CHAPTER 3
SA TANANG buhay niya, ngayon lang napagod si Jan Irish ng ganito. Nang matapos siyang maglaba, yumopyop siya sa may upuan saka ipinaikit ang mga mata.
Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Nang magising ang diwa niya, naramdaman niyang para siyang idinuduyan. Paniguradong may bumubuhat sa kaniya.
Jan Irish peaks over her lashes and her heart instantly hammered inside her chest. Karga-karga siya ni Tegan!
Kaagad siyang umaktong tulog. Ayaw niyang malaman nito na gising siya. Pasimple siyang humilig sa matitipuno nitong dibdib... ah, it feels good. So amazing.
Nakarinig siya ng pagbukas at pagsara ng pinto kapagkuwan ay naramdaman niyang lumapat ang likod niya sa malambot na bagay. A very soft bed.
Nang maihiga siya nito naramdaman niyang kaagad din itong umalis sa silid.
Jan Irish opened her eyes. Tama ang hinuha niya. Nasa isang silid nga siya. Dark-blue yata ang theme ng kuwarto kasi yon ang kulay ng lahat, kahit ang sahig ... it looks manly.She sighed and remained lying in the bed. Tumitig siya sa kisame at nagnilay-nilay kong tama ang ginagawa niya. Maging katulong para sa interview na kailangan niya. Well, there's nothing wrong of being a maid. Isa iyong marangal na trabaho na talaga namang nakakapagod. But be a maid to get what she wants?
Well, okay naman sa kaniya ang ideyang 'yon. Pero nakakapagod. Sobra.
Mabilis niyang ipinikit ang mga mata ng marinig na may pumihit pabukas ng door knob. Tegan's familiar scent invaded the room. Sheyt! Magkasama silang dalawa sa iisang kuwarto!
Jan Irish felt the bed dipped. Nanigas siya sa kinatatayuan."Alam kong gising ka na. Bumangon ka na at kumain." Anang baritonong boses ni Tegan.
Huli na pala siya! Nakakahiya!
Mabilis siyang bumangon saka bumaling sa binata. "Pagod ako. Puwede bang matulog muna, puwede naman siguro 'yon diba?"He looks grim. "Eat first. Gabi na. Baka magutom ka."
Naglaway siya ng makita ang laman ng tray na dala nito. But she shouldn’t... gabi na pala. Uuwi pa siya sa bahay niya.
Bumuntong-hininga siya. "Sa bahay nalang ako kakain."
Nagsalubong ang kilay nito. "Uuwi ka?"
Tumango siya."Oh. Okay." Tumayo ito. "I’m not answering your other question then. Uuwi ka naman pala."
Umawang ang labi niya at namilog ang mata. "Uy, anong pinagsasasabi mo riyan? Ang deal natin magiging maid mo ako at heto na nga! Tapos babawiin mo—"
"Maid’s stays in, hindi umuuwi sa kanilang bahay."
Nagtagis ang bagang niya sa inis. "Fine. Hindi na ako uuwi!" Singhal niya rito.
Inilapag nito ang tray sa bed side table saka biglang nahiga sa kama.
"Hey!" Umalma siya kaagad. "Bumangon ka nga!"
"At bakit naman? Nasa kuwarto kita kaya wala kang karapatan." Wika nito bago komporatabling umayos ng pagkakahiga at ipinikit ang mga mata.
She gaped at Tegan. "A-anong..." nag-umpisa nang mamula ang pisngi niya. "B-bakit...t-teka, wala bang ibang silid itong bahay mo?" No way! Hindi siya tatabi rito!
Tegan sighed, open his eyes and looked at her. "Ms. Jan Irish Vallega, walang ibang silid ang bahay ko. Kung nandidiri ka na katabi ako, sa sahig ka mahiga."
Bumaba ang tingin niya sa braso nitong halos mapalibotan ng pilat dahil sa pagkasunog, kapagkuwan ay tumaas ang mata niya patungo sa mukha nito na puno rin ng sunog na balat. Good God! What happened to this man? Hindi simpleng paglasunog ang nangyari rito.
BINABASA MO ANG
TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)
General FictionSYNOPSIS: KUNG may katawang tao ang tsismis, ang magiging pangalan niyon ay Jan Irish. She was a gossip eater and spreader. It's her job and nobody could stop her. Kaya nga pinili ni Jan Irish na maging Journalist para legal na makapag-tsismis sa i...