XI

2 0 0
                                    

Rian's POV

"Rian!!" rinig kong tawag ni Kimi sa bandang likuran ko kaya nilingon ko. Nakaupo kasi ako sa may bench sa rooftop nitong ChunJu.

"Hmm?" pagrespond ko.

"Napanood mo na ba?" tanong nya.

Nagtaka naman ako, "ang alin?" tanong ko.

She handed me her phone tapos may pinanood na video sakin..

"I love you, baby, I, I love you..." yun lang yung part na pinanood ko.

I was dumbfounded.

I know it's JB and he's serenading Nemielle. And JB is with Royce and Ken. So.... Ken and Royce are shipping their loveteam? So cheap.

Pero bakit ganun, bakit ang sakit?

"Kimi... Please, leave me alone first." sabi ko kay Kimi.

"Rian, I know, alam ko kung anong nararamdaman mo, pero Rian, kaibigan kita eh, ang selfish ko naman siguro kung hindi ko ipapaalam sayo 'to diba? Rian, I am a friend. I came here para pagaanin loob mo. You can count on me." then she hugged me. "We're on the same group pero ni minsan hindi ko naramdaman na kasama ka namin, kasi baka siguro iniisip mo hindi ka belong. Rian, mahal ka namin ni Aileen, ha? Tandaan mo yan."

I just kept on crying.

Humiwalay ako sa yakap nya tapos tumakbo ako palayo, narinig ko pang tinatawag nya ko pero I need Thunder. I need to find him, I need him to come back to me. I need him in my life.

Hinanap ko si Thunder mula sa kwarto nila, sa classroom, and there, I found him sa practice room.

"Thun..." tawag ko sakanya.

"Rian! What bring you h--- why are you crying?" he asked. Like fck, why am I crying? Huh?

Hinampas ko yung dibdib nya, "manhid ba talaga yan, ha?" sabi ko habang patuloy na hinahampas yung dibdib nya. "Thunder, ako nalang... Please.." napaupo ako. "Kaya ko naman maging toughtful gaya ni Nemielle, kaya ko din magpretend na walang talent, kaya kong makipagsiksikan sa madaming tao matanaw ka lang from the audiences." I just kept on crying.

Tinayo nya 'ko, he wiped my tears using his thumb, "Rian, you just have to know na hindi lahat ng bagay pwede na natin ibalik. Mahal kita. Pero yung love ko sayo, bilang kaibigan nalang. I hope you can understand na hindi ko na kayang ibalik yung dating tayo. Oo, yung nararamdaman ko para sayo dati, bumalik 'yun. Pero sa iba ko na sya nararamdaman ngayon, Rian, I'm sorry.." then he left.

Yeah, he left. Oo, okay lang. Okay lang ako! Hahaha. He left nga diba? Sanay na naman ako. Grabe oh, iniwan lang naman ako eh. So anong dahilan para hindi maging okay. :)

Napaupo nalang ulit ako, sobrang sakit. Bakit ba kailangan kong maghabol?

Then suddenly, I got a call from mom.

Sinubukan kong sagutin yung tawag na hindi boses ng umiiyak.

"Hmm, mom?" pagsagot ko.

"I just want to remind you na bukas eh may guest performance ka sa party sa may Jeju. Kikita ka din dun 'nak. Wag ka malelate ha." sabi nya.

"Mom, pwede bang hindi muna ako pumunta?" tanong ko. Then I bit my lower lip para hindi marinig yung sobs ko.

"Bakit? May sakit ka ba?"

And there, hindi ko na mapigilang iparinig kay mama yung mga hikbi ko, "Yes mom, I'm sick... I'm really sick..." sabi ko habang naiyak.

"Naiyak ka ba?" tanong nya.

StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon