Ang tagal naman ni Vanagh
Hello, ako nga pala si Monique Park, bestfriend ako ni Vanagh, yeah ! nagtataka kayo no? Since bata pa lang magkasama na kami nan wag kayo maingay ha, pero mabait talaga yan, ayaw lang niya magpakita ng emotion niya kaya laging poker face hahahahha, Ah teka anjan na siya. Astig talaga nun, mag skateboard papasok ng school? Tssk
"Vanagh , dito" Kaway ko with my full smile
"Astig ka talaga no! Kaso baka di ka papasukin ng guard? Look oh you're just wearing a black sando" Sabi ko sa kanya.
"and so?" Vanagh
Sungit talaga kahit kelan, kung di ko to bestfriend iisipin ko na galit to sa mundo, well Ganun na nga hay, Best kelan ka ba babalik sa dati?
"nagaalala lang ako"ako
"tss lets go" siya
ayun naglakad na kame, este sya pala nakasakay sa Skateboard niya
Sa guardhouse"Neng, di talaga pde yan e" sabi ni Manong Guard
" so" siyaBakit ganun ? di niya kilala si Vanagh? di pa siguro to na-iinform ni Avah, naku naman
"Ah eh, Manong, ano ganito na lang, tawagin niyo na lang po yung Admin" sabi ko
"sige po"sagot ni Manong habang nagkakamot ng batok
"Ano ka ba Vanagh, chill ka lang smile" sabi ko sa kanya pero as usual. Poker face na naman siya.
Ang tagal naman ni Avah, baka magalit na si Queen. Hmm, siguro hindi ito agad na inform ng ibang Admin staffs. Ilang minuto pa ang nakalipas ay natanaw ko na na parating si Avah. Kaya agad ko siyang kinawayan at tinawag.
"Avah! Dito!" tawag ko sa kanya
"(bow) Annyeong Sajangnim" bati ni Avah kay Queen.
"sabihin mo nga na papasukin na kami. Nagagalit na si Vanagh baka masapak si manong" sabi ko kay Avah, napalingon kami parehas kay Vanagh at nakita namin na naka pamulsa lang siya at may earphone sa tenga. Pasaway na Estudyante 'to. Hahaha
"Manong papsukin niyo siya, Hindi po ba kayo na-inform nila Ms. Wilma na darating si Ms. Vanagh ngayon?" Tanong ni Avah kay Manong Guard at halatang nagulat sa sinabi ni Avah kaya agad nitong binuksan ang gate at pinapasok kami.
"Pasensya na po talaga Ma'am, hindi lang po kami na-inform" Hinging paumanhin ni Manong
"Kaja" yun lang ang sinabi ni Vanagh at agad kaming pumasok sa loob.
"Queen, pasensya ka na ha, di kita nasalubong sa gate, sorry talaga (bow)" Hinging paumanhin ni Avah.
Tinanguan niya lang si Avah at agad siyang tumalikod
BINABASA MO ANG
Queen V: The Cold and Heartless Gangster
Teen FictionSi Queen V ay Hinahanap ng mga Gangster, pero ang hindi nila alam na nakikipaglaro lamang ito ng Hide and Seek, sa pagpunta niya ng Pinas, makikilala niya ang Lalaki na magpapabago ng ikot ng mundo niya, ma-iinlove ba siya? o talagang tuluyan ng Col...