CHAPTER 14

901K 19.5K 657
                                    

CHAPTER 14

HINDI MAPIGILAN ni Jan Irish ang luhang namamalisbis sa mga mata niya. Naninikip ang dibdib niya at magulong-magulo ang isip niya sa mga nangyayari sa buhay niya. All she wanted was to be love by Tegan, hindi niya akalaing may kaakibat palang gulo ang pagmamahal na inaasam niya.

"I'm sorry. This is all my fault." Puno ng pagsisisi ang boses ni Tegan habang nakaupo ito sa tabi.

Nakaupo silang dalawa sa gilid ng swimming pool sa isang pribadong vacation house ni Tegan sa Tagaytay. Dito siya nito dinala nang sunduin siya nito sa kaniyang bahay kanina bago mag-lunch.

"Hindi mo 'to kasalanan." Kumuyom ang kamao niya. "Kasalanan 'to ni Stella."

Bumuntong-hininga si Tegan. "Kung sana binigyan ko nalang siya ng pera, e di sana—"

"No." Nagtagis ang bagang niya. "Hindi ka isang bangko, Tegan. Hindi puwedeng kung kailan niya gustohin ay puwede ka niyang hingan ng pera. Pinaghirapan mo ang perang nilulustay niya. Walang hiya siya!"

Tegan looked down at his feet that were submerged on the swimming pool. "Kasalanan ko pa rin ang lahat ng 'to." Bumuga ito ng marahas na buntong-hininga. "This is all my fault, Jan Irish. Hindi ko kaagad ini-annulled ang kasal namin ni Stella kasi hindi naman ako umaasa na may babae pa akong mahahanap na tanggap kung ano ang hitsura ko. Palagi kong binibigay ang gusto ni Stella kasi pakiramdam ko utang na loob ko sa kaniya yon. She didn't get her happy ever after with me because of what happened. It was my way of saying I'm sorry."

Her heart clenched in pain for Tegan and their situation.

Niyakap niya ang binata mula sa tagiliran saka hinalikan ito sa pisngi. "Wala akong pakialam sa babaeng yon, ang importante sakin hindi ka niya gawing bangko—"

"Jan Irish," pigil nito sa iba pa niyang sasabihin saka humarap ito sa kaniya. "Wala akong pakialam sa sarili ko. I could give Stella millions just to shut her up, pero alam kong walang kasiguraduhan yon."

Umiling siya. "No. Don't do that. Mamimihasa ang babaeng yon. Kaya ko ang sarili ko."

"Pero sinisiraan ka niya. I can't take that!" Tegan exclaimed in anger. "Hindi ko kayang mabasa sa diyaryo na sinasabihan kang malandi at walang delikadisa, na hindi ka desenteng tao, na isa kang desperadang babae na pumatol sa may asawa na. Alam kong nasasaktan ka, Jan Irish, matapang ka lang talaga kaya naitatago mo sakin ang sakit na nararamdaman mo."

Nagbaba siya ng tingin. "Huwag mo nang isipin ang nabasa mo sa diyaryo." She sighed. "Wala namang katutuhanan yon, e."

"Pero Jan Irish—"

"Tama na, Tegan." Pinisil niya ang braso nito. "I'm fine."

Tegan blows a loud breath. "Ayaw muna kitang iuwi sa lungsod." May kalungkutan sa boses nito. "I want to keep you safe here, by my side."

"Tegan," humigpit ang yakap niya rito, "kailangan natin tong harapin. Walang mangyayari kung magtatago tayo. You have to face Stella, and I have to face my parents. Wala akong pakialam sa ibang tao, maliban sa iniisip ng mga magulang ko."

Tegan claimed her lips. "I don't want to lose you, Jan Irish, at pakiramdam ko mawawala ka sakin kapag inuwi kita."

Jan Irish's heart smiled. "Ayaw ko rin namang mawala ka, pero kailangan natin tong harapin. Staying here, hiding from everyone won't do us any good."

Bumuntong-hininga ito. "Kahit ngayong gabi lang? Please, Jan Irish? Gusto kitang makasama."

She smiled. "Sige. We'll stay here ngayong gabi, pero bukas, uuwi na tayo, ha?"

TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon