CHAPTER 7

1M 23.6K 2.2K
                                    

CHAPTER 7

MAGTATANGHALI na nang magising si Jan Irish. Napuyat kasi siya sa kakaisip kay Tegan kagabi. Pero kahit medyo puyat, she's excited to face the day... nope... she's excited to see Tegan today. Dapat niyang suwayin ang sarili sa kalandiang pinaggagagawa pero hindi niya mapigilan e.

Kapag si Tegan ay malapit sa kaniya, lumalabas ang natural niyang kalandian sa katawan.

Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng silid niya at nagtungo sa kusina. At ganoon na lamang ang gulat niya ng makita si Tegan na nagkakape at nagbabasa ng diyaryo.

Kagigising lang ba nito?

Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito. "Magandang umaga." Bati niya rito.

Ibinaba nito ang hawak na diyaryo saka bumaling sa kaniya. "Morning."

Walang ngiti sa mga labi nito pero maaliwalas naman ang mukha ng binata. He looks happy even without a smile on his lips.

Akmang maglalakad siya para magtimpla ng kape para sa sarili niya ng pigilan siya ni Tegan.

"Sit."

She halts and looked at him. "Ano?"

"Upo ka." Tumayo ito at pinaghugot siya ng upuan. "Come on." Udyok nito ng hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. "Sige na, upo na."

Nagtataka man ay umupo siya sa silyang hinugot nito at tumingala sa binata. "Ano na namang trip mo ngayong umaga?"

Ngumiti ito at parang lumiwanag ang buong paligid ni Jan Irish. Damn this guy! Yes, he's not handsome like a prince but his charm really has a huge effect on her.

"Ilang araw na kasi kitang inaalila." His smile never left his lips. "Let me make you a coffee."

"Oo-kay." Weird.

Sinundan ng mga mata niya ang bawat galaw ni Tegan. Hindi niya maiiwas ang tingin sa binata habang nagtitimpla ito ng kape para sa kaniya. Naloloka na ba siya kung sasabihin niyang kinilig siya? Shit!

Nang ilapag ni Tegan ang kape sa harapan niya, umupo kaagad ito sa tabi niya.

Hindi maiwasan ni Jan Irish na mapatitig sa braso nito na may pilat. Nakita niya ang mga pilat nito kagabi. She didnt feel disgusted, she felt amazed on how he survive such scars.

When Tegan saw her staring at his scars, Jan Irish was expecting that he'll move away his arm from her sight... but to her surprise. He didnt. Nagpatuloy lang ito sa pagsimsim ng kape at walang pakialam kung nakatitig siya sa pilat nito.

Can she call it improvement? Hmmm

"Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?" Nang ma-realize kung anong lumabas sa bibig niya, lihim niyang kinastigo ang sarili.

Shit naman Jan Irish! Yang bibig mo please!

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Yeah. I did." Bumaling ito sa kaniya ay hinuli ang mailap niyang mga mata. "Ikaw? Nakatulog ka ba ng mahimbing?" May kakaibang kislap ang mga mata nito.

She looked away. "O-oo naman."

"Oh, ba't ka nauutal?" May panunudyo sa boses nito.

"Hindi ah!" Nasapo niya ang bibig dahil napalakas ang boses niya. "Sorry." Nakangiwi niyang hingi ng tawad.

Tegan chuckled and Jan Irish stilled. Ito ang unang beses na tumawa ito ng ganoon. Why is my heart beating so fast?

"Binibiro lang kita." Bumalik ito sa pagsimsim ng kape. "Alam ko namang nakatulog ka ng mahimbing."

TDBS1: Darkest Touch - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon