Lawrence's POV
Nakabalik na kami sa Seoul ni Rian pati ng Mommy nya.
Inalalayan ko muna sya hanggang makarating sa kwarto nila.
Nung nakarating na kami, inayos ko yung hihigaan nya tapos inihiga na sya, "magpahinga ka para gumaling kana." sabi ko.
Aalis na sana ako nang hinawakan nya yung kamay ko, "Wag moko iwan, Thunder. Please.." sabi nya na nakatingin sa'kin.
"Pero hindi ako si Thunder.." sabi ko.
"Dito ka muna. Kahit ngayon lang, iparamdam mo sakin na mahalaga ako kay Thunder. Kahit ngayon lang magpanggap kang ikaw si Thunder. Please..." her voice broke.. Kung pwede lang at kung kaya ko lang na maging si Thunder, Rian, ginawa ko na.
Umupo nalang ako sa tabi ng kama nya, may practice pa yung banda eh, haynako! Istorbo talaga 'tong babaeng 'to.
"Lawrence.." tawag nya sakin.
"Oh?" sagot ko.
"Bago ako mahimatay kanina, I think I saw Thunder and Nemielle.." sabi nya.
Oo nakita mo sila.. Sila nga yun.. Hindi ka nagkakamali.. "Ha? Baka guni-guni mo lang yun.." sagot ko. Pag sinabi kong 'oo' masasaktan ka lang, Rian. Iiyak ka na naman.
"Ganun? Sige... Matutulog na 'ko, d'yan ka lang. THUNDER, ha?" she emphasized the name Thunder. Nginitian ko sya tapos hinawakan ko yung kamay nya..
Rian, you deserve someone better. Please stop chasing for that guy..
Ako din, Lawrence, you deserve someone better. Although Nemielle is better enough, you deserve someone who's more better. We're not meant for each other.
xx
Nemielle's POV
Hindi ko parin makalimutan yung nangyari.. Hindi ko inexpect na si Rian yun.. Anong ginagawa nya sa ganung place?
Bumalik na din pala si Thunder sa Seoul.
"Ate, sino pala yung babae kanina?" tanong ni Jemielle.
"Hmm. Kaibigan namin yun. Matulog kana, gabi na masyado.." sabi ko.
Pumasok na din sa loob si Jemielle.
Maya-maya nakarinig ako ng psst sa may labas.
Kahit natatakot ako, tinignan ko kung sino yun.
"Boo.."
"Ahhhhhhh~~ may multoooo!! May multoooo!!" pagsisigaw ko.
Patakbo namang lumabas si Papa papunta sa'kin dala yung itak nya. Multo, iitakin? Hahahaha.
"Nasa'n? Nasa'n yung multo?!!" sabi ni Papa.
Tinuro ko yung sa may likod ng puno.
Pinuntahan namin ni Papa.
"Ah.. Eh.. Hehehehe."
"Thunder?!!!!" gulat na tanong ko.
"Akin na po 'to ha? Delikado 'to. Tsaka tito, magagalusan po yung gwapo kong katawan.." kahanginan mo Thunder!! Kinuha nya yung itak ni Papa.
Napakamot nalang ng ulo si Papa at bumalik na sa loob.
"Baliw ka alam mo yun?" sabi ko sa kanya.
"Eh sinong mas baliw sa 'tin na nagsisisigaw agad ng may multo. Ang gwapo kong multo!!" natatawa nyang sabi.
"Ewan ko sayo! Oh, bakit nandito ka pa? Gabing gabi na." sabi ko habang naglalakad kami papunta sa may bench.
BINABASA MO ANG
Star
RandomHe belongs on the stage. She belongs on the crowd. To her eyes, he's her everything. To his eyes, she's nothing. He is a star, dazzling and sparking star. She is a rock, plain and boring rock. It's so ironic.