Thunder's POV
Ayoko na namang makipaglokohan sa sarili ko but I really think I like Nemielle.
Yeah, I know wala siyang pantapat kay Rian.
Meron naman siguro, sa looks.
Maganda naman sya eh.
Yung talino nya pwede nya din pala pantapat kay Rian yun.
Yung sincerity nya.
Yung kindness nya.
Yung pagkacheerful nya.
Parang si Rian ang walang pantapat sa kanya ngayon. NGAYON ha? Dati kasi hindi ganyan si Rian eh.
Rian? Sya yung tipo ng babae na maarte, oo maarte sya pero yung arte nya eh yung hindi mo talaga matitiis. Maarte sya pero pag alam nyang galit ka na, mawawala yung pagkaarte nya. Maarte pero pag mahal ka, mahal ka. Maarte pero caring. Maarte. Basta maarte. Pero ngayon? Si Rian na yung maarteng... Ugh, I don't know how to explain but she became a bitch. Not totally a bitch. Hindi ko talaga alam kung pa'no ieexplain. Kung yung pagiging maarte nya dati may katabing positive trait, ngayon? Negative negative.
Teka, mali naman siguro na kincompare ko silang dalawa diba? Sige, para walang away, fair nalang sila
It's getting late in the night pero hindi parin maalis sa isip ko si Nemielle.
"Patulugin mo 'ko Nemielle, please." bulong ko sa sarili ko, mahirap na baka marinig nung dalawa asarin pa 'ko.
"Narinig mo yun?"
"Nemielle daw?"
Alam kong boses ni Royce at Ken yun kaya tinignan ko sila and wtf talaga gising na gising pa pala sila.
Maya-maya tumayo sila at nilapitan ako.
"May gusto ka bang ishare?" tanong ni Royce sa'kin.
"Naiinlove ka na ba kay Nemielle? Anong feeling mawalan ng fan girl?" pangaasar ni Ken, haynako talaga! Panigurado si Kimi nagkwento nito sakanila.
Nagwalkout nalang ako at nagpunta sa rooftop para magpahangin.
Pero bago ako pumasok, sumilipsilip muna ako, malay mo may multo. Bakla ako pagdating sa multo eh.
Pero pagkatingin ko dun sa second door ng other side ng rooftop, wait, ganito kasi yon, pasquare shape ng rooftop and bawat sides may pinto.
So ayun, may nakita akong babae dun, dahil naniniwala akong face your fears muna bago takbo, nilapitan ko muna.
Pero bago ako tuluyang makalapit dun sa babae, narinig ko syang sumigaw.
"Ikaw na bato ka!" sigaw nya. "Ikaw, Lawrence! At ikaw, Teacher Ann! Grabe kayo sa'kin! Lawrence akala ko kaibigan kita. Pero ikaw mismo nagdadown sa'kin! Ikaw naman Teacher Ann! Kala mo napakagaling mong kumanta. Bakit? Diba pinag-aral ka ng mga magulang mo sa musical school then what.. Natuto ka bang kumanta? Ang sasama nyo.." dagdag nya, umiiyak sya. And alam kong si Nemielle din 'to kaya nagsalita na 'ko.
"Kawawa naman yang mga bato sa ginagawa mo!" sabi ko at lumingon sya. Pinunasan nya agad yung mukha nya. "Diba sabi ko sayo hindi bagay sayo ang naiyak?" sabi ko na kunyareng galit.
"Hindi ako naiyak ah?" nagpalusot pa eh obvious naman.
Umupo ako sa tabi nya, "Hindi ka naiyak? Ha?" tanong ko sabay tusok sa bewang nya. Karamihan kasi sa mga babae, sa bewang yung kiliti.
"Aray! Masakit!" tumatawang sabi nya sabay tayo.
Tumayo din ako, "Masakit pero humahagikgik ka? Ha? Ha?" tapos tinusok tusok ko ulit yung bewang nya.
BINABASA MO ANG
Star
RandomHe belongs on the stage. She belongs on the crowd. To her eyes, he's her everything. To his eyes, she's nothing. He is a star, dazzling and sparking star. She is a rock, plain and boring rock. It's so ironic.