Chapter 6

7 1 0
                                    

Gorgeous?!

Ron's POV

*blaaaag!!*

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto ng studio ng bigla itong bumukas ng malakas.

Si Leader.

Sinipa na naman nya ang pinto.
Lagi na lang. Hindi na nga kami nagugulat kung laging sira ang pinto nitong studio ehh. Pero ang ikinagulat namin ay may karga syang isang babae.

Ayun ohh!

Ang sexy nung babae. Ang puti. Ang kinis ng balat. Ang ganda. Ang-- Xyna?!!

"Leader!! Bakit dala mo si Xyna? Anong nangyari sakanya?!"

Tanong ni Luis na lalapit pa kay Leader. Pero hindi pa sya nakakailang hakbang ay nagsalita si Leader.

"Don't you dare go here or else."

May badya ang pananalita nya na hindi din naman bago.

Kamot-kamot ang ulo na bumalik si Luis sa pagbabaraha nila ni Dave.

Si Luke naman, pinagpatuloy lang ang paglalaro sa cellphone nya ng Dota2.

At ako?

"Nag-me-make up!"-Luke

" Katext ko ang Mommy ko gago!!"

Dinala ni Leader si Xyna sa kwarto nya.

To clear things. Ang school na to ay pag-aari nila Clein. Ni Leader. Ang Ate nya ang principal dito. Dean ang Mommy nya.

Napakalaki ng school na ito na halos kasing laki ng Bermuda Triangle. Joke.
Itong school, nahahati sa dalawa. Ang White Area at Dark Area.
Ang White area, ay ang area kung saan nandoon ang main building at classrooms. Sa main building, andun ang Principal's Office, Dean's Office, Guidance Office, at ang mga office ng lahat ng teachers. Dito kasi tig-iisa ng office ang bawat teacher.

Sa Dark area naman, andito ang field, gym, hall, audi, cafeteria, library, clubs, laboratories at ang iba pang wala sa white area.

Itong studio, na tambayan naming lima ay andito sa Dark Area. May kusina, sala, entertainment room na nandoon ang gamit ng banda, at tig iisang kwarto namin.

Naipatayo ito nung January, Grade 6 pa lang kami. Ni-ready para sa aming lima. Elementary pa lang kami ay magkakaibigan na kami.
Even leader. Sakanya nagsimula ang pagkakaibigan namin.

"Luke, get me a towel and a warm water on a basin. 3 minutes."

Sabi ni Leader pagkalabas nya sa kwarto nya. Wala itong second floor. Kaya ito ang kapansin-pansin pagtapak mo pa lang sa Dark area.

Agad na pumunta si Luke sa kusina dahil lagot sya pag hindi sya sumunod. Para sa kaalaman ng lahat, mahilig mag-oras si Leader. Mahilig nyang madaliin ang mga bagay. Kaya madali itong natatapos. Mas naglalaan kasi sya ng oras para sa pagtulog!

"Psst."

Tawag ko kay Dave.

"Baket?!"
"Hindi ba kayo nagtataka?"
"Naiisip ko rin nga ehh. Si Leader, he hates girls. Women. Pero bakit karga nya si Xyna? At. At.. . At. Anong . Ginagawa nila sa kwarto?!"
"Gago! Wag mo lakasan boses mo! Pakshit ka!!"

"Oo na. Tang*na neto!"
"Hindi mo ba nakita? Nakapikit si Xyna! Alam kong may masakit sakanya o sadyang may sakit! Napansin ko rin na walang sapatos yung isa nyang paa. Mag-iisip ka pa ng ganyan! Malamang inaalagaan ni Leader si Xy--

"Inaalagaan?!"

Sabay na tanong ni Luis, Dave at ni Luke na kakagaling lang sa may pinto ng kwarto ni Leader.

Hating The Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon