chapter 15

4.8K 224 39
                                    

***

Chapter 15 - "Modeyus"

"Sino yan?"

"Hindi namin kilala. Napasama lang ng kunin namin si Yueh."

"Nag-iisip ba kayo? Bakit nagsama pa kayo ng tao rito? Magagalit si Samael kapag nalaman niya ang kapalpakang ginawa ninyo."

"Paumanhin, Calex. May nakealam na Demonyo ng kinuha namin si Yueh. Nataranta lang kami lalo na't ayaw ayaw bitawan ni Yueh ang nilalang na iyan."

"Demonyo? Isa bang sorem? Bakit niya tutulungan ang isang anghel?"

"Hindi rin namin alam."

Napapikit si Ace at pilit iniintindi ang usapan ng mga tao sa paligid niya. Nang sinubukan niyang imulat ang mga mata ay matinding kirot agad ang naramdaman niya sa kanyang ulo kaya napaungol siya at napapikit muli. Napahinto ang mga nag-uusap. Nakarinig siya ng mga yabag ng paa at nang muling iminulat niya ang mga mata ay bulto ng tao ang nakita niya.

Madilim ang paligid at tanging liwanag lamang na nagmumula sa apoy na nasa kahoy ang nagsisilbing liwanag nila. She groaned again before closing her eyes. Naramdaman niya na lang ang pagdampi ng malamig na kamay sa kanyang mukha.

"Anong gagawin natin sa kanya, Calex?"

"Ipapaalam ko muna kay Samael ang nangyari. Siya na ang bahalang magdesisyon lalo na't markado ang isang ito."

Ang kamay nitong nasa kanyang mukha ay ngayo'y hawak na ang kamay niya at pinaglalaruan ang singsing na nasa daliri niya.

"Taong pag-aari ng isang demonyo na sinusubukang iligtas ang isang anghel? Mukhang kakaiba na talaga ang mga nangyayari sa daigdig."

Iyon ang huling salitang narinig niya bago siya muling antukin at makatulog.

***

"Did you found her location yet?" Iyon agad ang unang tanong ni Ryu nang magkita sila ni Black sa isang bar. Tatlong araw nang nawawala si Ace at wala pa rin silang alam kung saan ito dinala ng mga tumangay dito. He started to get anxious in the situation.

"Not yet. Humingi na ako ng tulong sa ibang moriel, baka sakaling may alam sila. But they knew nothing. Mahirap din hanapin ang enerhiya niya para matukoy ang lokasyon niya. Kung hindi mo lang sana pinatay si Luna ay madali lang tayong makakakuha ng impormasyon."

Masamang tingin ang pinukol niya rito. How would he know that they will be needing Luna? Tsk. Damn it, Ace! Where the fvck are you?

Kapag nakita niya talaga si Ace ay itatali niya na ito para hindi na ito gumawa ng mga bagay na ikakapahamak nito. Kasalan ito ng anghel na iyon.

"That's it!"

Napatingin siya kay Black nang magsalita ito. He's grinning like a fool. "What?"

"We need to find another knowledge trader."

"We are not even sure if there are still existing. Ang alam nga natin ay si Luna na lang ang natitirang lahi nila."

"Iyon lang ang naiisip kong paraan, Waren. Or if you want we can ask some help from your father."

"Fuck no! Hindi niya tayo tutulungan. I know he's still mad at me because I killed his other son."

Nagkibit balikat ito. "Then our only option is to find another knowledge trader."

"Saan tayo mag-uumpisa? kung meron pa man natitira sa kanila, malamang nagtatago na iyon."

Ang kagaya ni Luna ay pinag-aagawan ng mga Demonyo. Ang taglay nilang kakayahan ay makapangyarihan dahil kaya nitong malaman ang lahat ng bagay kahit hindi pa ito nangyayari. They could even tell the exact time of your death. At dahil sa kakayahan din nilang taglay kaya sila pinag-kakainteresan ng lahat. Most of them died defending theirselves from the demons who try to take them. Hindi nga niya alam kung paano napunta si Luna sa poder ni Cleo.

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon