Chappy 3

94 10 0
                                    

Chappy 3

Kahit na 521 reads pa lang to, sobra ko na po talagang saya!

Read, Vote and Comment if you want …

Happy Reading!

----

At dahil hindi maganda ang umaga ko. Nagkayayaan kami na maglibrary na lang. Tutal marami rami ang assignments naming. Oh saan ka pa 2nd day ng klase tambak na Gawain agad.  Ang nanakakainis pa yung mga minor subject pa ang OA magbigay ng mga tasks. FEELING MAJOR DRE!

“Boi” Pagtawag ni Aria sa akin. Nandito kami sa mga bookshelves, naghahanap ng mga pwedeng maging reference naming sa mga assigments namin.

“mmmmm?” Pagsagot ko sa kanya. Abala din kasi ako sa paghahanap…

“Mukang may dapat kang ibalita sa akin ah” Huminto siya sa paghahanap at sumandal sa bookshelf.

“Huh. Boi kelan pa ako naging source ng mga chismis ha?” Sagot ko sa kanya . Hindi ko pa din siya hinaharap. Ako na ang taong busy . hehehe…

“Hey. I’m serious boi . Bakit ganun na lang ang reaction mo kanina sa klase nung nagkita kayo ni Sir Xander Nicholas  ha?” Naiirita niyang hayag sa akin.

“Ah.. He-he-he. Yun ba, Eh--- hindi ko siya kilala boi. Nagulat lang ako dahil bago pala ang prof natin yun lang yun.” Pagpapalusot ko sa kanya.

Ayoko na kasing ikwento pa ang nangyaring kamalasan sa akin dala ng mokong na yun. Para saan pa? Para mainis ulit dahil maalala ko lang yung nangyari.. No way. Highway!

“Pero bakit ganoon pareho kayo ng -----“ Hindi ko na sya pinatapos pa.

“I said the truth right? That’s it. Nothing important, ok? Tara na hanapin na lang natin yung book. Inuhan ko na siya. Kapag kasi di ko na siya pinapatapos alam na niya na naiinis na ako. At yun yung way ko para iclose ang usapan.

“Okay okay. Fine, sabi mo eh” Sabi niya habang nakataas pa ang dalawang kamay. Pinapakitang suko na siya sa pagpupumilit sa akin.

Buti na lang at di na niya ako kinulit pa. Ayoko na talaga ikwento pa , besides what for di ba? Sayang lang ang laway at hangin na iproproduce ko dahil walang kwenta naman ang sasabihin ko. Makakadagdag lang ako sa polusyon. Wow . Environmentalist ang peg??? HAHAHAHAHA

Ang laki kasi ng main library namin eh nakakahilo na maghanap. Tama kayo. Main Library. Dahil ang University na to ay may 4 na library. Mayaman sa talino noh?. Kaya nga pati students from other school ay nagpupunta dito para makisearch. Resourceful Right?

Anyway, tama na ang yabang habang naghahanap. Naisip ko na naman yung sinabi ng mokong na yun kanina.

/FLASHBACK/

“Come what may… I’ll do it just for you, I swear this time I mean it”

“Come what may… I’ll do it just for you, I swear this time I mean it”

“Come what may… I’ll do it just for you, I swear this time I mean it”

“Come what may… I’ll do it just for you, I swear this time I mean it”

Kadiri siya ! As in ! Ano naming pinagsasabi niya ?! Para naman siyang nanliligaw may pa “I swear”  “I swear” pa siya . At “This time he mean it?” Bakit magkakakilala na ba kami. Yes incidentally Oo. Pero makapagsalita siya para namang jowa ko siya at binigo niya ako dati para magsabi siya ng ganun.

When LOVE attackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon