chapter 23

2.8K 157 50
                                    


***

Chapter 23 - "Olisha"

"Shit!" Sunod sunod ang mura ni Ryu nang tumilapon siya sa damuhan. Kung di pa siya maagap na saluhin si Ace ay baka nasaktan din ito kagaya niya. "Fuck you, Lucas!"

Narinig din niya ang impit na ungol ng dalawang kasama na kasalukuyang tumatayo sa damuhan habang ang magaling niyang kapatid ay prenteng prente na nakaupo sa batuhan sa harapan nila.

"Where the fuck is this place?" He asked Lucas. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar kung nasaan sila.

Pagod na sila sa pakikipaglaban kanina at sugatan na rin at nanghihina. And then Lucas volunteered to teleport them to where Kronus is. Palpak nga lang ang pag-landing nila at mukhang palpak din ang lugar na napuntahan nila. If this is one of Lucas game, sasakalin niya na talaga ito. He still doesn't trust the guy after what he did before. Pero kapatid niya pa rin ito at may pinagsamahan sila dati kaya may bahagi pa rin ng pagkatao niya ang nagtitiwala rito.

"I'm not really sure." Wika ni Lucas at tumalon mula sa bato. Halatang nanghihina na rin ito dahil naglalakad na lang ito at kaunti na lang ang itim na usok na pumapalibot dito. "Pero mas malayo na ito sa pinagmulan natin. It's a good sign, right?"

"Tsk."

"Let's start walking." Turan ni Black at sinulyapan si Calex na mukhang maraming iniisip at nanghihina na rin ito dahil mas marami itong natamong sugat kesa sa kanila. "Ayos ka lang?"

Tango lamang ang sagot ni Calex at nauna nang maglakad sa kanila. Isang kalsada ang sumalubong sa kanila nang malampasan nila ang kagubatan. Hindi nila tantiya ang oras pero alam nilang malapit nang mag-umaga.

"All we need to do is to wait for a fucking car." Wika ni Lucas.

"Wala na tayong oras. Maglakad na tayo." Inayos ni Ryu ang pagkakabuhat niya kay Ace. Wala pa rin itong malay pero ramdam niya pa rin ang mahinang pintig ng puso nito.

"What? Are you kidding me? I'm fucking tired already. Kapit kayo sa akin at susubukan ko ulit mag teleport."

"Shut up Lucas. Baka saan mo pa kami dalhin sa susunod."

"Tsk."

Lakad lang ang ginawa nila. Puro reklamo naman si Lucas. Hindi nga nila maintindihan kung bakit pa ito sumama sa kanila. He can leave if he wanted but he didn't. Hindi niya rin gusto ang ideya nankasama nila ito pero pagod na siyang makipag-talo sa mga oras na ito.

"May paparating na sasakyan." Black said. His eyes started roaming around.

Maging si Ryu ay nakiramdam rin samantalang si Lucas ay humarang sa gitna nang mamataan ang headlights sa malayo. Tinaas pa nito ang isang kamay na animo'y pumapara ng sasakyan. Pero bigo sila ng iniwasan lang ng sasakyan si Lucas.

"Fuck you! Mabangga sana kayo!" Sigaw ni Lucas.

"Sa tingin mo ba ay may hihintong sasakyan kung ikaw ang magpapara? Gago ka talaga, Lucas. Isipin pa nilang sinusundo mo sila papunta sa kabilang buhay." Iiling iling na wika ni Ryu.

Lucas just groaned. Mga ilang minuto rin ang itinagal nang may maramdaman silang muli na paparating.

"Ayan na!"

"Hindi ka ba magpapalit ng anyo?" Tanong ni Calex nang makitang si Lucas ulit ang magpapara.

"He already did. Sa ordinaryong mata ng mga tao isa lang siyang matandang lalake. Maliban na lang sa mga taong malapit nang mamatay. We're the one who can only see his real image. Pero minsan kaya niya rin linlangin ang mga kagaya natin demonyo." Paliwanag niya kay Calex.

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon