CHAPTER 18
One Year Later...
"MA'AM, may ipindala pong folder si Mr. Vallega para sa inyo." Wika ng secretary ni Jan Irish na ang tinutukoy ay ang ama niya. "Pinapasabi ng nagpapadala na kaagad niyo daw itong trabahoin."
She took a deep breath before accepting the enveloped. "Thanks, Dana." Nginitian niya ito. "Puwede mo ba akong bilhan kape sa coffee shop na nasa baba? Hindi pa kasi ako nag-aagahan e."
"Yes, ma'am." Kaagad na umalis ang sekretarya niya para bilhan siya ng maiinom.
Binuksan ni Jan Irish ang envelop na pinabibigay ng ama niya saka inilabas ang mga papeles na laman niyon. Nang mabasa niya ang nakasulat sa papel, tinawagan niya ang kaniyang ama.
"Papa, anong gagawin ko sa mga papeles na 'to?" Kaagad niyang tanong sa ama ng sagutin nito ang tawag. "Okay naman po lahat, ah."
"Yes, I know. But I want you to check the lot and the house." Anang ama niya sa kabilang linya. "Gusto ko kasi mag focus ka ngayon sa Real Estate at ito ang pagkakataon mong matuto."
"Akala ko ba ikaw muna sa Real Estate ngayon?" Bumuga siya ng marahas na hininga. "Pa, ang dami kong ginagawa, ang dami kong trabaho."
"Naghihintay na sa bahay na 'yon ang kleyente mo, Jan Irish. Medyo nagdadalawang isip pa siyang bilhin ang bahay kasi kailangan pa raw niya ang go signal ng asawa niya. That's why I'm sending you there. Siguraduhin mong bibilhin niya ang lupa at bahay."
Nalukot ang mukha niya. "Papa, katabi lang ng bahay natin ang bahay na 'to, ikaw nalang kaya."
"Anak, nandito ako sa Davao ngayon. May kausap akong investor."
Jan Irish groaned. "Fine. I'll do it!" Napipilitan niyang sabi saka nayayamot na pinatay ang tawag.
Tamang-tama naman na kapapasok lang ng sekretarya niya na may dalang kape para sa kaniya.
"Heto na ho, ma'am."
She smiled at Dana. "Thanks." She sipped a small amount of coffee. "Siya nga pala, hold my calls and appointment. May kailangan lang akong puntahan na kleyente."
"Yes, ma'am."
Nang makaalis si Dana, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair saka inayos ang damit na bahagyang nagusot saka isinuot ang Gucci Coat na regalo sa kaniya ng ina ng nagdaang pasko. She then picks up her car keys, her coffee the she walk out from her office.
Nang makalabas ng building nila, sumakay sa kaniyang kotse saka pinaharurot iyon patungo sa bahay na nasa tabi lang ng bahay ng mga magulang niya.
NANG MAKARATING si Jan Irish sa katabing bahay ng mga magulang niya, kaagad siyang pumasok sa gate na bahagyan nang nakaawang. Mukhang narito na nga ang kleyente niya. Kinabahan siya bigla. Pahamak naman kasi itong ama niya, wala siyang masyadong alam sa Real Estate tapos siya pa ang pinahawak nito.
I'll do my best. Jan Irish smiled. As always.
Maingat siyang humugot ng malalim na hininga saka naglakad papasok ng bahay. Nasa sala palang siya ay may naririnig na siyang boses ng isang lalaki. Medyo may kalayuan ito sa kaniya.
Sinundan niya ang baritonong boses na iyon hanggang sa makarating siya sa likod bahay kung saan naroon ang maliit pero napakagandang harden.
Pero hindi ang magandang harden ang nakakuha sa ateniyo niya kundi ang matangkad na lalaking nakatayo at nakatalikod sa kaniya habang nakikipag-usap sa cellphone nito.
BINABASA MO ANG
TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)
General FictionSYNOPSIS: KUNG may katawang tao ang tsismis, ang magiging pangalan niyon ay Jan Irish. She was a gossip eater and spreader. It's her job and nobody could stop her. Kaya nga pinili ni Jan Irish na maging Journalist para legal na makapag-tsismis sa i...