Ilang buwan ang lumipasMasaya akong nagayak pabalik sa aming kampo sapagkat muli kong nakasama si Misato ng gabing iyon.
Hindi ko malimot limot ang kinang ng kanyang mata at tamis ng mga ngiti na waring isang panaginip.
Naririnig ko ang mga pagsalakay ng bawat magkatunggali subalit di niyon matinag ang ingay ng pagtibok ng aking puso sa sobrang galak.
Tahimik ang aking mga hakbang sapagkat akoy natatakot na baka mahuli ng aking mga kasama bagamat ay may mga gising naman na magbabantay sa gabi ay palihim pa din akong naalis at nakakabalik sa aming kampo.
Sa pag aakalang muli akong magtatagumpay sa gabing ito ay tuloy tuloy ang aking paghakbang na tila ba napagtagumpayan ko ang aking misyon.
Subalit biglang bumukas ang lampara sa aking likod at may tinig na nagsalita.
"Maari mo bang ipaliwanag sa akin kung saan ka nang galing Samuel?"
Namuo ang aking pawis sa kaba.
Ang buong akala kong isang gabing tagumpay ay napalitan ng pagkatalo sa isang misyon.
Tumalikod ako at hinarap ang pinaggalingan ng tinig.
"I..ikaw pala ka..Lucio." kinakabahan ko pang sagot sa pinuno ng aming binuong samahan
Di mo sya masasabing matanda na bagamat may puti nang buhok gayon pa man ang kanyang tindig ay gaya pa rin sa isang makisig na binata.
"Dis oras na ng gabi ay nagliliwaliw ka pa Samuel?wala bang takot sa iyong dib dib na baka ika'y mabihag ng mga hapon?"
"Ako'y nagpahangin lamang ka Lucio .. Sapagkat ang giyera ay nagbibigay lamang sa akin ng dahilan upang hindi makatulog at magisip ng magisip.."
"Oh baka naman ikaw ay nagtatraydor na sa ating samahan?" Isang tinig na galing sa dilim
Si Feliciano. May dalawang taong tanda sa akin.
Sunod ay sabay sabay nang nagsindihan ang ilaw ng bawat lampara ng bawat isa.
At halos lahat ng aking kasamahan ay masama ang titig sa akin.
"Umamin ka na Samuel.. Ano ang dahilan ng iyong malimit na pag alis sa ating kampo?" Sambit ni ka Lucio.
"Anong inyong ibig sabihing nagtraydor?ako ay nagpahangin lamang!" Aking pag depensa
"Sabihin mo na ang totoo Samuel.. May kinikita kang isang Haponesa sa tabing ilog tuwing sasapit ang dilim!" Giit ni Feliciano
Nagusisa na ang iba at nagumpisa ang pagbubulungan.
"Totoo ba ito Samuel?" Tanong ni Ka Lucio.
Nanginig ang aking kalamanan sa kaba na baka may gawin silang masama kay Misato.
Sa totoo'y di ko alam ang aking gagawin sa sitwasyong iyon.
Tila ba gusto ko na lamang magising sa isang masamang panaginip.
"Hindi sya kagaya ng iniisip nyo! Mabuting tao si Misato! Iba sya hindi sya pumapatay at may pagmamahal sya sa ating mga kabaryo! Sa katunayan ay sa tuwing ako ang napag utusang magmatyag sa kanilang kampo ay nakikita ko syang nagmamalasakit sa ating mga nabihag na kabaryo! At totoong may pagmamahal sya akin!" Aking paliwanag
"Paano mo nasabi?isa pa din syang hapones! Lahi ng malulupit! At mga mapang api!" Sabi ng isa sa aming mga kasama
"Mamatay tao! At mapanghalay!" Pahabol pa ng isa
"Ako'y nagmamaka awa mga ginoo! Aking mga kabaryo , mga kaibigan ! Ang turingan na tin ay para nang magkakapatid . Akoy nagkasala . Kaya ako ang dapat magdusa. Huwag.. parang na ninyong awa huwag ninyong saktan si Misato sya ay mabuti. Ako ang inyong parusahan ako ang tampulan ninyo ng galit. Akoy makikipaghiwalay na sa kanya bukas na bukas din. Huwag nyo lamang syang sasaktan!" Pagsusumamo ko sa aking mga kasamahan kasabay ng pagluhod.
"Maghunos dili ka Samuel.. tumayo ka diyan at hindi ko naman sinasabi na ikaw ay makipaghiwalay sa iyong kasintahan. Ang lahi ay di alintana sa relasyon sapagkat pareho parin kayong tao , kung ano ang nasa inyong puso ang tunay na mahalaga" malumanay na sabi ni Ka Lucio
"Siya nga po ba Ka Lucio?"
Ako ay nabunutan ng tinik.
Tinulungan akong muling tumayo ng aking mga kasamahan
"Subalit sa ngayon .. Pag ibig sa inang bayan at pagmamahal sa ating mga kabaryo ang dapat nating unahin.
Ako'y nagtaka.
"Ano po ang inyong ibig sabihin?"
"Gamitin mo ang iyong kasintahan..Upang makakalap ng impormasyon"
"Subalit.."
Di pa ako tapos magsalita ay sumingit sa usapan si Feliciano
"Wala ng subalit Samuel.. Kung tunay kang mahal ng dalagang iyan ay hindi sya maglilihim sayo. Kung mahal ka nya at may malasakit sya sa mga bihag ay makiki isa sya sa ating mithiin"
"Totoo. Iwaksi mo muna ang pag ibig na iyan. Kung ayaw mo nang makakita ng katulad nito" sabi ng isa sa aming mga kasamahan kasabay ng pagturo sa isang bangkay na amin din kasama.
Nanlaki ang aking paningin.
Namuo muli ang galit sa aking dib dib.
Tunay ngang kailangan ko munang unahin ang kapakanan ng aking mga kasama kung gusto ko ng katahimikan kasama si Misato.
Dahil kung hindi baka mapaslang lang din kami sa giyerang ito.
"Ano ang dapat gawin..?" Aking tanong.
"Kausapin mo ang iyong kasintahan at makipagkasundo" sabi ni Ka Lucio
"Sabihin mong kung gusto nya ang tiwala namin na iyong mga kasamahan ay tumulong siya na makapatay tayo ng tatlong hapon . Sumunod ay tulungan nya tayong makaumit ng mga armas sa kanilang kampo.. Sa paraan yan kung pumayag sya at magawa natin ay saka tayo mag paplano ng mas malakihang pagsalakay pagkat tayo'y mga armado na ng mga oras na iyon." Saad ni Feliciano
Tumango lamang ako ngunit may pag aalala
"Kung mapagtagumpayan natin ito Samuel ay buo namin syang tatanggapin at itituring na isa din sa atin" Pahabol ni Ka Lucio
"Kung hindi?" Aking tanong
"Ituturing namin syang kaaway at humarang ka'y kaaway ka na rin" sabad ni Feliciano
Huminga ako ng malalim saka dinama ang lamig ng hangin na dumampi sa aking pisngi.
Patawad Misato. Subalit sa ngayon ikaw ay aking magiging kasang kapan.
Patawad kung iwawaksi ko sa ngayon ang aking pag-ibig para sayo.
Patawarin mo ako kung bukas ay huwad na Samuel ang makakaharap mo..
BINABASA MO ANG
HULING TAGPUAN (SPG)
RomanceKailan totoo ang isang pag ibig? Kung mas minamahal mo na ang iyong pinaglalaban kaysa sa taong nagpa-ibig sa iyong puso.