chapter 14

4.2K 193 26
                                    

***

Chapter 14 - "Missing"

"Yueh?" Nagmamadaling tinungo ni Ace ang pinanggalingan ng sigaw. Kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari kay Yueh. Nagtataka man ay sumunod din sa kanya si Ryu.

She headed to her room where the noise is coming from. Pagkabukas niya ng pinto ay nagulantang siya sa nasaksihan. May dalawang malalaking itim na parang usok ang nasa pagitan ni Yueh na tumatanggay rito patungo sa pader na napapalibutan ng itim na usok.

"Ace!" Sigaw ni Yueh nang makita siya nito. Bakas sa mukha nito ang takot habang nagpupumilit kumawala sa itim na usok na iyon.

"What the fuck?" Maging si Ryu ay nagulat sa nakita. "Ace, don't!" Hinawakan nito ang kamay niya ng magtangka siyang lapitan si Yueh para tulungan ito.

"Ryu! Do something, iligtas mo siya." She started panicking.

Nag-aalangan ang mga mata ni Ryu na tumingin sa anghel na ngayon ay unti-unti nang nilalamon ng itim na usok. Oh great! Kung wala silang gagawing dalawa ay tiyak mapapahamak si Yueh. Alam niyang responsibilidad niya si Yueh dahil nangako siya rito na aalagaan niya ito hanggang sa gumaling na ito at makabalik sa langit.

"Ryu, please." She begged. Pero mukhang wala itong balak tulungan ang anghel. Bakit nga naman nito tutulungan ang kalabang uri nito? Napailing na lang siya. If he can't do anything then she will do something.

Kinalas niya ang kamay ni Ryu na nakahawak sa kanya bago tumakbo kay Yueh. He immediately reached for her hand when she got nearer. Mahigpit ang hawak niya sa kamay nito at pilit hinihila pabalik para hindi tuluyan itong lamunin ng itim na usok.

"Fuck!" Sigaw ni Ryu. Nagtangka itong lumapit sa kanya pero may kung anong pwersa ang tumama rito bago ito tumilapon sa pader. Napamura ito bago nagtangkang tumayo pero may pwersa na pumipigil ritong makagalaw. "Shit! Ace, bitawan mo siya kundi pati ikaw ay madadamay."

Napatingin siya kay Yueh na ngayon ay matamang nakatingin sa kanya na nagmamaka-awa. Alam niyang kapag binitawan niya ito ay tuluyan na itong mawawala. She need to save him. Alam niyang wala siyang magagawa para iligtas ito pero may magagawa si Ryu. Tinignan niya si Ryu na ngayon ay matamang nakatingin sa kanya. Alam niyang hindi siya nito papabayaan kapag may nangyari sa kanya. Si Ryu lang ang pag-asa nilang dalawa ni Yueh.

Naramdaman niya ang itim na usok na unti-unti na rin bumabalot sa katawan niya.

"Ace!" Sigaw ni Ryu.

Sa huling pagkakataon ay tinignan niya si Ryu bago sila tuluyang nilamon ng kadiliman.

***

"Fuck!" Ryu groaned when he felt the invisible forced trying to hold him. Nang maglaho sa paningin niya si Ace kasama ng anghel na iyon ay saka lang din nawala ang mabigat na pwersa na pumipigil sa kanya.

Fvck! Sunod sunod siyang napamura habang tumatayo. He knew she's in danger. Hindi niya alam kung sino ang tumangay sa mga ito pero isa lang ang alam niya, ang anghel na iyon ang pakay ng mga ito. But fuck it. Pati si Ace ay nadamay. Hindi ba talaga marunong lumayo sa kapahamakan ang babaeng iyon?

Kung kaya niya lang pabayaan ito. Pero alam niya mismo sa sarili niya na hindi niya kayang pabayaan si Ace. He can't and he won't. Mahalaga sa kanya si Ace. Simula nang makabalik siya rito sa mundong ibabaw ay binabantayan niya na ito... kahit alam niyang bawal. Kaya naman pilit niyang pinapalayo ito sa kanya kahit ayaw niya. But Ace is too stubborn.

He grabbed his phone in his pocket. Kailangan niya ng tulong dahil hindi niya alam kung sino ang tumangay sa dalawa. At isang demonyo lang ang kilala niyang makakatulong sa kanya ngayô.

My Guardian From Hell [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon