Chapter 26

2.2K 101 116
                                    

Chapter 26 - "Smile"

"Waren, gising na si Ace!"

Agad napatayo sa kinauupuan si Ryu nang marinig ang pag-tawag sa kanya ni Black. Did he heard it right? Gising na ba si Ace. His Ace. He's been longing to hear her voice again. He felt like its been years since the last time he saw her and heard her voice.

He misses her badly.

Kung bang hinayaan niya na lang manatili itong malayo sa kanya ay hindi mangyayari kay Ace ang mga bagay na ito? Pero kakayanin niya bang malayo kay Ace? Alam niya sa sarili na hindi niya iyon kaya. Kahit na labagin niya ang kasunduan sa pinunong Melhim ay gagawin niya matiyak lang na ligtas si Ace.

Gamit ang kanyang kapangyarihan ay agad siyang napunta sa tapat na pintuan kung nasaan si Ace. Naroroon din si Black at Olisya kasama na rin si Erin.

"What's the problem?" Tanong niya nang makitang pilit binubuksan ni Black ang pintuan pero nakasara pa rin iyon.

Kahit may kakayahan silang mag palipat lipat ng lugar ng madalian gamit ang kanilang kapangyarihan ay hindi nila magagawa na makapasok sa mga silid dito sa Kronus dahil na rin sa ginawang salamangka ni Cleo at ito ang patakaran nito ng nabubuhay pa ito. A privacy for his demons.

"Kanina lang bukas ito," Sagot ni Erin. "Tapos nung tawagin ko si Black, pagbalik namin ay nakasara na."

"May inutusan na akong kumuha ng susi." Sabi naman ni Black. Napansin ni Ryu ang pag-sulyap nito kay White na tahimik lang na nag-hihintay sa kanilang tabi.

He got this eerie feeling that there is something going on between the two. Napansin niya lang iyon nang makitang nag uusap ang dalawa. He didn't bother to ask Black about it though. Hindi naman siya katulad ng kanyang kapatid na gusto ay alam ang lahat. Speaking of his brother. Hindi niya alam kung saan ito ngayon.

Dumating din ang pinag utusan ni Black na kumuha ng susi. Nang mabuksan ang pinto ay agad nag-tagis ang kanyang mga bagang ng makita ang kanyang kapati na si Lucas. He closed his fist and was ready to attack any moment. Hindi niya nagustuhan ang eksena na bumungad sa kanya lalo na at nasa kwarto ito kung nasaan si Ace. Kampante itong nakaupo sa kama ni Ace habang pinagmamasdan nito si Ace.

"Lucas." He warned him.

"Shh." Sumenyas pa ito na tumahimik sila at itinuro si Ace.

Ngayon niya lang napansin na tulala si Ace. Nakaupo lang ito sa kama at kahit dilat ang mga mata ay parang wala sa sarili na nakatingin sa kawalan.

"What did you do?" Agad niyang sinugod ang kapatid at hinila ito. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ay alam niyang malawak ang ngisi nito. "What did you do to her!?" Muli niyang tanong dito ng hindi ito nag-salita.

"Aww, accusing me so fast? Wala akong ginagawa mahal kong kapatid. Ganyan na siya kanina pa." Tinabing nito ang kamay niya na nakahawak dito. "Look." Lumapit ito kay Ace at iwinagayway ang kamay sa mukha nito pero wala pa din reaksyon silang natanggap mula kay Ace.

"Ace!" Nilapitan niya si Ace at itinulak ang kapatid. He heard him chuckled. Hinaplos niya ang mukha ni Ace, pero katulad ng kanina ay wala pa rin itong reaksyon na pinapakita. "What is happening to her?" Binalingan niya si Olisya. "Akala ko ba ay gising na siya?"

Lumapit sa kanila si Olisya at sinuri agad nito ang pulso ni Ace.

"Gising na siya, pero mahina ang pintig ng kanyang puso. May nararamdaman din akong enerhiya na bumabalot sa kanya, marahil kaya siya nagkakaganito dahil may ginawa sa kanya si Samael." Paliwanag nito.

"Then do what you have to do to heal her, that's your job." He said sternly.

"Waren..." He closed his eyes when he heard his name coming from Olisha's mouth, he hates it. Mukhang napansin naman nito iyon at nag-iwas ng tinging sa kanya. "Paumanhin pero hindi ganoon kadali ang pag-papagaling kay Ace, ang enerhiyang bumabalot sa kanya ay hindi ordinaryo. Tanging ang nag lagay lamang nito ang makakapag-alis. Kaya kong pahilumin ang kanyang mga sugat pero hindi alisin ang salamangkang bumabalot sa kanya."

"You're fucking useless." He groaned.

"Waren." Tawag sa kanya ni Black.

Napasuklay na lamang siya ng buhok at bumuntong hininga. Pinagmasdan niyang muli si Ace.

"Leave." Madiin na utos niya sa mga kasama
han.

Sumipol si Lucas na parang nang-aasar. "Need some privacy my dear brother?"

"I said leave. Now!"

Lucas just chuckled. Nauna naman itong lumabas at sumunod ang iba.

"Hahanap ako ng ibang paraan para malunasan si Ace." White said before heading out of the door.

Nang mawala ang mga ito ay saka lamang siya umupo sa tabi ni Ace. Pinag-masdan niya ang mukha nito. Matagal na ang panahon simula nang mangako siya sa sarili na babantayan niya ito. But things got out of his hand. Kung sinuway niya ba ang mga Melhim ay hindi na hahantong sa lahat ang ganito?

If only.

Nawala lamang siya sa kanyang malalim na pag-iisip ng marinig niya ang mahinang pagtawa ni Ace.

"Ace?"

Hinawakan niya ang mukha nito at ipinaharap sa kanya. Gayun na lamang ang pagtataka niya ng makita ang malawak na ngiti nito. She have this sinister smile on her face. Tila nanigas ang mukha nito habang nakangiti.

"Ace." He tried to snap her out. Deretso lamang itong nakatingin sa kanya, lalong nabanat ang mukha nito sa pagkakangiti. "Anong nangyayari sayo? Ace!"

Narinig niya naman muli ang pagtawa nito kahit na hindi gumagalaw ang bibig. He started shaking her. He doesn't know what is happening but he knows it's not a good sign. Mukhang may ginawang kakaiba ang mga demonyo na iyon kay Ace.

In just a snap her eyes looked into a corner. Ang mukha nito ay nakaharap sa kanya pero ang mga mata nito ay nakabaling ang tingin sa kanyang likuran.

Narinig niya na naman muli ang pagtawa. Pero hindi na kay Ace nang-gagaling iyon.

He got goosebumps when he felt a hot breath fanning in his ear. Kasabay niyon ang muling pagtawa na rinig na rinig niya dahil sa tenga niya mismo nakatutok.

"Waren..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon