Chapter 27

8 1 0
                                        

Xyna's POV

"Mom, Dad, Ate Sha, you know her already. Xyna Grevus."

Sa lahat ng napanood kong pagpapakilala si Clein yung pinaka-astig.

Oh c'mon.

Try to translate it. 'Mom, Dad, Ate, kilala nyo naman sya. Si Xyna.'

What the eff Clein?? HAHAHA. I swear kung andito sina Allysa, Nicole at yung apat, magiging comedy to.

"Ano ba yan Bro! Wala man lang cheesy lines!!"

Pabirong sabi ni Mam Shanara kay Clein. Inirapan lang naman sya ni Clein.

"It's nice to meet you iha."-Mr. Schill
"Nice to meet you din po Sir Schill."
"Xyna, wala naman tayo sa school kaya Tita na lang ang itawag mo sakin. Kahit pag nasa school tayo. Yun naman talaga ang tawag mo sakin ehh."-Tita Emily.

"Sige po Tita."
"At sakin din. Tito Leo na lang."

Nginitian ko lang sila.

"Of course! Ate ang tawag nyan sakin ni Xyna. Diba Xyna?? Kahit sa school, Ate ang itatawag nyan sakin. Pag hindi, dito ka titira."

O_____O
What??

"What the fuck Ate?!"

Tama ba namang murahin nya ang Ate nya?! Kinurot ko nga. Kaya ayun, nakatanggap na naman ako ng famous 'tss' na line nya.

Napaka talaga nitong lalaking ito.

"Hindi pa rin talaga nagbabago. Or nagababago ka lang ba pag si Xyna ang kaharap mo??"-Ate Sha
"You know, let's just go inside the dining. Shanara, inaasar mo na naman ang kapatid mo. Feel at home iha."-Tita Emily

Ninang ko si Tita Emily pero hindi pa ako nakakarating dito sa bahay nila. Pag nagme-meet sila ni Mommy, laging sa restaurant.

Malaki ang mansyon nila. Marami ring nakapalibot na guards. Siguro kasing laki lang ng mansyon namin. Yun nga lang, wala itong pool. Meron kasi sa amin ehh.

"You know Xyna, medyo dumadami ang words ni Clein. Dati, Pag kausap kasi namin yan, hindi namin alam kung nagkakaintindihan kami. Tango at mga konting words lang yan ehh. But now? Look what you did to him."

Hindi naman. Siguro tinatago nya lang.

Nakikinig lang ako sa mga kwento ni Tita Emily tungkol kay Clein habang kumakain kami.

May Lola pala sya sa Pangasinan. Pero hiwalay daw yung Lola at Lolo nya. Hindi na daw nag-asawa ng iba yung Lola at ganun din daw ang Lolo nya. His Lolo, andito lang sa Manila. Yun yung grandparents nya sa side ni Tito Leo. Pero sa side ng Mommy nya, parehas na daw patay.

Buti pa sya, andito lang ang grandparents sa PH. Ang grandparents ko kasi sa side ni Daddy, nasa Paris parehas. Sa side naman ni Mommy, nasa Sweden. And yes, parehas silang half. Parehas pang sa Europe.

"You want apple juice?" Tanong sakin ni Clein na nandito lang sa tabi ko at tahimik na kumakain. Wala na syang sinasabi sa mga kinukwento ni Tita.

Poker face lang. -____-

"Hindi na."

"You two look good together. Hindi ko pa nakakausap si Mr. Grevus about sa inyo eh."-Tito Leo
"There's no problem naman po sakanilang dalawa ni Mommy. Kaya okay lang po na hindi na."
"Pinag-uusapan din nga namin yan ni Nemi kaso ayaw naman nya ng arranged marriage kaya mas mabuti siguro na hayaan na natin ang mga bata."

Napangiti naman ako. Mom knew how much I don't want that arriange marriage. Ayoko lang.

Kasi parang ginagamitan nila ng pera yung love.

Hating The Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon