CHAPTER 11
NAKANGITI si Jan Irish habang pinaghahanda ng agahan si Tegan. Balik na ulit siya sa pagiging katulong sa bahay nito. Napilit din niya ito sa wakas na maging katulong siya ulit nito kapalit niyon ay sasagot ito sa mga katanungan niya. This time, it's not one question per week but one question per day.
"You look radiant in the morning." Anang boses ni Tegan.
Napaigtad sa gulat si Jan Irish. Hindi niya namalayang nakapasok na pala sa komedor ang binata.
Nakangiting humarap siya rito. "Good morning."
"Good morning." He kissed her lips, "ikaw ang nagluto?"
Tumango siya. "Pinagpahinga ko muna si Tay Berto." Pina-upo niya ito sa hinugot niyang upuan. "Kain ka na, papasok ka pa sa office diba?"
"Yep."
"Kain ka na." Aniya tapos kinuha ang notebook at ball pen niya na itinabi niya kanina tapos tumabi ng upo rito. "May tanong ako."
Nabitin ang pagsubo ni Tegan saka natatawang tumingin sa kaniya. "Tanong kaagad? Hindi ba puwedeng kumain muna ako?"
Natatawang inirapan niya ito saka inilapag ang notebook at ball pen sa ibabaw ng mesa.
"Oo na, kakain muna."
Pinisil ni Tegan ang ilong niya saka pinagpatuloy nito ang pagkain.
"Magtanong ka na nga." Natatawang sabi nito.
Excited na kinuha ulit ni Jan Irish ang notebook at ball pen saka nagtanong. "Bakit ka nasunog?"
Napakasimple ng tanong niya pero lahat ng emosyon sa mukha ni Tegan ay nawala. His face becomes stoic.
"Do you really want to know?" Tanong nito sa walang emosyong boses.
Nanikip ang dibdib ni Jan Irish. "Yes."
"Really? O baka naman gusto ng mga taong tsismosa na malaman ang totoo?"
Para siyang sinampal sa sinabi nito. "Kung hindi mo sasagutin, ayos lang."
Akmang aalis siya ng pigilan siya nito sa braso.
"Galit ka?"
"Hindi."
"Liar."
Her lips thinned. "Nangako kang sasagutin mo, tapos ngayon hindi naman pala, sana nagsabi ka nuong una palang na pili lang sa tanong ko ang sasagutin mo, ayos lang naman sakin."
"You're being unfair to me, Jan Irish." His eyes become dull. "Baka nakakalimutan mong personal kung buhay ang ilalathala niyo sa Magazine. Alam kong trabaho mo lang ako, but can you give me some time?"
Napabuntong-hininga si Jan Irish. "Tegan, hindi lang naman pansariling kapakanan kaya ginagawa ko to. I believe that through this interview, you will be able to accept and love yourself. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong ko, mababawasan ang sakit na nararamdaman mo na pilit mong itinatago sa buong mundo."
Tegan chuckled coldly. "Accept myself?" Napailing-iling ito at nagtagis ang bagang. "How could I accept myself when people couldn't even accept me in slightest? People say that they don't care about your look as long as you're beautiful or handsome inside. They said that it's inside that counts." Mapakla itong tumawa. "That's bullshit, Jan Irish. That's plain Hippocratic. There is no inner beauty. Matagal ko nang tanggap na ang lipunan, hindi tatanggapin ang isang katulad ko na pangit. People judge. People destroy you. At ako ang pruweba do'n."
BINABASA MO ANG
TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)
General FictionSYNOPSIS: KUNG may katawang tao ang tsismis, ang magiging pangalan niyon ay Jan Irish. She was a gossip eater and spreader. It's her job and nobody could stop her. Kaya nga pinili ni Jan Irish na maging Journalist para legal na makapag-tsismis sa i...