chapter 20

3.2K 142 36
                                    

Chapter dedicated to @Silent_reader4321 :)

***

Chapter 20 - "Unwanted visitor"

"Sigurado ka ba dito sa gagawin natin?" Sa gitna ng katahimikan ng kagubatan ay maririnig ang mga boses ng lalaki na nag-uusap habang tinatahak ang madilim na daan.

"Never been sure in my life. Isipin mo na lang, pagkatapos nito ay sisikat na tayo." Nakangising sagot ng isa. Sa kanyang braso ay bitbit niya ang walang malay na katawan ng hubad na babae.

"Are you sure that it will work? Paano kung hindi? Papatay tayo ng walang mapapala." Turan pa ng isa habang ang mga mata ay malikot na tumitingin sa paligid.

"Trust me pussies, it will work. All we need to do is kill this bitch and sacrifice it the all mighty dark lord whatever his name is, then puff, we'll be famous in no time. Proven and tested. Rihanna did it and even Maroon5. Isipin niyo na lang, babaha ng chiks at pera pag-sumikat na ang banda natin."

"But killing someone? I don't think it's a good idea." Napakamot pa sa batok ang lalaking nagsalita. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalinlangan sa kanilang gagawin.

"Don't be a pussy. Paano ka sisikat kung duwag ka? Mag porn ka na lang nang may pakinabang yang alaga mo!"

"Mga gago! Manahimik nga kayo. I think this is the place." Sigaw ng nangunguna sa kanila.

Napahinto ang limang kalalakihan sa tapat ng isang lumang bahay sa gitna ng kagubatan. The place is too eerie. Bawat kaluskos sa kagubatan ay maririnig dahil sa katahimikan ng paligid. The five of them shivers when the wind blew in their direction. Umungol ang walang malay na babae.

"Let's make this fast before this bitch wake up." Naunang pumasok ang pinaka-leader ng grupo na siyang puno't dulo ng ideyang ito.

Wala nang pintuan ang pinaka bungad ng bahay kaya madali lang nila iyong napasok. Pinagtulungan nila na alisin ang mga gamit sa gitna ng sala bago inumpisahan ang ritwal na kanilang gagawin. They draw a circle with a star in the middle big enough for the woman. Pinalibutan din nila iyon ng kandila at sinindihan ang bawat isa bago inihiga ang babae sa gitna na gising na at nagpupumiglas.

"Gising na siya."

"I can see it." Napailing na lang ang pinaka-leader ng grupo bago nilapitan ang babae at binusalan ang bibig. "Hush, dear. Mabilis lang ito. Parang kagat lang ng langgam."

"Ng malaking langgam." Nagtawan ang mga kalalakihan maliban sa isa na nasa tabi lamang.

"Okay, let's start. Gather around bitches."

"Kailangan bang mag-hawak kamay?"

"Gago! Hindi na. Wag mong pairalin ang kabaklaan mo ngayon."

"Shut the fuck up people! Paano tayo papakinggan kung maingay kayo?" Natahimik na ang mga ito kaya nag-umpisa na ang kanilang ritwal. May binuklat na aklat ang isa sa kanila at nagsimulang basahin ang mga nakasulat doon na ibang lengwahe ang laman.

Nagkatinginan pa ang mga lalake ng maramdaman ang pag-ihip ng malakas na hangin. Panay naman ang pagpupumiglas ng babae na patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata.

Nang matapos basahin ng lalake ang ritwal ay nagkatinginan ang mga ito at wari'y hinihintay ang susunod na mangyayari.

"Give me the knife." Utos ng pinuno nila. Kinuha nito ang patalim at lumapit sa babae.

"Teka lang, dude. Hindi kaya maging halimaw siya after nito?"

"What the fuck?"

"Baka di na pala siya virgin tapos pag pinatay natin siya ay mabuhay siya ulit at magiging monster na kumakaen ng tao."

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon