chapter 17

3.7K 170 24
                                    

***

Chapter 17 - "White"

"Anong plano natin?" Tanong ni Erin na kampanteng nakaupo sa backseat ng kotse ni Black. Si Black ang nag mamaneho habang si Ryu ay tahimik lang na nakaupo sa passenger seat.

Sinulyapan ni Ryu ang babae mula sa rearview mirror. Napaismid siya. He don't know if bringing her is a good idea. "Diba sabi mo minsan nakakakita ka ng visions pag nahawakan mo ang isang gamit ng tao?" Tanong niya rito.

"Sinabi ko ba yun?"

He took a deep breath. "Yes."

"Ahh. Oo ata... try natin?" Nag-aalangan ang tingin nito sa kanya.

Narinig niya ang pagpalatak ni Black. "Wala tayong mapapala sa kanya, Waren. We should just get rid of her."

"Hoy! Mamang itim, kung makapag get rid of her ka diyan parang wala ako rito ha. Diba sabi ko nga baka gumana na yung powers ko ngayon? Matutulungan ko kayo." Sabat ni Erin na sinabayan pa ng irap si Black.

"And what if it doesn't?" Black countered back.

"Baganda and super powers mo. Tiwala lang. Kay God walang imposible."

"You do realize that we're demons you're talking to, right?"

"Eh mas malakas ang kapit ko kay God eh." Sagot pa nito.

"Shut the fuck up, woman!" Hindi niya na napigilang sigawan ito. She's starting to get on his nerves. "Try to mention his name again and I'll get rid of you myself."

Napanguso ito at humalukipkip. Mabuti na lang at nanahimik na ito buong biyahe at hindi na sila muling ginulo ni Black. Gabi na ng makarating sila sa condo unit ni Ace.

"Password?" Tanong ni Erin sa kanilang dalawa ng nasa harap na sila ng pinto.

Napailing na lang siya. He looked at the door. Napakurap lang siya at agad na nasa loob na siya. Maya maya pa ay sumunod sa kanya si Black na hawak si Erin na natulala.

"P-paanong?" Hindi makapaniwalang tinuro nito ang pinto na hindi man lang nabuksan.

"Gawin mo na ang dapat mong gawin. We can't waste any more time." Utos niya rito.

"Kaya ko rin bang gawin yun?" Manghang tanong pa rin nito at nakatingin sa pintuan.

"Start working." Utos niya rito.

"Tsk. Opo boss." Nilibot nito ang paningin at nag-umpisang halungkatin ang mga gamit ni Ace. Nakatingin lamang silang dalawa ni Black kay Erin.

"May nakikita ka na ba?" Tanong ni Black kay Erin na mukhang naiinip na.

"Saglit, wala pa."

"I knew you were fake."

"Hindi ako fake! Wag ka kasing magulo. Paano ako makakapag concentrate?" Erin snapped at Black.

Tahimik lamang siyang pinagmamasdan ang bangayan ng dalawa. Napailing na lang siya bago tinungo ang kusina. May nakita pa siyang isang plato na may pancake. Naupo siya sa stool nang mapansin ang cookie jar. He smirked. Mukhang hindi pa gaanong nababawasan ang laman niyon na binigay niya kay Ace. Kinuha niya iyon at kumuha ng isang piraso ng cookie. He just love the taste of it. He's the one who gave it to her. Pati na rin ang mga rosas. Fuck, he doesn't even know why he keep sending it to her. He just want Ace to remember him. Dahil alam niyang hindi niya pwede itong lapitan dahil na rin sa kondisyon niya sa mga melhim.

"Waren!"

Napalingon siya nang tawagin siya ni Black. "What is it?"

"This woman here think she knows where Ace is." Tinuro nito ang katabi na si Erin na malaki ang ngisi sa mukha.

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon