chapter 10

4.3K 188 19
                                    

***

Chapter 10 - "pancakes"

Ilang minuto rin natulala si Ace matapos siyang iwan ni Vladymir. Patuloy sa pag-agos ang luha niya. Nakakainis! Bakit ba nauwi na naman sa ganito ang lahat? Hindi niya alam kung ano ang pinupunto nito nang sabihin nitong magtiwala siya sa puso niya.

Trust only her heart? Eh yung bwisit na puso niya isa lang ang sinasabi. Si Ryu ay si Vlad.

Naiinis na lumabas siya ng kwarto at sinubukang habulin si Vlad. Gusto niyang paaminin ito. Lumabas siya ng unit at inilibot ang paningin pero wala na si Vlad sa piligid. Balak pa sana niyang puntahan ang elevator nang mapagtanto ang suot niya. Fuck.

Pabagsak niyang binalibag ang pinto at napasandal doon hanggang sa mapa-upo siya sa sahig. Mas lalo siyang naiyak. Pakiramdam niya sa ikalawang pagkakataon ay iniwan na naman siya ni Ryu.

Pinupunasan niya ang mga luha niya ng mag-angat siya ng tingin at makitang nasa harapan niya si Yueh. Naalala niya bigla ang nangyari kanina. Lalong namula ang mukha niya.

"Yueh..."

Inilapag nito ang plato na may lamang pancake pa sa tabi niya saka ito umupo at sumandal din sa pinto. Tahimik ito--well, tahimik naman lagi ito. Maging siya ay hindi rin alam kung ano ang sasabihin dito.

"Fuck? Ace?"

Nanlalaki ang mga mata niya ng magsalita ito. What the?! "Yueh!" Sigaw niya rito at pinandilatan ito ng mata. Oh great!

"Fuck?" Ulit nito. Pero mukha pa ring inosente, nagtatanong ang mukha.

"Yueh! Wag mong sasabihin yan! Masamang salita yan." Suway niya rito na parang isang bata lang ang kausap.

His eyes grew wide. Parang natakot ito at agad natutop ang bibig. Sa dinami dami ba naman kasi ng matututunan na salita ay iyon pa? Great. Kasalanan ni Vladymir ito. Hindi naman kasi lahat ng salita ay naiintindihan nito. Madalas kapag kausap niya ito ay ilang segundo pa bago ito sumagot na parang tina-translate pa ang sinasabi niya sa isip. He's still learning.

"Wag mo nang uulitin yan. Naintindihan mo?"

Sunod sunod ang ginawa nitong pagtango bago nagbaba ng tingin. He started fidgeting his fingers.

"Ace?" Muling tawag nito sa kanya ng hindi siya tinitignan. Wari'y nahihiya. "G-gutom...ka?" Inusog pa nito ang pinggan papalapit lalo sa kanya.

Bigla naman siyang napangiti at parang nakalimutan ang problema. Good thing Yueh is here. Nakakagaan kasi ng pakiramdam ang presensya nito. The effect of an angel huh?

Umiling siya at muling napasandal sa pinto. "Yueh... wag ka munang aalis dito ha?" Sinulyapan niya ito at nakatingin lamang ito sa kanya. May pagtataka sa mukha nito.

"Bibilhan kita ng maraming pancakes. Basta wag mo muna akong iiwan." Nakangiti niyang turan na ginantihan naman nito ng ngiti.

***

Alas-syete na ng umaga ng magising si Ace. Buti na lang at dayoff niya ngayong araw. Ayaw niya munang isipin ang tungkol kay Ryu o kay Vlad o sa mga taong nag-kidnap sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit siya kinidnap ng mga ito.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Tahimik. Ano kayang magandang gawin? Ilaw araw na rin siyang trabaho at bahay lamang. Mamasyal kaya siya? Tama!

Umusog siya ng kaunti hanggang sa dulo ng kama at sinilip ang sahig kung saan may nakalapat na kutson at unan. Dito natutulog si Yueh. Pero nang makita niya ay wala na ito. Maybe he's already awake.

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon