Chapter 3 - Claire's Pov

11.6K 213 0
                                    

Chapter 3 Claire's Pov

" Cleng cleng! Bat ka ba nakasimangot jan? Kanina pa ah, bumagsak ka ba? Imposible naman yun kasi kahit gano katamad mo mag aral kasing utak mo kaya si Einstein. So girl, spill ano bang problema mo?" tanong ni ynna at lalo akong napa-simangot ano bayan siya. Naalala ko nanaman tuloy. Naka move on na ako kanina eh.

"Hoy, babaita parang naiiyak na natatae na ewan, ano problema mo ba?" alog niya pa sakin.

"Eh kasi naman eh Yung sketchpad ko! Nawawala ang bago bago palang non ee!" at suminghot singhot pa ako, ngayon tuloy kelangan ko pang bumili ng bago, eh ang mahal kaya nun. Bawas nanaman sa sweldo at ipon ko.

"Kasalanan mo talaga yun ee" dabog ko sa kaniya. Tsaka yung drawing ni Mylabs andun eh! Nawala na tuloy.

"ay aba nanisi pa" taas kilay na sabi niya habang humihigop ng coke float niya.

"kung di mo ko tinawag di ako tatakbo di un mawawala " at bago pa ako makapag drama ng husto hindi ko na nailagan yung unan na naibato papunta sa mukha ko.

"Aray ko bruha ka!" bulying to ahh, kasuhan ko kaya to ng physical assault?

"ang oa mo gah ! May isa ka pang sketchpad wag kang mag drama jan!" eh wala naman dun yung drawing ni Clarence My Lalabss. Psh.

Napatingin ako sa orasan at nakitang oras na para magasikaso dahil maya maya eh busy na ang restaurant sa baba.

Yup, ang bahay namin ay 3 storey Ang 2nd at 3rd floor ay kung san kami nakatira. Ang 1st floor ay Restau/bar, Umaga restaurant sa gabi bar. Pero walang g.r.o wag kang maghanap.

Dyan ako nag tatrabaho shempre ayuko naman maging pabigat sabit na nga lang ee palamunin pa. 9 pm nag uumpisang mag shift sa bar ang restaurant. Madami akong trabaho jan minsan Cashier girl , Janitress, Waiter taga asses ng bisita minsan ako ang nag re-restrore ng stocks at minsan ako ang naka tengga sa telepono tumatanggap sa reservations.

Bilib na ba kayo sakin? since its still 8pm waiter muna ang peg ko ngayun kaya ayan naka uniform ako tulad ng mga nag ta-trabaho samin. Nope di uso ang special treatment dito. Hanggat maaari gusto ko kaparehas lang ang dami ng trabaho ko sa iba pa kahit pa parang pamilya ko na sila tita Len

"bat ba kasi gusto mo pa magtrabaho?" tanong ni ynna habang nakitingin sakin na nag susuklay. Ayan nanaman siya. Ayaw nya kasi na magtrabaho ako. Hindi niya maintindihan yung feeling na pabigat kaya gusto mo makabawi.

"ayan ka nanaman Ynna?" exasperated na sabi ko and i rolled my eyes at her. at bumaba na papuntang kusina, naabutan ko dun si Tita Len na ngumiti lang skain and ireturned it to her.

Nakasunod pala si Ynna at nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. "kasi naman cleng cleng ayos lang naman samin. Hind ka naman pabigat bat gusto mo pang mag trabaho? "

"tama si ynna cleng clen. Imbes na gumagawa ka ng ibang bagay tulad ng mag shopping? Hndi ung nag t-trabaho ka dito. We're family here and you are like a second daughter to me actually. Kung magkasing kulay lang kayo ng buho niyang si Ynna malamang papasa ka ng kambal niya " biglang sabat ni tita len.

Sasagot na sana ako para sa mahabang paliwanagan ng biglang may sumagot na para sakin.

"ayos nga iyan ee. Atleast alam nyang palamunin siya dito "- Yan si tito Rey na asawa ni Tita Len at papa ni Ynna. Obvious bang ayaw nyan sakin? Hindi pa ba? Well ayan obvious na

"Rey!" saway ni tita len

"hey, Bakit? wag niyo akong patayin ng mga tingin niyo nag sasabi lang ako ng totoo, Diba Claire?" sabi ni tito at tumingin sakin, at para di na sila magtalo talo pa tumango nalang ako at ngumiti ng pilit.

The Hidden Princess ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon