chapter 22

3K 148 28
                                    


***

Chapter 22 - "wounded"

Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa kagubatan. Nakakabinging katahimikan ang namamayani na siyang nabulabog ng tatlong nilalang na animo'y nakikipag patintero sa mga naglalakihang puno sa bilis ng kanilang pagtakbo.

"Nanghihina na ang mga tuhod ko, Calex. Hindi ko na kaya pang tumakbo." Wika ni White na habol ang hininga dahil sa layo ng kanilang tinakbo.

Nilingon siya ng lalake na mas hirap sa pagtakbo dahil sa walang malay na babaeng pasan nito sa likuran. "Kung hihinto ka ay maabutan nila tayo. Papatayin nila tayo kapag nangyari iyon. Kailangan natin makalayo rito."

"Pero nanghihina na ako. Ikaw na lamang ang tumakas, Calex. Iligtas mo si Ace." Napasandal ang babae sa malaking puno. Nagrereplika sa buwan ang maputi nitong buhok at balat. Nakakahanga ang taglay nitong ganda pero mababakas sa mukha nito ang matinding pagod.

Naubos ang lakas ni White nang subukan niyang pagalingin ang sugat ni Ace. Malalim ang sugat at hindi ordinaryong patalim ang ginamit ni Yueh. Natigil niya lamang ang pagdurugo pero hindi niya napagaling ang sugat nito. Nasa panganib pa rin ang buhay nito.

Alam ni White na kamatayan ang kaparusahan sa ginagawa nilang pagtulong sa mortal. Napatawan na siya ng kamatayan pero hindi itinuloy ni Calex. Alam niya ang dahilan. Nagpapasalamat siya rito pero natatakot din siya sa maaring mangyari dito dahil sa pagsuway nito sa utos ni Samael. Tiyak buhay din nito ang kapalit.

Nilapitan ni Calex ang nanghihinang babae. "Ibibigay ko sayo ang kalahati ng natitira ko pang lakas. Walang saysay ang ginagawa kong ito kung mamamatay ka rin lang."

Umiling si White at pinahid ang mga luhang lumandas sa kanyang mukha. Hindi maari ang gustong mangyari ni Calex. Alam niyang manghihina si Calex kapag ginawa nito iyon. Malaking posibilidad na pareho silang mahuhuli kapag nagkataon. Dapat manatili itong malakas para mailigtas ang buhay ni Ace.

Hindi rin maintindihan ni White ang sarili kung bakit malaki ang hangad niyang mailigtas ang mortal. Simula ng makita niya ang marka sa singsing na suot ni Ace ay malaki ang kutob niya na may kinalaman iyon sa lalaking matagal nang wala sa kanyang buhay.

"Kung mamamatay man ako ngayong gabi, nais kong ihingi mo ako ng tawad sa lalaking nasaktan ko. Patawarin niya sana ako dahil hindi ko nasuklian ang kanyang pagmamahal. Patawarin niya sana ako dahil iba ang tinitibok ng puso ko. Lahat ng ginawa ko ay para sa aming ikabubuti at sana maintindihan niya ito." Lumuluhang wika ni White habang nakatingin sa mga mata ni Calex.

Gumuhit ang sakit sa mga mata ng lalake na agad din niyang itinago. Marahan siyang tumango. Naging alerto lamang ang mga mata nito ng makarinig ng mahihinang mga kaluskos mula sa paligid.

"Umalis ka na, Calex. Iligtas mo si Ace." Pagtataboy ni White dito.

Puno ng pag-aalinlangan ang mga mata ni Calex. Mababakasan din iyon ng takot sa mga maaaring mangyari sa kanilang dalawa.

"Napaka drama naman ng tagpong ito."

Mula sa kanilang likuran ay may sumulpot na bulto ng isang lalake. Nakangisi ang mukha nito habang nakatingin sa dalawa. Hindi inaasahan na ganitong tagpo ang kanyang maaabutan.

"Moltezar." Wika ni Calex at itinago sa kanyang likuran si White at Ace.

"Maling landas ang pinili mo, Calex. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil ako na ang pumalit sa iyong posisyon. Pinadala ako rito ni Samael para tapusin ang buhay niyong tatlo." Sumipol ito at isa-isang nagsilabasan ang mga kasamahan nito na nagtatago sa dilim ng kagubatan. Mga halang na demonyo na handang kumitil para sa kapangyarihan. "Kayo na ang bahala sa dalawa. Iwan niyo sa akin si White."

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon