Chapter 1 – Claire's pov
"Cleng! Cleng!"
Nope. Wala akong narinig. kayo ba meron? Ako surely wala. As in wala. Nakaka enjoy ang peacefulness ano? Lalo na kung naka higa ka sa malambot na kama at super duper lambot na comforter.
Hmm. Heaven.
Kinuha ko yung spare kong unan at ginamit iyon pangtalukbong ng mukha at gumulong para matulog ulit. Yep, this is life. Wala pang tatlong segundo ang lumipas ng biglang "Ahhh!" I screamed so loud na feeling ko kahit hanggang 112 mile radius eh maririnig ang alingaw-ngaw ng sigaw ko.
Damn it. Tama bang itulak ako at ilaglag sa kama? Hinimas himas ko yung likod ko at inihanda ang what-the-chocolate-fudge-is-your-problem-beach- glare ko.
"babangon ka o bubuhusan nalang kita ng tubig ?" naka taas na kilay ni Ynna na naka pamewang pa sa harapan ko and I pouted. Grabe siya di manlang siya nakonsensya sa paglaglag na ginawa niya sakin?
Masakit kaya ang mailaglag sa kama habang bising- bisi ka makipag lambingan sa malambot at malamig na hinihigaan mo. parang pakalaglag mo sa crush mong di ka manlan mapansin pansin ang sakit bes.
"Ynna naman 5 mins pa maaga pa oh" I whined sabay tayo at balik higa ulit sa kama. Kahit naihulog na ako't lahat lahat sa kama tulog pa at gusto pang matulog ng diwa ko, Sorry Ynna.
I barely felt her left the room because the next thing I know I was zooming out again off to my dreamland. Mukang sa wakas eh naawa na sya at mahimbing pa akong makakatulog ulit.
"Cleng Tama na yan! Gising na! May 15 minutes nalang malelate na tayo sa school !!" sigaw bigla ni Ynna na siyang ikinabuhay ng dugo ko. Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig tulad ng banta niya sakin kanina.
"Tunganga ka pa more may exam ka kaya ngayon sa first period mo." Halos sumakit ang leeg ko ng bigla akong napalingon sa naka sitting pretty na si Ynna sa tapat ng vanity mirror ko.
Then nag sink in sakin ang sinabi niya. Exam. First. Period. Oh Sheet of yellow Paper!
Dali dali ako bumangon sa higaan. Kuha ng damit sabay takbo sa cr parang si the Flash, nga lang yung si Flash na di tumitingin sa dinadaanan. Dahil the next thing i know Blag! Ow! Magkakabukol ata ako.
"Cleng cleng hindi yan pinto pader yan " tinawanan pa ako ni Ynna. Great. What a great way to start the day.
"Hehe. YerseFenny. Leche !" sigaw ko sabay bagsak ng pintuan ng CR at nag ninja moves na para umabot sa 15 minutes na natitirang oras ko.
Kung pano ko nagawang mag shower at mag bihis within 15 minutes is a mystery. Not all girls can do it you know! I'm awesome I know.
"Ynna leche ka ! Buksan mo yung pinto!" kalabog ko sa pinto ng Cr. Tignan mo lakas ng trip nitong isang to. I-lock ba naman ako. " Ynna! Isa itatapon kita sa bangin once na makalabas ako dito sigi lang!" at ang baliw na pinsan ko ay tinawanan lang ko. Anak ng fishtea.
Ng masiguro kong wala na akong nalimutan hinatak ko na yung gamit ko at nagmamadaling bumaba sa hagdan. Nakita ko sila na kumakain na ng almusal at mukhang patapos na sila.
"Iha mag almusal na muna"- aya sakin ni Tita Len habang patuloy siyang nag babaliktad ng mga pancake sa pan niya. Siya ang mama nila Ynna na super bait at super maalalahanin.
"ako na mag-drive sainyo dali at malalate na kayo sa first class nyo. Balita ko pa naman may exam ang isa diyan. "- volunteer ni kuya Robert na siyang kapatid ni Ynna.
BINABASA MO ANG
The Hidden Princess ( Completed )
RomancePag upo ko . Oh lala . Halos maglaway ako sa nakita ko. Shete ke-ganda ng view !!! Si Clarence my Lalalabss lang naman ang nasa direct view ko. Siya nga pala ang boyfriend ko. Although one sided at hindi siya na inform eh mahal na mahal ko siya. Na...