Dumating ang aking pinaka-kinakasabikan na araw.Ang aming unang anibersaryo ni Misato
.
Pinilit kong maging masaya kahit may mga bagay kaming napagtalunan nung mga nakaraang araw.
Tahimik ang kapaligiran at mukang natigil pansamantala ang digmaan.
Perpekto ang pagka hugis bilog ng buwan upang bigyan kami ng sapat na liwanag sa espesyal na araw na ito.
May kalakasan ang agos ng ilog kung saan nag bibigay taimtim na musika sa aking tainga
Kasabay ay ang huni ng mga kuliglig na kay sarap damhin na sagisag ng tahimik na gabi.
Malayo pa lamang ay alam ko na ang pigura mg aking mahal.
Kumaway ako sa kanya gayon din sya sa akin.
"Kita mo nga naman mahal ko , Inaayunan tayo ng pagkakataon ngayon walang naghintay at walang nahuli sa ating dalawa" Masigla kong sabi kay Misato
"Sya nga , Ano ang iyong dala?" Tanong sa akin ng binibini
"Prutas lamang mahal ko pasensya na at ito lamang ang aking mga napitas.." Nalulungkot kong sagot
"Huwag kang mag alala akoy may baon" Sagot nyang may mapinong ngiti
At ipinakita nya sa akin ang dala nyang basket.
"Nakakahiya nga naman na talaga sa iyo at ako dapat ang naghahanda ng lahat, Patawad mahal ko.."
"Di bat ang sabi ko ay hindi yun ang mahalaga? Ang mahalaga ay magkasama tayo sa espesyal na araw na ito" Sagot ni Misato kasunod ang paghalik nya sa aking pingi.
"Halika mahal ko ako din ay may dalang telang mailalatag natin" Sabi ni Misato at hinawakan ako upang sumunod sa kanya
Sa isang damuhan na pinalibutan ng mayayabong na gumagapang na ugat at dahon na halaman ang aming tinunton at waring di agad kami mapapansin ng kung sino man.
Duon ay naglatag sya ng tela at naupo.
Inilabas din nya mula sa basket ang tinapay ,ilang hita ng manok na luto, tubig at alak.
"Iinom tayo?"Aking tanong
Tumango muna sya bago sumagot
"Espesyal ang araw na ito mahal ko"Sagot ni Misato
Ngumiti lamang ako.
Umupo na ako sa kanyang tabi at inabutan ng pagkain.
Kumagat ako ng isa
"Masarap.. Iyong luto?"Tanong ko
"Katulong ang iyong mga kabaryo"
Sa kanyang sagot ay nakangiti ako subalit may kaunting lungkot na aking puso pagkat alipin pa din ang aking mga kabaryong nabihag.
"Ang plano namin Misato. Ang pagsalakay sa kampo ninyo sa makalawa na."
Di ako pinansin ni Misato.
May ilang saglit na tahimik kami at tanging tunog lamang ng paligid ang naghahari sa aming pandinig.
"Maari bang isantabi muna natin ang karahasan ngayon Samuel?"
"Patawad Misato"
Umupo sa aking harap ang aking mahal.
Di sya nagsalita .
Nakatitig lamang aking mukha.
Malagkit ang kanyang mga titig.
BINABASA MO ANG
HULING TAGPUAN (SPG)
RomanceKailan totoo ang isang pag ibig? Kung mas minamahal mo na ang iyong pinaglalaban kaysa sa taong nagpa-ibig sa iyong puso.