PROLOGUE
"CONGRATULATION, man." Sabi ni Tegan sa kaibigang si Nykyrel na bukas ay ikakasal na. He deserved all the happiness and love. Marami na itong pinagdaanan.
Nykyrel smiled. "Thanks. Someday, you'll meet a woman who will accept you like how my Lechel accept me."
Umingos siya ng buong pait. "Accept me?" Mahina siyang natawa. "You mean, kung matatanggap nila ang malahalimaw kong pagmumukha? Hmm. Baka inilibing nalang ako, wala pang babaeng ganoon sa mundo."
Tinapik ng kaibigan ang likod niya. "Tegan, i lose fate too. Akala ko walang darating, pero nariyan si Lechel. Mahal ako bilang ako."
Nagkibit-balikat lang siya. "Lucky you then."
"Yes. And you will be." Huminga itong ng malalim saka iniwan siya sa bar kung saan siya umiinom ng Martini.
As he drank himself to oblivion, a woman sat beside him.
"Hey." The woman had a flirty voice.
Tumaas ang sulok ng labi niya saka humarap sa babae, siniguro niyang makikita nito ang kabuonan ng mukha niya. Hindi na bago kay Tegan ang naging reaksiyon ng babae. When the woman saw his face, she quickly walks away like a scared cat.
Mahina siyang natawa at pinaikot ang mga mata. So predictable.
Women had always been wary of his scars. Even the woman who promised to love him no matter what abandoned him when he got the scars. At nasanay na siya sa sakit sa tuwing tumitingin palayo ang babae sa kaniya.
Tanggap na niyang wala nang babaeng magmamahal sa kaniya. Tanggap niya pero hindi ibig sabihin ay hindi siya nasasaktan.
He was dragged out from his reverie when he heard his phone rang.
"Yes?" Sabi niya ng sagutin ang tawag.
"Sir, alam kong gabi na pero may natanggap akong mensahe." Anang sekretarya niya.
He grumbled, annoyed. "What is it?"
"A Journalist wants to talk to you."
He sigh an irritated breath. "Tell them to fuck off."
"I did, Sir. Pero mapilit ang isang 'to."
"Wala akong pakialam." Aniya sa paggalit na boses at tinapos ang tawag.
He gripped his phone angrily. "Fucking reporters!"
Umalis siya sa pagkakaupo sa Bar at lumabas ng Club. Nasa madilim siyang bahagi ng makita niya ang isang babaeng papalabas ng Taxi. May nakasabit na camera sa leeg nito at may malapad itong ngiti sa mga labi habang nagbabayad ng pasahe sa Taxi.
"Thank you." The woman smiled at the driver like they are old friends.
"Welcome po, ma'am." Anang driver.
Tumayo ng tuwid ang babae at nakangiting humarap sa pinto ng Club.
"Time to work." Ani ng babae.
Hindi alam ni Tegan kung bakit bigla niyang binundol ang babae na papasok sa pinto. As their body bumped into each other, her scent waft around him.
And to his annoyance, his cock hardened in an instant.
Fuck!
Nilingon niya ang babae na nakabawi na at ngayon ay naglalakad na papasok sa pinto. She didn't even look at him. Not shocking. But why is he disappointed? Fuck it!
He stared at the woman again and shook his head. Mandidiri at matatakot ito sa kaniya kapag nakita ang kabuonan niya.
Tegan sighed and left the Club.
NAIINIS na maingat na inilapag ni Jan Irish ang camera sa ibabaw ng study table niya. Peste naman, oh! Lahat nalang ng pinupuntahan niyang pinupuntahan daw ni Mr. Tegan Galvante ay wala naman doon ang lalaki.
At sabi pa ng nag-tip sa kaniya, madali lang daw niya makikilala si Tegan Galvante dahil sunog daw ang braso nito. Pero sinuyod na niya lahat ng Bar na napuntahan pero wala siyang nakitang lalaki na sunog ang braso.
Shit!
Kailangan niya itong ma interview. Tegan Galvante is her assignment. Alam niyang walang nagtagumpay na ma-interview ito pero sinisigurado niyang makukuha niya iyon. She will push herself to the limit and do whatever she can to have that effing interview.
Umupo siya sa gilid ng kama saka binuklat ang maliit niyang notebook kung saan nakasulat ang mga kakarampot niyang alam kay Tegan Galvante.
Una, ito ang may-ari ng Galvante Enterprise. Pangalawa, pangit daw ang ugali nito at pangatlo, ayaw nito sa mga katulad niyang Journalist. Iyon lang ang alam niya at nakakairita yon!
Jan Irish was dragged out from her thoughts when a soft meow filled her ears. Bumaba ang tingin niya sa kaniya paa kung saan kinikiskis ng pusa niya ang mukha nito.
Napangiti siya at umuklo saka binuhat ang pusa niyang si Mittens.
"Kumusta ka na, Mittens?" Pagkausap niya sa pusa.
Mittens meowed.
Hinaplos niya ang mukha nito puro sugat, halos hindi na nga makita ang ilong nito at hindi maayos ang porma ng mata nito at bibig. Ang iba ay natakot dito pero ewan ba niya, nang makita niya si Mittens sa Animal Adoption Center, she fell in love with the cat instantly.
When she saw Mittens scars, she felt her streght and courage. Mittens had been through enough so she adopts her and care for her.
Mahal na mahal niya ito at halos mag-aapat na taon na ito sa kaniya.
Ewan ba niya sa sarili. She loves disfigured things. Pakiramdam kasi niya walang nagmamahal sa mga ito, kaya siya nalang.
Naputol ang pag-iisip niya ng tumunog ang cellphone niya.
"Yes, Jan Irish speaking." Sabi niya sa kabilang linya ng sagutin ang tawag.
"Jan Irish!" Tumili ang kaibigan niyang si Lechel sa kabilang linya. "Ikakasal na ako!"
Pinaikot ni Jan Irish ang mga mata. Hindi na siya nagulat. "Kay Nykyrel Guzmano ka ikakasal, no?"
"Yes! Oh my God!" Tumili na naman ito. "I'm so happy Jan Irish." Para itong naiiyak. "Kasi naman, e, after a year of pain, he finally told me he loves me and he wants to marry me. God is good."
She's happy for Lechel but she has problems to deal with. "Masaya ako para sayo, friend, pero hindi lang halata ha? Problemado kasi ako ngayon, e."
"Anong problema mo?" Kaagad na tanong ng kaibigan, halata ang pag-aalala sa boses.
Jan Irish sighed. "New assignment. Tegan Galvante."
"Gosh, Jan Irish, sana sinabi mo. Kaibigan siya ni Nykyrel. I could ask Nykyrel to tell Tegan—"
"No." Dapat siya ang gumawa ng paraan. She had always been independent. "Ako na ang bahala. Anyways, kailan ang kasal?"
"Sa susunod na buwan." Excited nitong tugon. "At ikaw ang maid of honor ko. Okay?"
Doon siya napangiti. "Congratulation, girl. I'm happy for you. I'll be there. Basta ipadala ng maaga ang invitation, ha? Kilala mo naman ako, kung saan-saan lang nagsususuot."
"Noted. Bye, Jan Irish. Talk to you soon."
"Bye." She smiled and the call ended.
Huminga siya ng malalim. Ikakasal na ang kaibigan niya at ang groom nito ay kaibigan ni Tegan Galvante. Nandoon kaya ang lalaki? She's sure as hell na pupunta ito.
Ang tanong, makikilala ba niya ito? Makasarili ang internet, wala siyang makitang klaradong larawan ni Mr. Galvante. At kahit nagkampo siya sa labas ng Galvante Enterprise, hindi niya nakita ang lalaki. Ang alam niya rito ay may pilat daw ito sa pisngi pero wala naman siyang makitang lalaking ganoon na lumabas sa GE.
But in Lechel's wedding, makikita niya si Mr. Tegan Galvante. It's her only opportunity to talk to that man. Gagawin niya ang lahat, makausap lang ang lalaki.
BINABASA MO ANG
TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)
General FictionSYNOPSIS: KUNG may katawang tao ang tsismis, ang magiging pangalan niyon ay Jan Irish. She was a gossip eater and spreader. It's her job and nobody could stop her. Kaya nga pinili ni Jan Irish na maging Journalist para legal na makapag-tsismis sa i...