Chapter 28

7 1 0
                                    

Xyna's POV

11pm.
Three hours of waiting. Hindi pa rin talaga lumalabas ang doctor. Wala pang update.

Tahimik lang kaming naghihintay dito. Wala ding ibang tao dito sa hallway kundi kami.

Tinawagan ko sina Tita Emily kanina pero walang sumasagot. Hindi ko na rin tinawagan pa ulit dahil baka nagpapahinga na sila. Nagtext na lang ako sakanila.

.
Sabay-sabay kaming napatayo nung biglang bumukas yung pinto.

Nakahawak ako kay Dave na nasa tabi ko at sa kabila ay si Allysa.

Pero bigla kong hinigpitan ang hawak ko sakanya. Walang lumalabas sa pinto. Sino ang nagbukas?

"Xyna, bakit??" Tanong ni Dave nang bigla kong higpitan ang hawak ko.

"B-bakit bumukas?? Ba-bakit walang lumalabas?!"

Sabay-sabay kaming napaatras. Sila namang lahat, hindi ko alam pero sakin lang nakatingin. Kaya unti-unti ng lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Kinakabahan na ako. Lalo na at kami lang ang tao dito.

"Who's the fa---
"AAAHHHHHH!!!!!"

Sabay-sabay kaming napasigaw nung biglang lumabas sa pinto ang isang babaeng nakasuot ng mahabang puting damit.

"Calm down. There's a lot of patient who's resting right this time. They might woke up."

"S-sorry Dra. Medyo natakot lang po kami." Hinging paumanhin naman ni Ron.

Humakbang ako pauna para makausap na si Doctora tungkol kay Clein.

"Dra., how's Clein?? How's the patient??" Tanong ko agad sakanya.

"Okay. The operation took almost three hours. Nakitaan namin ng lason ang sugat nya. Dahilan ito sa pagkakasaksak. Kinailangan namin itong alisin dahil kung hindi, kakalat ito sa buong katawan nya at hindi na maaagapan pa. Natagtag namin ang lason and we are hundred percent sure na wala ng natira. Marami din ang dugo na nabawas sa kanyang katawan kaya humanap kami ng blood na compatible sakanya. He's fine now at maya-maya lang ay ililipat na din sya sa sinabing room ni Mr. Chua. Yun lang, at kailangan ko ng umalis."

Nanlumo at napaupo ako sa upuan sa sinabing yon ng doctora.

Lason??

So it means, target talaga nila si Clein? May balak talaga silang patayin si Clein?

Mga hayop sila!!!

"Xy, Clein is okay now. Magpalit ka na para hindi ka makita ni Clein sa ganitong kalagayan. Magagalit yun panigurado." Sabi ni Allysa at inalalayan akong tumayo.

Pumunta na din kami sa room ni Clein at pumasok na din ako sa CR para magpalit.

Isang maong shorts at blue v-neck shirt. Sinuot ko din yung slippers na binigay ni Ron.

*tok.tok*

"Sis, I'm gonna pee. Tapos ka na ba?"
"Yes! Wait."

After kong maghilamos ng mukha ay pinunasan ko yung mukha ko ng face towel na nakasabit lang dito sa loob. Malinis naman sya.

Lumabas na ako pagkatapos.

"Nailipat na si Clein."

Napadako ang tingin ko sa mga nurse na inaayos ang kalagayan ni Clein. May dalawang room boy din na may dalang isa pang sofa. Siguro dun matutulog si Allysa.

Lumapit ako sa may kama. May swero pa si Clein na para sa dugo. Wala na syang oxygen. Nakita kong tinatagtag nila kanina.

"Guys, baka gutom na kayo? Matagal din tayong nag-hintay ng hindi kumakain."

Hating The Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon