Nasundan pa ang aming pagkikita ni Misato.Habang dumaraan ang bawat araw ay mabilis syang natututo ng wikang tagalog sa tulong ng ibang inalipin ng mga hapon at sa pagtityaga ko na rin sa pagtuturo.
Napag alaman kong hindi pala kami nagkakalayo ng edad . Ako ay dalawamput apat sya naman ay dalawamput dalawa.
Nalaman ko din na sya ay sumakay ng patago sa isang pandigmang barko ng mga hapon sapagkat sinundan nya ang kanyang ama na natatangi at nagiisa na lamang nyang kapamilya na sya pang isang sundalong hapon.
Sa kasamaang palad pagdating ng barkong nasakyan nya sa Pilipinas ay hindi naman nya natagpuan ang kanyang ama, Nang mapag alaman ng pinuno ng mga sundalong hapon ang kanyang presyensya sa kanilang barko ay hinayaan naman sya nito at pinasama sa mga sundalong hapon na sumakop sa aming baryo upang mapakinabangan at ginawang taga handa at taga pangasiwa ng makakain at maiinom kasama ng ibang Pilipinang ginawang alipin.
Ang pinagkaiba nga lang ni Misato ay hindi sya nakararanas ng paghihirap at pagmamalupit dahil sa sya ay kalahi ng mga mananakop.
Sa ibang Pilipino at pilipina din nya natutunan ang ibang salitang tagalog
Kaya sa higit lamang dalawang buwan ay natuto syang umintindi at magsalita ng tagalog ng tuwid at waring pinanganak sa bansang ito.
Isang madilim na gabi kung saan sa aming tagpuan ay nagkita muli kami ni Misato.
"Kamusta naman ang iyong araw?" Tanong ko
"May hindi magandang nangyari Samuel.." nalulungkot nyang tugon sa aking katanungan.
Gumuhit ang pag aalala sa aking mga mata
"Bakit anong nangyari?" Nag aalala kong tanong
"Ang ilan sa mga bihag ay nanghina na at tuluyang namatay.. at isa nanamang dalaga ang napagsamantalahan kanina" nalulungkot nyang balita.
Naisara ko ang aking kamao at nagngitngit ang aking mga ngipin sa galit
"Mga walangy@! Naway kunin sila ni satanas at sunugin ng buhay sa impyerno ang kanilang katawan maging ang kaluluwang may maitim na budhi!!!" Aking nasabi sa sobrang galit.
"Patawad Samuel..." mahinag sabi ni Misato
"Hinding hindi ko sila mapapatawad!"galit ko
"Samuel ako na ang nahingi ng tawad.. Hindi ko ginugusto ang nangyayaring ito.. "
Saka ko lang nakita si Misato na may luha sa kanyang mga mata at wari ba'y sinasalo lahat ng sisi galit gayon pagsisisi sa mga nangyari.
Nawala ang aking galit at napalitan ng pagkadismaya sa aking sarili sa nakita kong mga luhang pumatak sa mata ng dalaga.
"Misato.. Hindi kita isinasama sa mga sinusumpa ko na kunin ng dyablo. Iba ka sa kanila. Hindi ka masamang tao at lalong di ka kaaway alam ko ang malasakit mo sa aming lahi sapagkat sa tuwing kami'y nagmamatyag sa inyong kuta ay nakikita ko ang makatao mong pagtrato sa mga aliping kabaryo ko"
Tiningnan ako ni Misato sa mata.
"Maaring ikaw nga'y hapones kagaya nila subalit ang iyong puso ay busilak ang iyong pagkatao ay malinis pa sa ilog na inaapakan natin ngayon"
"Pero Samuel .. ang dugo nila ang sya ding nananalaytay sa aking mga ugat.. Ang ginagawa ng aking kalahi ay syang salamin ng pagkatao ko"
"Hindi masasalamin ng dugong dumadaloy sa iyong katawan ang iyong pagkatao. Mabuti ka Misato. Mayroon kang ginuntuang puso."
"Salamat sa iyong tiwala Samuel"
"Salamat sa diyos sa pagpapadala ng isang anghel gaya mo. Isa kang bulalakaw na hindi ko hiniling ngunit natupad. Maihahalintulad kita sa ibong malayang nalipad sa gitna ng gyera ngunit nagiging mas matayog pa ang pag angat.. Ikaw ang pag asa ko ngaun Misato. Wala akong paki alam at lalong wala akong kinakatakot na ikaw ay nakilala ko. Ang tanging alam ko lang ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas upang mabuhay sa araw araw"
Sa kadiliman ng gabi at tanging taimtim na liwanag ng buwan ang aming ilaw nakita ko ang pag pula ng pisngi Misato.
Naway isang bagong yabong na rosas na tumubo sa kanyang pisngi.
"Samuel..nakakagiliw ang mga sinabi mo.."
..
"Pagkat mahal kita Misato. Wala na akong pakialam kung ikaw ay hindi pilipino o kung ikaw man ay lahing hapones . Ang tanging alam ko lamang ay iniibig kita"
Tumulo ang luha sa mga mata ni Misato saka sya mabilis na yumakap sa akin.
Agad ko ding inilapat ang aking mga braso sa kanyang katawan.
"Maging ako'y umiibig sayo Samuel.."
Nagalak ang aking puso sa aking narinig.
Di ko malaman subalit may kaunting luha na din na tumulo sa aking mata.
Unti unti ay naglapat ang aming mga labi.
At sa ilalim ng mga bituin at buwan.
Saksi ang payapang agos ng ilog , Nabuo ang pagiibigan namin ni Misato.
Isang pagiibigang di ko maisip na magiging huwad.
BINABASA MO ANG
HULING TAGPUAN (SPG)
RomanceKailan totoo ang isang pag ibig? Kung mas minamahal mo na ang iyong pinaglalaban kaysa sa taong nagpa-ibig sa iyong puso.