Ikalawang Tagpo

833 18 0
                                    


Ilang araw ang lumipas mula nung una at huli kong masilayan si Misato.

Hindi parin nawawala sa aking isip ang kagandahan ng dalaga na maihahalintulad ko sa payapang karagatan.

Hindi ko ipina alam sa aking mga kabaryo na may nakita akong hapones pagkat alam kong silay magagalit dahil bawat isa sa kanila ay sukdulan ang nais na makapaslang ng hapones sa tindi ng galit ng mapatay ang ilan sa aming mga kapamilya.

Sa mga sumunod na araw ay paulit ulit akong pumunta sa baybayin ng ilog subalit wala ang dalagang hapon.

Hanggang dumating ang isang araw na nakita ko syang muli.

Nakatayo sa tabi ng ilog, palinga linga, waring may hinahanap.

Di muna ako nagpakita at sya ding nagmasid sa paligid. Aking sinisugurado kung wala bang ibang tao roon liban sa amin.

Umandar ang maraming segundo at minuto na waring aalis na ang binibini.

Kaya agad na akong lumabas sa aking pinagtataguan.

"Sandali lamang binibini" sambit ko mula sa kanyang likuran.

Lumingon sya sa akin .

Nagkislapan ang mga bituin sa langit kahit ang araw ay nakadungaw pa.

Ang mga anghel ay bumaba ng kalingitan kahit wala akong planong ngayon ay mamatay na.

Aking nakikita ang isang prinsesa na buhat ng giyera.

Nasa aking harap ang kalaban ng aking lahi subalit ay katuwang ng paghanga ko.

"Natatandaan mo pa ba ako?" Muli kong sambit sa kanya

Ngumiti lamang sya . Alam kong hindi nya mawari ang aking sinabi.

"Ako.. Misato.. " sambit nya na tila ba hirap na hirap pa sabihin.

Numuo ang ngiti sa aking labi. Napakaganda ng kanyang boses. Higit na malinaw at masarap pakinggan kaysa sa mga pampasabog na ibinabato ng mga hapones at amerikano sa bawat isa.

"Ako nga pla si Samuel binibini"sambit ko na nanginginig sa kaba.

"Ako.. misato.. ako ginagalak makilala Samuel binibini" sambit ni Misato

"Hindi.. ikaw ang binibini.. Ako si Samuel.."

"Ako.. Misato.. ikaw Samuel.. Ako misato.. Hindi ako binibini" muli nyang sambit na hirap sa pagsasalita ng wikang tagalog

Napailing na lamang ako habang nakangiti.

Duon ay nagsimula ang aming pagkakaibigan.

HULING TAGPUAN (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon