Mag didilim na ang kalangitan.
Subalit may mga linawag mula sa pampasabog mula sa himpapawid ang nagliliwanag ng langit.
Apat ang aming bilang na naghihintay kay Misato.
Pinagplanuhan nyang mag sasama sya ng isang sundalo una sa tatlo ipinangako upang makuha ang tiwala ng aking mga kasamahan.
Nagtatago kami sa matataas na damo at naghihintay sa aking sinta dala ang bihag.
Ilang sandali lamang ay nakita ko na agad ang aking sinisinta subalit mabilis din pumukaw ang aking atensyon sa kasama nyang sundalo.
Nakasalamin at mukang may katandaan na.
Nakangiti itong nakikipag kwentuhan kay Misato , Samantala ang aking minamahal ay parang di mapakali ang itsura.
Nang makalagpas na sila sa aming pinagtataguan saka kami agad na naglabasan sa aming pinagtataguan.
Dahil sa ingay na nagawa ng aming mga hakbang ay napalingon sa amin ang sundalo.
Laking gulat nito na bubunot na sana ng baril, Subalit mabilis ang kilos ng aking kasamahan at agad itong dinagukan dahilan para itoy mapaluhod.
Agad kong hinila si Misato upang hindi mapaano samantala ang dalawa pa naming kasama ay hinawakan na ng mahigpit ang sundalong hapon.
Ang isa sa aking kasama ay dinis armahan agad ang sundalo.
"Komo imi wa nandesuka Misato?" Tanong ng sundalo na may pagtataka ng makitang hindi namin sinasaktan si Misato.
"Gomen'nasai" sabi ni Misato sa sundalo saka mabilis na tumalikod at yumakap sa akin
Mabilis na binusalan ng aking kasama ang sundalo upang di na makapagsalita o makasigaw pa.
Di ko sila maintindihan subalit alam kong masakit din para kay Misato ang ginawa sa sariling kalahi.
Kinuha ng aking kasama ang gulok sa kanyang baywang
"Para sa lahat ng pinatay at pinahirapan nyong mga put@ng in@ng demonyo kayo!!!"
Saka nya pinagtatadtad ng sak sak ang sundalo.
Matapos iyon ay inilibing namin sya di kalayuan sa ilog.
......
Ilang linggo ang lumipas upang isakatuparan ni Misato ang dalawa pang biktima.
Sinabi nya sa akin na naiinip sya sa paisa isang trabaho kayat nagmanman sya sa kanilang kampo at gumawa ng plano.
Akoy napapailing na lamang sa tinataglay din na katapangan at katalinuhan ng aking sinisinta.
Halos alas dos na ng umaga.
Sa kampo ng mga sundalong hapon kung saan nanduon din si Misato.
Nakamasid ako sa isang sulok kasama ang dalawa kong kasama.
Sa harapan namin ay may dalawang sundalong nagbabantay sa imbakan ng mga armas.
Kami ay magmamatyag sa paligid upang masigurong walang makakakita sa aming ibang sundalo bukod sa dalawang ito.
Maya-maya pa'y dumating na si Misato na may dalang tsa-a para sa dalawang sundalo.
Nagpasalamat ang mga ito at kitang kita ko ang lagkit ng kanilang tingin sa aking kasintahan.
Napakagat ako ng labi sa pagka-inis.
Luminga linga muna si Misato bago tuluyang umalis
Maya maya pa'y umepekto ang pampatulog na pinainom ni Misato sa kanila.
Mabilis kaming kumilos, Agad kinuha ng aking mga kasama ang dalawang sundalo saka walang laban itong pinagsasaksak.
Ako namay mabilis na pumasok sa imbakan ng mga armas.
Wala akong karunungan sa mga armas kaya kinuha ko na lamang ang kahit ano .
Sumunod ang aking mga kasama at kinuha ang kahon kahon na sandata na sa abot ng aming makakaya.
Inilibing din namin ang dalawang hapong sundalo na napatay subalit bilang patunay ay dinala namin sa kampo ang mga pugot nilang ulo.
Nang makita ng aming mga kasama na napagtagumpayan namin lahat ng kanilang ipinagagawa ay umusbong na ang tiwala nila kay Misato.
Subalit hindi pa dito nagtatapos
Panahon na para sa mas malaking pag pa plano.
BINABASA MO ANG
HULING TAGPUAN (SPG)
RomanceKailan totoo ang isang pag ibig? Kung mas minamahal mo na ang iyong pinaglalaban kaysa sa taong nagpa-ibig sa iyong puso.