chapter 21

2.6K 131 19
                                    



***

Chapter 21 - "Tormented"

"Lucas... p-paanong..." Bakas sa mukha ni Ryu ang matinding gulat at pagtataka na ang kanyang matagal nang patay na kapatid na si Lucas ay naritong muli sa kanilang harapan.  "Paanong buhay ka pa?" His sweat started to form on his forehead.

Umikot ikot ang hawak na scythe ni Lucas sa ere bago ipinatong sa balikat nito at nameywang sa kanilang harapan. Tumawa pa ito. "Hmm... paano nga ba? Nakalimutan mo na ba kung sino ako mahal kong kapatid? I'm the reaper, Waren. I collect the souls of the dead. Hindi ako basta basta mapapatay ng isang kagaya mo. You just imprisoned me in the abyss when you killed me. My body died but my soul didn't. And some stupid humans summoned me, kaya nandito ako ngayon. Aren't you going to welcome me?" Nilahad pa ni Lucas ang dalawang kamay na parang umaanyaya na yakapin siya ng kapatid.

Hindi man makita ni Ryu ang mukha ni Lucas ay alam niyang malawak ang ngisi nito. He knows him very well. Mapaglaro ito. Hindi ito madaling kalabanin dahil sa lakas nito kahit magtulungan pa silang dalawa ni Black ngayon.

Nanatili lamang sila sa kanilang kinatatayuan at nag-aabang ng mga susunod na hakbang ng kanilang di inaasahang panauhin. Ryu was not expecting this. May problema pa siya sa pagkawala ni Ace at dumagdag pa si Lucas; who happened to be Ace stalker back then.

"Now what did I missed? Where is my lovely Ace, my dear brother?" Tanong ni Lucas na kampanteng umupo sa mahabang sofa. Nagawa pa nitong ipatong ang mga paa sa lamesa.

Nag-igting ang mga panga ni Ryu ng marinig ang sinabi ni Lucas. The way Lucas addressed Ace makes his blood boil. Hindi nito pagmamay-ari si Ace. Sa kanya lamang si Ace. Patunay dito ang dugo na nanalaytay sa katawan ni Ace na nagmula sa kanya.

"Hinahanap pa namin siya."

Agad napabaling ang kanilang mga paningin kay Erin na siyang sumagot. Sinamaan agad ni Ryu ito ng tingin. Giving her a warning. She was now wearing Black's coat pero makikita pa rin ang mahabang mga hita nito na hindi natatakpan ng tela. Nagtago agad ito sa likod ni Black ng makita ang masamang tingin niya.

"Hinahanap? You mean she's missing?" Tanong ni Lucas. "Kaya ba hindi ko maramdaman ang aura niya sa paligid?"

Nagkatinginan si Ryu at si Black. Both of them were uneasy. Walang plano si Ryu na ipaalam kay Lucas ang mga nangyayari. Baka manggulo pa ito at dagdagan ang problemang kinakaharap niya.

Narinig nila ang pagtawa ni Lucas. "So, she's really missing, huh? Ilang taon na ba akong nawala? Hmm."

Sa isang iglap ay nawala ito sa kanilang harapan kasunod ng pagsigaw ni Erin. Nakita na lang nila si Lucas sa kanilang likuran na hawak si Erin. Nakapukapulupot ang isang braso nito kay Erin samantalang hawak nito ang scythe sa kabilang kamay na ngayon ay nakatutok sa leeg ng dalaga.

"Who's this pretty lady we have here?" Tanong nito habang ang mukha ay nasa leeg ni Erin.

"Oh my God, oh my God. May taong usok. Mamamatay na ako. Lord tulungan niyo po ako." Wika ni Erin na mariin nakapikit. The three of them cringed of what she's saying.

"This woman has a foul mouth." Turan ni Lucas. Tumaas ang kamay nito at hinawakan ang damit na suot ni Erin at unti-unting tinanggal ang butones. "Let's see what you got here, sweetheart."

Bago pa nito tuluyang matanggal ang saplot sa katawan ni Erin ay napa-sigaw na ito sa sakit ng bigla na lamang itong tusukin ni Erin sa mukha. And by what they are seeing, mukhang sa mata ito tinamaan.

"Oh fuck!" Nabitiwan agad nito ang babae na ngayon ay nagsisisigaw na dahil sa pagkataranta.

"May mukha yung taong usok! Nahawakan ko yung mukha niya!" Tili ni Erin.

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon