Matapos kong mahukay ang riple na may bayoneta sa dulo at ilang granada ay agad na akong kumilos upang balikan ang ilog na tagpuan namin ni Misato at pinangyarihan ng pagsalakay at patayan kagabi.
Sa matataas na talahib ako nagtago bago sumilip sa tabi ng ilog.
Humigpit ang aking pagkakahawak sa riple.
Hindi kinakaya ng aking puso ang nakikita ng aking mga mata.
Mga bangkay na nagkalat ang iba'y nakalutang pa sa ilog.
Maraming sundalong hapon ang namatay subalit sa aming samahan ay ubos, Marahil ako na lamang ang natitira.
Mas umusbong ang galit sa aking puso ng makita ang apat na hapon at mismong si Ka Lucio na sinisipa sipa pa ang ibang bangkay ng aming kasamahan.
Pumatak ang kaunting luha sa aking mata habang nag aapoy sa galit.
Hinila ko ang waring susi sa granada.
Inihagis ko ito sa mga natitirang buhay na may halang na pagkatao
Tatlong sundalong hapon ang tinamaan ng pagsabog at namatay.
Mabilis ako sumugod sa isang natitirang sundalong hapon at kay Ka Lucio.
Pinaputukan ko agad ang Sundalo sa kanyang ulo at agad itong namatay
Saka ako humarap kay Ka Lucio
"Traydor" sambit ko habang nanlilisik ang mata sa inaakala kong ama naming lahat.
Waring tatakbo sana si Ka Lucio subalit natisod siya sa isang bangkay at nawala ang timbang at natumba.
"Saglit lamang Samuel mali ka ng iniisip akoy magpapaliwanag!" Sabi ni Ka Lucio na hindi maitatagonang takot sa akin
"Wala ka nang dapat pang ipaliwanag! Dahil wala akong balak na ika'y pakinggan!"
Saka ko itinusok sa kanyang dib dib ang bayoneta sa dulo ng aking riple at pinaputukan ito ng baril.
Nawalan na rin ng buhay agad si Ka Lucio ng may maramdaman akong tao sa aking likuran
Mabilis akong tumalikod at tumutok ng riple sa taong ito.
Si Misato naka-unipormeng pang sundalong hapon.
Tutok tutok din sa akin ang isang rebolber.
"Misato bakit?Bakit di ka tumupad sa iyong pangako! Akala ko ba'y minamahal mo ako?!"
Masidhi kong katanungan na may galit"Ikaw ang hindi tumupad sa usapan! Hindi ba't ang sinabi ko sayo'y kung madatnan mo ang sarili mong nag iisa ay tumakas ka na at umalis dito?!" Pasigaw na sagot ni Misato
"Paano ko gagawin? Kung gulong gulo ang aking isip sa mga nangyayari! Bakit kailangan mo akong painumin ng pampatulog at kunwariang barilin?Ano ang dahilan?! Hindi ako basta na lamang lilisan na magulo ang aking isip at may dinaramdam sa puso!"
Nakita ko ang namuong galit sa akin ni Misato
"Hindi mo pa rin ba ako naiintindihan Samuel! INILILIGTAS KITA!!!" Pasigaw nyang sagot
"Saan?! Sa iyong mga kahukbo?!Kung iyo lamang sinabing kagabi ang kanilang pagsugod ay di na sana pa umabot sa ganito! Di sin sanay napaghandaan natin ang kanilang pag atake at tayo'y nanalo!"
"Hindi sa araw ng ating anibersaryo!"
"Dahil sa anibersayo na yan kaya nagbuwis ng buhay ang aking mga kasama!!!" Galit kong sigaw
"Pagkat mahal kita Samuel!" Sagot ni Misato na naguumpisa muling mamugto ang mga luha sa kanyang mga mata
Hindi ako sumagot.
BINABASA MO ANG
HULING TAGPUAN (SPG)
RomanceKailan totoo ang isang pag ibig? Kung mas minamahal mo na ang iyong pinaglalaban kaysa sa taong nagpa-ibig sa iyong puso.