Ika-limang Tagpo

365 11 0
                                    


Napaaga ang aming pagkikita ni Misato.

Yung dating hating gabi na aming pagkikita ay sinikap kong maging dapit hapon.

Maganda sya kht sa dilim ng gabi, subalit mas namumutawi ang kanyang kagandahan sa liwanag.

Nauna sya sa aming tagpuan.

Muling naka upo sa isang malaking batuhan na malimit naming inuupuan sa tabi ng ilog.

Lumapit ako sa kanyang may pag giliw na ngiti.

"Kamusta aking irog?" Allking pagbati kasabay ng pag-upo sa kaniyang tabi

"Mabuti naman at masaya akong muli kang makita" sagot ni Misato

"Iba ang iyong ganda sa liwanag, kung sa gabi'y napagliliwanag mo ang dilim dahil sa kinang ng angkin mong kahandahan ngayong maliwanag ay parang nagsabog ng mga gintong makikinang dahil wala ng mapagsidlan ng aking silaw sa lubos mong kagandahan"

"Napaka bolero mo mahal ko "namumula nyang sabi na may mapinong ngiti.

Akoy humalik sa kanyang noo na may ngiti subalit humarap muli sa kanya na may lungkot sa mga mata

"Samuel?may problema ba?ikaw bay may dinadalang mabigat?"malambing nyang tanong sa akin.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo mahal, akoy nangangamba at nahihiya.. alam kong di mo ako sasaktan subalit ang puso ko'y durog dahil sa aking mga kasamahan"

Hinawakan nya ng kanyang mga palad ang aking muka

"Mahal ko sabihin mo akin ang iyong dinaramdam?akoy makikinig "

May pangambang gumuhit sa aking mukha bago pa man ako muling magsalita

"Ang aking mga kasamahan, Alam na nila ang tungkol sa atin"

"Paano Samuel?" Nagulat at nangamba din nyang tanong

"Akoy patawarin mo mahal ko pagkat akoy hindi nagiingat di ko nalaman na sa tuwing pagkikita na tin ay may minsan sa akin ay may nakasunod"

"Anong kanilang sinabi?"

Yumuko ako bago sumagot

"Nais nilang subakan ang iyong katapatan sa akin.." Nahihiya kong sagot

Iniangat nya muna aking muka bago tuluyang tugunan ang aking sinabi

"Anong ang iyong ibig sabihin mahal ko?"

"Magtitiwala lamang daw sila sa iyo kung tutulungan mo kaming makapaslang ng tatlo sa iyong kasamahan at makapang umit ng mga armas sapagkat wala kaming laban sa inyong hukbo, Tanging panaksak lamang ang may roon kami at wala kaming nalalaman sa modernong armas subalit gamit iyon ay alam naming maipaghihiganti namin ang aming mga kasamahan na napaslang" Aking sagot subalit hindi nakatingin sa kanyang mga mata

"Mahal mo ba ako Samuel?" Malumanay nyang tanong sa akin

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nakahawak sa aking mukha

"Higit sa aking buhay ang pagmamahal ko sa iyo Misato, Higit sa hangin na aking nilalanghap, alam ng diyos sa langit na ang aking puso ay nasa iyong mga kamay"

Ngumiti sya kasabay ng pag pungay ng mga pahaba at bilugan nyang mga mata

"Wala na aking ama , di ko na alam kung nasaan sya kung nasawi na din ba sa giyera o nakulong sa isang masukal na gubat. Ako'y naging mag isa subalit dumating ka. Ikaw na lamang ang meron ako, ikaw na lamang Samuel.."

"Misato..."

"Maaasahan nyo ako"

"Subalit iyong mga kalahi ang aming kalaban.."
Pag aalala kong pa alala

"Kawangis ko lamang ang kanilang mukha,ang kanilang salita, at kami'y iisang bansa subalit ang puso ko'y nandito nasa iyo.."

Labis ang aking galak sa kanyang mga sinabi wari ba isang batang nagkaroon ng surpresa sa kanyang kaarawan.

"Salamat Misato! Kanila akong binantaan na kapag ikay di tumugon ikaw ay ituturing na kalaban at pag akoy humarang waring kaaway na rin... Salamat naman at wala na akong aalalahanin!" Masigla kong sabi

"May banta o wala ikaw ang aking sasamahan Samuel.."

"Huwag kang mag alala mahal kung tayoy magtagumpay kanilang ipinangakong ikay kanilang tatanggapin bilang isa sa amin ng sa gayo'y maari mo na rin akong maturuan ng wikang hapones hindi ba?"

Nagtatawa sya ng mahinhin

"Ikaw talaga'y mapagbiro Samuel di mo na kakailanganin ang salitang niponggo sapagkat ako'y wala ng balak pang umalis pa sa iyong tabi matapos ang inyong plano"

Sa aking galak ay nahalikan ko sya sa kanyang labi

Isang halik na kasing tamis ng pulot sa nagiisang dibdib.

Isang halik na nagbigay init sa papadilim na paligid

HULING TAGPUAN (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon