaramdam na mabigat sa kanyang kalooban.
"Bakit mahal ko ano ang problema?" Pag aalala kong katanungan
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat sa iyo Samuel" Nakayuko nyang sabi
"Ang alin?ika'y di ko maintindihan? Nag aalala ako mahal.. Nagsusumamo ako sa iyong pamamahagi sa akin ng iyong dinadalang suliranin"
"Ang lahat ay kasinungalingan Samuel.. Patawad.. Di ko ginustong itoy umabot sa hangganan ngunit ang aking puso'y minahal ka nang totoo at ayoko na sana pang magkahiwalay tayo subalit kung di ko ito sasabihin ay sa huli'y hindi rin tayo magiging masaya" Sabi ni Misato na may luha ng tumutulo sa mata
"Hindi ko maintindihan.. Anong kasinungalingan? Ngayon palang ay nasasaktan ako sa mga maaring mangyari at iyong sasabihin"
Iniangat ko ang kanyang muka at pinunasan ang kanyang luha gamit ang mga daliri
"Akoy hindi napadpad lamang rito Samuel.. Kasinugalingan ang lahat pagkat ako'y
isang espiya"Kasunod ay ang pag agos ng kanyang luha at paglayo ko sa kanya ng kaunti
"Paano Misato.. Paano mo itong nagawa?" Tanong ko
"Akoy sundalong hapon tulad ng mararahas kong kasamahan .. Kinailangan ko nang sabihin ito sa iyo sapagkat natunton na ang inyong kuta ng aking mga kasama"
"Dahil ba ito'y iyong ipinaalam?"
"Hindi.. Dahil di lang ako ang espiya sa inyong lugar maging si Ka Lucio"
"KASINUNGALINGAN! Mahal ni Ka-Lucio ang aming mga kabaryo! Hindi nya magagawa na kami'y ipagkanulo"
Akin syang hinawakan sa balikat ng mahigpit
"Nagawa nya sa kapalit ng salapi at pangakong hindi papaslangin" Sambit nya habang tuloy tuloy ang pagluha
Napailing na lamang ako kasabay ng paglamukos ng palad sa aking buhok
Akoy gulong gulo at hindi makapaniwala sa mga narinig
"Samuel.. Ang mga sundalo ay maaring umatake anumang oras o araw tumakas ka na habang ika'y may panahon pa.."
"Hindi ko kayang abandonahin ang aking mga kasama!"
"Ngunit di mo rin kakayaning mabuhay! May kaunti lamang kayong kaalaman sa paghawak ng sandata at may iilang armas kahit gaano mo pag baligbaligtarin ay hindi kayo magtatagumpay sa aming hukbo"
..
"Lalaban ako para sa aking mga kasamahan Misato.."
"Subalit Samuel.. Makinig ka sa akin! Mamamatay ka lang! Hindi rin ako magiging masaya kung masasawi ka sa kamay ng aking mga kasama!"
"Mas higit akong hindi magiging maligaya kung sila'y iiwan ko na lamang at aabandonahin!"
Mabilis na ako'y niyakap ni Misato
"Mahal na mahal kita Samuel.. Iiyak ang aking puso kung ika'y mapaslang.. Subalit .. subalit akin ng nadarama na tayo'y hindi rin magsasama habang buhay"
"Maari pa rin mahal ko.. maari pa rin .. Hindi bat ako'y lubos mong iniibig kagaya ng aking pag-ibig sa iyo"?
Humarap akin si Misato at tumango
"Kung gayon ay tulungan mo akong makidigma.. Madali lamang tayong mananalo..
Basta ba'y ipaalam mo sa akin kung kailan ang pag atake ng mga sundalo upang itoy aming mapaghandaan.. At ako na din ang bahala kay Ka-Lucio"Wala akong natanggap na kasagutan kay Misato.
"Hindi gaanong kalakihan ang hukbo ninyo.. At sa tamang pag plano'y alam kong maari tayong magtagumpay.. Buo pa rin ang aking tiwala sa iyo mahal ko pagkatapos ng gulong ito'y maari na tayong maging maligaya" Saad ko pa
"Kung magka gayon ay dapat kang maging handa" Sabi ni Misato kasunod ang pagkuha ng isang ripleng may bayoneta sa dulo at ilang granada iniabot sa akin
"Ibaon natin yan sa di kalayuan .. Sapat pa naman siguro ang inyong armas subalit kailangan mo ng reserba sa oras ng pangangailangan" Muling sabi ni Misato
Sumang ayon ako sa kanyang balak at tinungo namin ang di kalayuan upang ibaon ang reserbang sandata
Ako ang naghukay para sa sapat na lalim at laki para sa mga armas.
"Sa oras na sumugod ang mga sundalong hapon ay iyong pawalan ang mga bihag sa inyong kampo at ang mga kalalakihan ay sabihan na tumulong sa pakikidigma"
Tinignan lamang ako ni Misato ng sabihin ko ang aking plano habang naghuhukay.
"Wag kang mag alala ako'y mabubuhay at tayo'y magsasama.. Pangako iyan.." Aking sinabi matapos magbaon ng armas sa lupa
Humarap ako sa aking sinisinta
"Ipangako mo rin sa akin na sakaling madatnan mo ang iyong sarili na nag-iisa ay tumakas ka na wag mo na akong intindihin at maaring ako'y mamatay rin sa oras ng pagsalakay" Malungkot ngunit may tapang na saad ni Misato
"Subalit Misato."
"Walang subalit Samuel.. Mangako ka.."
Akoy hindi na nakaimik bago tuluyang mangako
"Nangangako ako ngunit alam kong di iyon mangyayari"
..
Mabigat ang aking kalooban ng gabing iyon sa pagbalik sa aming kampo
..
Ipinamalita ko ang aking nalaman sa aking mga kasama para sa paghahanda.
Na di ko naman alam na sa huling pagkakataon ay tatraydurin ngunit ang mas masakit
Ay dinurog ng aking mahal ang aking puso sa hindi nya pagtupad ng kanyang pangako..
....
BINABASA MO ANG
HULING TAGPUAN (SPG)
RomanceKailan totoo ang isang pag ibig? Kung mas minamahal mo na ang iyong pinaglalaban kaysa sa taong nagpa-ibig sa iyong puso.